"Mabuti pa ang sago, may gulaman. Lagi silang magkasama. Walang 'Sago't Gulaman' kung wala ang isa sa kanila. Ako kaya? Habang buhay na lang ba akong iinom ng Sago't Gulaman? Hindi ko na ba makikita ang aking sago kung ako ay gulaman o ang aking gulaman kung ako ay sago?"
Saktong alas-6 ng umaga ng gisingin ako ng nanay ko. Ito ang huling araw ng usapan naming dalawa. Sabi nya kasi sa akin noong nagpumilit akong umuwi kami dito sa Pilipinas, kung wala daw akong mahahanap na trabaho dito e babalik na lang daw kami sa Alaska, for good.
Ayoko dun. Bukod sa hindi naman ako sanay sa culture ng mga tao dun e hindi ko rin gamay ang takbo ng buhay dun. Tatlong taon kami ni Mama dun, taga-Alaska kasi yung tatay ko pero Pilipino talaga sya. Nagkataon lang siguro na sinuwerte sya sa Alaska at sinuwerte si Mama sa kanya.Ayan, isinilang ako, hindi ko alam kung naging maswerte sila sa akin, pero wala naman silang choice e.
Ang kakaibang ngiti ni Mama ang nakabungad sa akin habang nakahiga pa ako. Yung tipo ng ngiti na nagpapahiwatig na "Anak, panalo ako. Babalik tayo sa Alaska kasama ang tatay mo".
Pero syempre, hindi naman ako papayag.
"Aalis ako, pupuntahan ko ang Tita Camille mo, ayusin mo na yang higaan mo, ayusin mo na din ang mga damit mo at mukhang matutuloy ang flight natin. May pagkain na sa baba, ikaw na lang ang kulang. Wala ka na ngang trabahong nahanap dito, wala ka pa ding jowa. Kawawa ka anak. Haha" pabirong sabi ni Mama.
Wala akong nagawa kundi sumimangot na lang at magtakip ng kumot habang nadinig ko ang papalayong mga hakbang ni Mama. Napaisip naman ako sa sinabi ng nanay ko. Wala na nga akong trabaho, wala pa akong jowa. Ganito na lang ba ang buhay ko?
Teka! December 22, 2013 ngayon, naniniwala akong may kailangan akong gawin ngayon. Hindi ko maisip kung ano pero alam kong meron. Patuloy kong inisip ng inisip kung ano ang meron sa araw na ito hanggang sa mag-ring ang cellphone ko.
"Lassy! Don't forget, 8:00AM sharp ang casting ko. You promised me na sasamahan mo ako ha? Magkita tayo sa may 7/11 sa kanto nyo, dun kita sunduin. So dapat 7AM sharp nandun ka na para hindi tayo ma-late. May dala naman akong kotse. Bye!"
Kahit kailan, hindi marunong magpasingit itong si Eunice. Lagi syang ganito, tatawag at magsasalita ng isang diretso tapos ibaba na nya ang linya. Kaya hindi ka makakatanggi sa kanya. Wala ka laging lusot.
"Paano ba to? Maghahanap ako ng trabaho dapat e kaso nangako ako kay Eunice na sasamahan ko sya sa casting nya, ito pala yung kanina ko pang iniisip. At teka, 7AM sharp daw eh 6:25AM na." napabulong na lang ako magisa habang bumabangon ako sa aking hinihigaan.
Nang mapansin ko ang oras, nagmadali na akong bumangon. Kinuha ko ang paborito kong suklay na kulay pink at may Hello Kitty sa hawakan at nagsimulang suklayin ang aking buhok habang nagmamadali akong bumaba papunta sa dining area. Wala na ang mga tao sa bahay at ako na lang ang naiwan.
Agad na akong naupo sa pwesto ko sa dining area at kumuha ng isang pirasong sunny side up egg, isang hotdog at ilang sandok ng fried rice. Habang kumakain ako ay nakatitig ako sa orasan sa aking cellphone. Tinatantya ko ang oras para makaabot ako sa usapan naming ni Eunice.
Nagmadali akong kumain, pumasok ako agad ng banyo at nagsimulang maligo.
*25 minutes left*
Hindi ko alam kung bakit ba sa tuwi na lang na nagmamadali ako, mas nararamdaman kong mabilis nauubos ang oras ko. 25 minutes na lang bago mag-7AM, kakalabas ko lang ng banyo. Basang basa pa ang buhok ko. Sige na, hindi ko naman na kailangan magayos at si Eunice naman ang may casting at hindi ako. Dumeretso na ako sa kwarto at kumuha ng underwear. OC ako pagdating dito, so dapat magka-terno ang bra at panty ko. Basta na lang din ako humila ng damit at palda na isusuot ko. Nagmadali akong isuot ang mga ito at nagtatakbo ako papunta sa may sink para magsepilyo.
BINABASA MO ANG
Where is The Spark?
RomancePara sa mga nabigo, umasa, nasaktan, kinalimutan, iniwan, niloko, pinagpalit at ginagago. Sama sama tayong tumayo. Tayo! Ang storya ng isang babaeng magkukwento ng storya ng nararanasan ng mga taong magbabasa nito. Ang taong patuloy na naghahanap s...