KABANATA 08

155 1 70
                                    

KABANATA 08

KISSED

Eveiandra Estella

Nasaan na kaya yung mga yun?.. bulong ko sa sarili ko, kanina pa kasi ako naghahanap sa mga kaibigan ko pero hanggang ngayon hindi ko parin sila mahagilap.

Napailing iling nalang ako at dumeretso ng rooftop, doon ko nalang siguro hintayin si Kulot tutal mukhang nakipagdate pa yata sila Ali.

Pagbukas ko ng pinto ng rooftop dito sa CBA building nagulat nalang ako ng makita ko si Agustin na nakatayo doon sa pinakadulo ng rooftop at nakatanaw sa baba. May balak ba magpakamatay ito?

"Agustin" malakas na sabi ko mula sa kinatatayuan ko, nang makita kong siyang lumingon sa akin at ngumiti ay nagsimula na akong maglakad papunta sa kanya.

"What are you doing here?" nakangiting tanong niya at sumandal nalang doon sa pader.

"Ako nga dapat nagtatanong sa'yo niyan e, ano yan feeling lonely lang" natatawa kong sabi na ikinailing lang niya.

"Nag-iisip lang, e ikaw? nasaan yung boyfriend mo?" tanong niya sabay akbay sakin ng makalapit ako. Bakit parang kakaiba yata itong si Agustin ngayon.

"May problema ka ba?" tanong ko at hindi ko na pinansin yung tanong niya.

"Namomroblema lang ako sa lovelife ko huwag mo ako pansinin" sabi niya sabay tawa. Psh lovelife lang pala akala ko kung ano na.

"Bakit parang lalo ka yatang namumutla Eve? don't tell me kulang pa yung pagmamahal ng pinsan ko sa'yo para magbloom ka?" natatawa niyang sabi kaya naman sinimangutan ko siya at tumalikod.

Sobra sobra na nga yung pagmamahal na binibigay ni Kulot sakin e at mas napatunayan ko yun ng magising ako kanina at naikuwento sakin ni Mama yung ginawa ni Kulot bago siya umuwi kagabi.

~flashback~

"O buti naman at gising kana jusme hindi kana nahiya sa boyfriend mo kagabi! tinulugan mo pa!" aga aga dakdak ng dakdak nanaman itong si Mama kaya mas gusto ko sa dorm e tahimik.

"Mama naman, kasalanan ko bang sobrang pagod ako kahapon." nakasimangot kong sabi sabay upo doon sa sala namin.

Inabutan naman ako ni Evan ng isang basong kape at si Ezrel naman ay tumakbo sa akin may dala dalang pandesal.

"Pasalamat ka mabait yung boyfriend mong yun, may biniling mga vitamin sa'yo, sobrang putla mo daw kasi tsk" naiinis na sabi ni Mama at nagpatuloy sa pagluluto.

"Alam ba ng boyfriend mong yan yung kalagayan mo?" nagulat ako ng biglang sumulpot si Kuya Ezen at umupo sa kaharap kong upuan. Nakauwi na pala si Kuya?

"Mukhang hindi pa alam Ezen, kasi kung alam ni Charry yung kagayan ng batang yan baka hanggang ngayon single parin yan" si Mama yung sumagot sa tanong ni Kuya. Napabuntong hininga na lang ako dahil may katotohanan sa sinabi ni Mama.

"Pero alam naman po ni Lyle na pupunta tayong Manila after finals" sabi ko sabay higop sa kape.

"Oo nabanggit nga sa'kin yan ni Charry, at magpapaalam daw siya sa Papa niya para hiramin yung sasakyan panghatid sa atin at yung condo yata ng ate niya na nasa ibang bansa na ipagpapaalam niya rin para sa tutuluyan natin" sabi ni Mama.

Napainom ulit ako sa kape ng maramdaman ko yung tensiyon na namumuo mula sa family ko.

~end of flashback~

"Hoy Eve!" napalingon ako kay Agustin na nakataas na yung kilay sakin.

"Bakit?" tanong ko.

"Anong bakit! natulala kana diyan" hay mukhang napalalim pag-iisip ko. Hindi ko parin kasi kayang sabihin kay Lyle yung problema ko hanggang ngayon e.

Hanggang Sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon