KABANATA 10
SIGN
Racharry Lyle Zacchios
"Ang sweet" sabay kaming napalingon ni Andra kay Mommy na nakatitig lang sa amin at mukhang hindi pa nagagalaw yung pagkain niya sa mesa.
Actually it's not just her, pati si Dad at ang magaling kong pinsan ay nakatitig lang sa amin. What's wrong with them! Tsk and what's wrong with my Mom! bakit kailangan pa niyang sabihin yun! ayan tuloy awkward nanaman si Andra! okay na e tsk.
Inis akong tumingin kay Mom and Dad " Mom, Dad please" sabi ko.
"Sorry Son, natutuwa lang naman ako" nakangiting sabi ni Mom at nagsimula na siyang kumain kaya naman bumalik ulit ako sa ginagawa ko.
"Ako na kaya ko na Lyle" mahinang sabi niya na ikinais ko. Ayan na! wala na! Kainis kasi si Mommy e!
"Lyle? wow" gulat na napatingin sa amin si Mommy kasabay nun ang mapang-asar niyang tingin sa akin.
Alam kasi nilang lahat na sinusumpa ko yung pangalan nayun kaya ayaw na ayaw kong tinatawag akong Lyle pero kung siya naman ang tatawag sa akin why not . Puwede kong kalimutan yung problema ko sa pangalan na yun para sa kanya.
"Mom" muling pagtawag ko kay Mom, binabalaan siya.
"Hija, bruise ba yan?" nawala ang atensiyon ko kay Mom at napunta naman kay Dad na nakatingin sa girlfriend ko kaya naman napalingon kami sa kung saan nakatitig si Dad at napansin kong may pasa nga sa wrist niya, bakas ng kamay.
Kamay ko ba yun? naalala ko kasi na hinawakan ko siya kanina doon e.
"Ah, eto po?" sabay tingin sa wrist niya at tumingin muli kay Dad "wala po ito" maliit na ngiting sabi niya at ibinaba sa ilalim ng mesa ang kamay.
Pano siya nagkaroon ng ganoon? galing bayun sa pagkakahawak ko sa kanya?
"You sure? bakas kasi ng kamay kaya I guess hindi lang basta basta wala iyan" sa sinabi nayun ni Dad napansin ko ang pamumutla ng mukha ni Eve.
" Hon, okay ka lang ba? " tumingin naman siya sa akin at bahagyang ngumiti. Pagkatapos ay nagpatuloy kumain, mas marahan na pagkain.
Ano kaya yung nasa isip niya? at napano kaya yung pasa niya sa kamay? may hindi ba siya sinasabi sa akin?
Nang matapos kaming kumain ay dinala ko si Eve sa kuwarto ko at pagkatapos ay bumaba ako para sana kausapin ang parents ko. Ayaw kong mafeel ni Eve na hindi siya welcome dito sa bahay at hindi ko rin gusto ang pagtanong tanong nila Mom ng kung ano ano kay Eve.
" Mom" tawag ko kay Mommy nang makita ko siya sa sala. Ngumiti naman siya at parang may hinahanap sa likod ko.
" Nasa kuwarto ko si Andra" ani ko.
"Oh bakit mo naman iniwan sa kuwarto mo, son" sa sinabing iyon ni Mommy ay tinignan ko siya ng masama.
Malilintikan sa akin itong Mommy ko e, sabi ko kahapon palang na huwag kung ano ano sabihin kay Andra kapag nameet na nila tapos kung makakausap nila si Andra kanina parang pasyente lang nila what the hell!.
"Wait! why are you looking at me like that? son!" I laughed without humor.
"Mom, can't you see? Andra's not comfortable with you! diba sinabi ko na sa inyong dalawa na huwag kung ano ano sabihin kay Andra! tapos ngayon kung makipag-usap kayo parang pasyente niyo lang yung tao! What the hell mom! she's my girlfriend for Pete's sake!" I shouted.
I didn't mean to shout my mom, I love her but I just can't control my emotions towards what I feel from what happened earlier. Ayoko na mafeel ni Andra na hindi siya belong sa family ko kaya nga hanggat maaari ay ayoko siyang iniinterrogate ng ganon.
"son! bakit mo sinisigawan ang Mommy mo? hindi ka namin pinalaki ng ganyan ah!" Napalingon kami kay Dad na pababa ng hagdan.
Nang makita kong si Dad nga iyon ay umiwas ako ng tingin at umupo sa isa sa mga sofa namin.
"Racharry! huwag na huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap ka!" I blew a loud breath then leaned on our sofa.
" Racharry I'm asking you! " yeah right, ano naman isasagot ko? baka masuntok pa ako ni Dad sa sasabihin ko.
