"Alaska, good luck to your new work! We'll go ahead. Hindi ka na naman ginising, alam mong ayoko ng good byes sa ating dalawa. Sana naman sa sunod na uwi namin e may love life ka na ha? You can start using your credit card na ulit for your allowance. Wag masyadong magastos ha. I love you!" ito ang note ni Mama na iniwan n'ya sa ibabaw ng desk ko sa kwarto ko.
Umalis na pala sila.
Hindi man lang nagpaalam. Pero ganun nga lagi ang gawain nila, namin. Ayaw kasi namin ng madramang paalaman.
Hindi ako sanay na magisa lang dito sa bahay. Nakakapanibago.
Hindi ako agad bumangon sa pagkakahiga ko. Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko na may mga nakadikit na glow in the dark na stars at planets.
"Hindi ba kayo napapagod dyan? Hanggang kailan kayo magliliwanag sa dilim? Buti pa kayo,may sparks." ang pagkausap ko sa mga ito.
"Feeling ko kapag sumagot ang mga yan, matatakot ka." ang sabi ng pamilyar na boses.
"Oh! Ano ginagawa mo dito Eu.. Summer? Ang aga-aga pa." ang sabi ko kay Summer ng makita ko s'yang nakatayo sa may pinto ng kwarto ko.
Napansin ko ang suot n'ya, kahit kailan napakaganda nitong si Summer. Naka-lugay lang ang buhok n'ya at nakasuot ng tila ba baseball shirt na naka-tuck in ang unahan sa shorts n'ya na tattered at naka-sneakers. Kahit sa ganitong get up, ang ganda n'ya.
"Nagtext sa akin si Tita na aalis na nga daw sila, ako na daw muna ang bahala sa'yo." ang sabi nito sa akin.
Napansin kong may dala s'yang mga maleta at bag.
"Oh, eh bakit ang dami mong dalang maleta?"
"Are you seriously asking me? C'mon, Alaska. Kaya ata wala kang lovelife, obvious ba? I'm moving in! Para may kasama ka." ang paliwanag sa akin ni Summer.
Napatayo ako sa kama ko at napayakap sa kanya dahil sa excitement. Hindi ko naisip na dito na lang sa bahay patuluyin si Summer, buti naman naisip n'ya, may makakasama na ako.
"So mukhang hangga't nasa Alaska sina Tita, dito muna ako. Ang saya kasi same company pa tayo diba. It's gonna be so fun!" sabi ni Summer.
Ipinasok namin ni Summer ang mga maleta n'ya at sinimulang ayusin ang mga damit n'ya. Hindi na ako magugulat kung sobrang mamahalin at branded ng mga damit n'ya. Napansin ko din na mahilig s'ya sa spaghetti straps, tube tapos may mga pampatong na lang s'ya na jackets, blazers or bolero.
Isa sa strength ni Summer ang pag-mix ang match ng mga damit n'ya, dahilan kung bakit puro plain din ang kinukuha n'ya, madali daw pagsamahin. May mga ilang damit naman sya like dress. tshirts or printed shirts na maganda pa rin tingnan sa kanya."Anong lamang nito? Sobrang bigat naman ng dalawang ito." ang sabi ko sa kanya.
"Ah, open it so you'd see." ang simpleng sagot nya sa akin.
Binuksan ko ang dalawang maleta at nagulat ako ng makita kung gaano karaming sapatos ang meron s'ya at kung gaano karaming make up sets ang meron s'ya. Parang pwede ka ng mag-shopping sa mga gamit n'ya.
Halos isang oras din ang lumipas para sa pagaayos namin ng mga gamit n'ya, nagulat ako ng tingnan ko ang kwarto ko. Bigla itong nagmukhang stall sa isang mall, may mga racks na dala si Summer na pwedeng sabitan ng damit at may dala din s'yang shoe rack.
Bumababa kami para kumain ng umagahan. As usual, hotdog at itlog ang niluto ko at nag-fried rice na lang ako. Buti na lang hindi maselan sa pagkain si Summer.
"So, ano nga pala ang plano mo? You got the job na as the intern photographer. Galingan mo Alaska para ma-absorb ka. Para naman hindi ka na kailangan maghanap ng new job, ha?" sabi ni Summer.
BINABASA MO ANG
Where is The Spark?
RomansaPara sa mga nabigo, umasa, nasaktan, kinalimutan, iniwan, niloko, pinagpalit at ginagago. Sama sama tayong tumayo. Tayo! Ang storya ng isang babaeng magkukwento ng storya ng nararanasan ng mga taong magbabasa nito. Ang taong patuloy na naghahanap s...