HER FAMILY
Racharry Lyle Zacchios
"Take your time, don't forget to eat lunch and update me when you have time" basa kong muli sa reply ko sa kanya kahapon habang nagkakape dito sa teresa ng bahay namin.
Bakit kaya hindi na siya nagreply hanggang ngayon?
Ganoon ba siya kabusy para hindi man lang tanungin kung kumain na ako o kaya naman mag goodnight at good evening? napabuntong hininga na lang ako at nagsimula ng mag-ayos, kung ano ano pa kasi sinasabi ko rito e magkikita rin naman kami ngayon.
Nang matapos ako mag-ayos pinuntahan ko na si Dad sa office niya dito sa bahay namin.
"Dad?" tanong ko habang nakasilip sa pinto, napataas ako ng kilay when I saw him kissing my mom on her neck. Ang tatanda na gumagawa parin ng kababalaghan.
"Son, hindi ka ba marunong kumatok?"naiinis na turan ni Dad na ikinatawa ko lang at tuluyan ng pumasok.
Lumayo naman si Mom kay Dad at lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi.
"Good morning son, do you have other plan for today?" Mom said while looking at me curiously.
"Morning Mom, yes I do. I'm going to fetch my girlfriend po" Sabi ko ng nahihiya na ikinatawa naman ni Dad kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Woah you do have a girlfriend?!" gulat na sabi ni Mom na ikinatawa namin ni Dad.
"Yes Mom" simpleng sabi ko at tumingin kay Dad "So Dad, where's the key of your car?" I said while raising my eyebrow.
"Over there son" sabi niya sabay turo doon sa isang cabinet niya kaya naman nilapitan ko yun at kinuha yung susi ng Lexus ni Dad at humarap muli sa kanila para magpaalam bago umalis.
"So kailan mo balak ipakilala samin yan?" nakataas kilay na tanong ni Mommy. I just frowned at her then kissed her on her cheeks to bid my goodbye.
" Soon Mom" I simply said at lumabas na sa study room.
I sighed before going out, pumunta ako sa garage at pinaandar na ang Lexus ni Dad.
It's 6 in the morning and I know that I am too early to fetch her on her dormitory but what's wrong about it, I'm just excited.
Pero yari talaga sa akin mamaya yung babaeng yun tsk nakalimutan yatang boyfriend ako para makalimutang iupdate ako sa nangyayari sa kanya. Pinaghintay niya lang ako kahapon sa reply niya. Tsk paasa.
Nang makarating ako sa harap ng gate ng dormitory niya ay nagtry akong tawagan siya but out of coverage daw. Muli ko siyang tinawagan pero agad ding namatay. Bat walang sumasagot?
"Tao po?" sabay katok doon sa gate. Sisigaw na sana ulit ako nang may lumapit sa akin na matanda.
"Sino ang hanap mo hijo?" tumingin muna ako sa kanya bago ko tinignan muli yung gate.
"Ahmm is Eveiandra here?" nag-aalangang tanong ko. I know naman na nandito siya but I still want to make sure.
"Wait, tignan ko sa room niya, halika pasok ka muna" she politely answered. Iginiya niya ako sa lobby ng dormitory at sinabing maghintay lang daw ako doon.
I patiently waiting until I heard her voice from the inside.
"Yung boyfriend ko 'Nay?"
"Oo, yung kahalikan mo sa gate noong nakaraang araw naku kayong mga bata kayo"
I chuckled when I heard that from the landlady. Kahalikan? hmmm as far as i remembered never pa kami naghalikan dito sa gate nila.
"'Nay naman"Napahinto ako sa pagtawa nang bumukas yung pinto at lumabas doon yung matanda at sunod naman ay yung girlfriend ko.
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
Teen FictionDate Started:June 09, 2023 Date Completed: Tilaluha sequel ~ Hanggang sa Huli Hanggang kailan ba natin masasabi na mahal natin ang isang tao? at hanggang saan ba natin masasabi na siya na talaga, siya na ang taong papakasalan at mamahalin natin haba...