" Dad, please understand me okay" halos pabulong na sabi ko at mukha namang narinig ni Mom dahil lumapit siya kay dad at niyakap ito.
Kami rin kaya ni andra kapag tumanda ganyan din? Yayakapin din kaya niya ako kapag nagagalit na ako sa magiging anak namin? lalambingin niya kaya ako kapag nauubos na ang pasensya ko o kaya kapag nabibitin kami?
But the question is gusto kaya akong makasama ni andra hanggang sa pagtanda? magiging kami kaya hanggang dulo?
Nahinto lang ang pag-iisip ko ng marinig kong magsalita si mom habang nakayakap parin kay Dad.
" Hayaan mo na sweetheart, mali rin kasi ang pag-approach natin sa girlfriend niya kaya naiintindihan ko. Naalala mo ba na nagalit ka din nang interviewhin ako ng pamilya mo at sa harap pa ng hapag? " ganyan nga Mom.
Eto talaga si Dad nagagalit pa, pati rin naman pala siya nasigawan niya na parents niya. Like father, like son nga naman.
"Fine, and I'm sorry son to what I did to your girlfriend. Alam mo naman na as a Doctor ay kailangan namin sabihin ang mga napapansin namin sa isang tao right? but I'm telling you son, may sakit ang girlfriend mo. May nakita rin akong iba pang pasa sa kamay niya at red spot" kinabahan ako sa sinabi ni Dad.
Hindi ko naman na din kasi pinapansin yung mga bagay nayun dahil ang alam ko normal lang ang lahat ng yun sa kanya but hearing my father I think it make sense.
"You hear me, son?" sasagot na sana ako kay Dad ng makarinig kami ng malakas na galabog sa taas at mukhang nanggagaling ito sa kuwarto ko.
Hindi ko na sana papansinin kaso naalala ko na nandoon nga pa ang girlfriend ko kaya naman simula sa kinakatayuan ko ay tinakbo ko yung kwarto ko.
Nagsisimula na akong mag-imagine ng kung ano ano at mag-isip ng possible na nangyari kay Andra sa kuwarto ko. Nadapa ba siya, nadulas, may nasagi at nabasag or worst nahimatay.
Pagkarating ko sa tapat ng kuwarto ko ay binuksan ko agad yung pinto at agad hinanap ng mata ko ang girlfriend ko na ngayon ay nakaupo sa kama.
Lumapit ako sa kanya at yumakap "pinag-alala mo ako hon" I whispered, she just hugged me then kissed me on the side of my forehead.
"Nandito lang naman ako sa kama mo e" mahinang sabi niya pero ramdam ko na may kakaiba sa boses niya. Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya at sinuri siya simula sa mukha hanggang sa katawan niya.
Nahinto lang ang pagsuri ko ng pumasok si Mom at lumapit sa amin.
"What happened here? Are you okay Hija?" My Mom said. Tumango naman si Andra.
" Ano yung kumalabog son? "tanong naman ni Dad at pinaikot yung tingin sa buong kuwarto ko, ganun din ang ginawa ko pero ni isang mali sa kwarto ko wala kaming nakita untill she spoked.
" Ah baka po ako yun, nakatulog po kasi ako ng nakaupo kakahintay kay Lyle kaya po bumagsak po ako sa sahig, pasensya na po" she explained.
Na mukhang hindi naman pinaniwalaan ng parents ko kaya tinignan ko silang dalawa ng masama kaya in the end ngumiti sila kay Andra at nagpaalam na. I intently looked at her, trying to find an answer on her eyes pero wala talaga. I blew a loud breath infront of her then kissed her gently.
" I love you"she said in between our kisses. Napangiti ako at muling pinalalim ang aming halikan, a kiss that we can share to each other forever.
"I love you too" I replied after that kissed at humiga sa kama kasama siya. Yumakap naman siya ng mahigpit at isiniksik ang ulo niya sa aking leeg na para bang mawawala ako sa kanya.
Napatawa ako ng mahina lalo na noong pinatong niya ang paa niya sa bewang ko. Kailan pa ako naging pillow?
We cuddled each other untill she fell on a deep sleep.
I am contented on what i have right now and the feeling that she became clingy to me was satisfying. I really love this girl and I can't take it if I lose her.
E D S S A A Z
HSH
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
Teen FictionDate Started:June 09, 2023 Date Completed: Tilaluha sequel ~ Hanggang sa Huli Hanggang kailan ba natin masasabi na mahal natin ang isang tao? at hanggang saan ba natin masasabi na siya na talaga, siya na ang taong papakasalan at mamahalin natin haba...