SM
Eveiandra Estella
"I'll fetch you later after ng class namin, nasa dorm ka lang naman right?" napangiti ako ng mabasa yung chat niya.
Ngayon yung alis namin papuntang SM, medyo kinakabahan dahil first time kong makipagdate tapos sa SM pa at kasama pa mga kaibigan niya.
"Okay" reply ko ng nakangiti. Well wala naman kaming pasok kaya okay naring pumayag ako kaysa maburyo ako rito sa dorm, mababaliw ako ng wala sa oras at isa pa uuwi narin naman ako ng Dinalupihan.
"Asus iba talaga kapag inlab ajujuju" napatingin ako sa dalawang babaeng nasa pinto ng room namin at nakangisi sa akin ngayon. Inirapan ko sila.
"Hoy Mery! sign na yan para maghanap kana rin" natatawa kong sabi na sinang-ayunan naman ni Lou kaya sabay sabay nalang kaming natawa ng umiling iling si Mery.
Tatlo nalang kami ngayon dito sa dorm, si Lou, si Mery at ako. Si ate Noeh ay nakaalis na nung nakaraang linggo pa at kaming tatlo naman ay sabay sabay na aalis sa linggo.
"Mukhang may lakad ka ah" curious na tanong ni Lou habang nakatingin sa ginagawa ko.
Kanina pa kasi ako naghahanap ng susuutin para mamaya, ayoko naman na pangit suutin ko e ang gaganda ng mga kasama niyang babae na kaibigan niya.
"Diko alam ano susuutin ko e" nakasimangot kong sabi habang hinahalukay yung mga damit ko. Mukhang mapapatupi nanaman ako nito niyan.
"Anong sapatos ba susuutin mo? yung puti ba na nasa labas?" tanong ni Mery. Tinanguan ko siya habang pinagpapatuloy yung paghahanap.
Naramdaman ko naman yung paglapit nila sa'kin.
"Dress sana e, kaso baka ma-overdressed ka lalo na at kasama niyo pa mga kaibigan niya" sabi ni Lou na tinulungan na ako sa paghahanap ng damit.
Napabuntong hininga nalang ako. Yeah right, kailangan yung simple lang pero maayos tignan.
Alam din naman kasi nila na first date ko ito dahil simula nung hinatid ako ni Kulot dito sa dorm ayun ininterview na ako pati nga si Nanay yung may ari ng dorm ay nakichismis narin dahil nakita daw kami sa cctv na nagkikiss.
Tsk parang sa pisngi lang e.
"Eto nalang Eve" sabi ni Mery sabay taas doon sa white croptop. Hmm puwede naman ito dahil sa mall lang naman kami pero ano naman ipapartner ko?
"Ay oo okay yan!" sigaw ni Lou at nanghalungkat na sa mga damit ko.
Biglang nagliwanag yung mata niya at may itinaas na kung ano "Eto Eve! perfect! kitang kita yung hubog ng katawan mo!" masayang sabi niya habang itinataas yung cargo pants na mint green ang kulay.
Napailing ako sa kanila dahil ayoko magsuot na kita yung bewang dahil lalong maeemphasize yung kapayatan ko
"Iiling iling ka jan! bagay sa'yo ito! saka ka na magdress kapag pinakilala kana sa parents!" sabi ulit ni Lou na mukhang ipipilit yung sa kanya.
Napabuntong hininga ako at tumango na lamang sa kanya.
"Pero bago ka mag-ayos, kumain muna tayo gurl at may pasok pa kami ni Lou! "si Mery naman ngayon na tumatayo na.
Tumayo narin ako at sumunod sa kanila habang tinitignan yung cellphone.
Napatigil ako dahil sa gulat.
Kanina pa siya may reply!!!! ghad diko man lang nareplayan agad omyyyy!
" exactly at 9am ako pupunta jan"chat niya sa'kin. 9am?may time pa naman ako dahil 7:30 palang naman.
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
Teen FictionDate Started:June 09, 2023 Date Completed: Tilaluha sequel ~ Hanggang sa Huli Hanggang kailan ba natin masasabi na mahal natin ang isang tao? at hanggang saan ba natin masasabi na siya na talaga, siya na ang taong papakasalan at mamahalin natin haba...