III. Goodbye, Lassy. Hello, Alaska.

1 0 1
                                    


"Lassy, uhm, kaya mo bang mag-commute from here? May emergency meeting kasi with the brand managers para sa upcoming shoot. Eh ininvite nila ako to join the meeting with them just so maykakaroon ako ng overview ng mga gagawin ko and para na din daw sa contract signing ko." ang pamamaalam at pagpapaliwanag ni Eunice sa akin.

"Ah, oo naman! Kayang kaya. Isang jeep lang naman papuntang terminal ng bus then sakay na ako ng bus pauwi sa atin. Walang problema, Eunice. And congratulations for nailing it!" at niyakap ko s'ya.

Ngumiti lang si Eunice at nagkwento kung ano ang mga pinagusapan nila kanina. Nakakatuwa dahil nagustuhan daw ng director ang shots ko sa kanya.

"This will never be possible without you, Lassy. Part ka ng success na ito. Besides, medyo matagal na din akong freelance, maybe this is the right time to be a permanent model for an agency." ang dagdag pa n'ya.

Nabanggit din n'ya sa akin kung paanong pinuri ako ng matapang na director sa harap ng ilang managers na kasama sa shoot. Nang madinig ko ang mga yun, tumaas ang confidence ko at nabuhayan ng loob. Hindi ko kasi lubos maisip na sa isang biglaang pagkakataon ay ma-aapreciate ako ng mga kilalang tao.

Okay na yun. At least, kahit hindi ako nakuha for the job post dahil baka nga naman wala silang opening, eh alam ko naman na hindi naging kalat ang ginawa ko for today.

Nagpaalam na si Eunice at bumalik na sa meeting nila sa set. Kumaway na lang ako sa kanya habang papalayo s'ya at bahagyang ngumiti ng makita kong nakatingin ang director at ang mga managers. Tumango naman sila at tila ba nagbanggit ng "thank you". Tumango na lang ako.

Hindi ganun kalayo ang sakayan ng jeep dito. Nakita ko pa ang ilang mga modelo na nagaabang na rin ng jeep.

"Hi girl! Congrats ha? Ang galing galing mo kanina. Buti na lang andun ka, kahit hindi ako ang nakuha, still I am happy kasi nakuhanan mo ako ng maayos." sabi ng isa sa mga modelo na nagaabang ng jeep.

"Wala yun. Thank you din." ang simpleng sagot ko sa kanya.

Sa pagaabang namin ng jeep, nakakwentuhan ko ang modelong ito, si Hazel. Nakwento n'ya na ilang beses na daw n'yang nakakasama si Eunice sa mga casting at nagkasama pa daw sila sa isang project months ago. Nabanggit n'ya kung gaano n'ya hinahangaan si Eunice dahil napaka-professional daw nito at napaka-bait pa.

Totoo naman lahat ng sinabi ni Hazel. Sa ilang taon na rin naming mag-bestfriend ni Eunice, nakita ko kung gaano s'ya kabait na tao. Bukod sa maganda at matalino pa. Matagal ko na s'yang inuudyukan na sumali sa mga beauty contest pero ayaw n'ya, masaya na daw s'ya sa modelling career n'ya.

Ilang minuto pa ay may dumating na na jeep at sumakay na kami ni Hazel. Magkatabi kami sa upuan at nagpatuloy ang kwentuhan namin.

"Talaga? So by tomorrow, possibly bumalik ka na sa Alaska with your mom?" ang banggit nya sa akin matapos kong magkwento ng mga nangyari sa akin dito.

"Sayang naman girl. Mag-Christmas eve pa naman bukas." ang dagdag pa nya.

Naisip ko rin na sayang, hindi ko man lang magagawang makasama si Eunice bago pa man kami bumalik ng Alaska.

Ma: Kamusta anak? Nakakita ka ba ng lovelife este trabaho?
Me: Negative. Huhu
Ma: Okay lang yan. Maybe you'll find one pagbalik natin sa Alaska.
Me: Pwede bang kayo na lang? Ayoko talaga dun Mama. :(
Ma: No. Deal natin yun. Okay? See you sa bahay. Start packing your things. :)

Si Mama talaga. Naiintindihan ko naman na kaya gusto n'ya akong isama pabalik ng Alaska ay para magkakasama na kaming pamilya. Besides, tama naman s'ya. Masyadong mahabang panahon na nga ang naibigay n'ya sa akin. Ang wrong timing lang kasi, kung kailan naman magpapasko. Hay.

Where is The Spark?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon