Dare relationship
Napasapo ako sa aking noo dahil naaalala ko kaagad ang nangyari sa gabing iyon . I'm one hundred percent sure . Ako ang unang humalik sa kaniya o kong siya man ay may kasalanan din ako . Nagpadala ako sa temtasyon. Siguradong sigurado ako .
Ano kaya ang pwede kong sabihin o idahilan sa kaniya? Dahil sa nararamdaman ko ba? Oo na aaminin ko na . Gusto ko siya . Sino naman kasi ang hindi mahuhulog sa kaniyang napakaamong mukha na parang isang Korean idol . Lalo pa kapag ngingiti siya . Tapos madadala yung mga mata niya . Yung heart shape lips niya na natural ang pula . Again! He's so very dreamy to everyone.
Kahit noon pa hinahangaan ko na iyon . Plus points na lang siguro yung mga talents niya at talino niya . Paano nga ba ako nahulog noon sa kaniya? Well! Dahil siguro sa mabait siya? I don't know . Basta ang alam ko sa lahat ng simpleng mga ginagawa niya nahuhulog ako .
It turns out sobra akong nahumaling sa kaniya kaya ayon nakapag-confess ako . Wala namang masama sa ginawa niyang pag-reject sa akin . Naiinis lang ako sa sarili ko . Wala siyang kasalanan sa mga nangyayari noon pero naiinis lang ako . Naiinis ako dahil hindi ko makontrol ang sarili ko sa harapan niya at ayaw ko nang maulit iyon .
Well! Unfortunately naulit nga . Saturday night I kissed him . Hindi na ako nagpumigil . At gosh! Nakakahiya iyon!
"Excuse me ? Are you with me?" Winagayway ni Kenneth ang kaniyang kamay para gisingin ako sa pagkatulala . Natauhan naman ako at napaupo ng straight. Huminga ako ng malalim bago magsalita .
"Alam mo naman na nakainom ako ." I started. "Siguro dahil lang yun sa alak. Alam mo naman . Tsaka hindi ko narin naalala ." Wow! Best actress na talaga ako sa posisyong ito . Imagine, I tried to be calm and cool and I did it . Kahit pa nanginginig na ang tuhod ko at hindi na ako mapakali .
"Ah, okay ." Tumango siya at napangiti narin ako . Ang awkward.
"So? Bukas ba nating sisimulan?" Parang ako pa yung excited sa gagawin namin ah! Hindi naman yata! I mean , gusto kong matapos agad ito . Nakakapagod kasi . Ayaw ko na siyang makita tapos hahantong lang kami sa ganito .
"Tomorrow then." He confirmed. Tumango ako at akmang aalis." Aalis ka na?"
Ano pa ba ang gagawin ko dito ? Edi syempre uuwi . Nakakapagod kaya ang kausapin ka . Tapos sa class pa kanina ugh! Mas gusto ko pang maging kangkong na lang kaso marami pa akong pangarap kaya pass mona.
"Oo."
"Hatid na kita ." Nagulat ako sa sinabi niya at napakurap ng dalawang bese . Hindi narin ako ng reklamo .
Pumasok ako sa kaniyang black sedan . Sa front seat. Amoy na amoy kona agad ang pabango . Grabe! Pati ang amoy ng sasakyan niyayakap siya . Sanaol na lang talaga .
"Seatbelt!" Aniya . Tumango na lang ako at nagsoot ng seatbelt. Bakit Heart? Nag-assume ka.ba na siya yung mag-susuot ng seatbelt mo? Dream on. Maybe nagbago na siya pero siya parin yung Kenneth na hinahabol mo .
Napaisip tuloy ako . Bakit sa dinami-dami ng puwede niyang ipagawa sa akin . Pagiging gf for 10 days yung napili niya? Hindi kaya paglalaruan niya lang ako? Well alam naman natin na gusto ko siya simula noon .... Hanggang ngayon , di ko itatanggi pero alam ko na ang gagawin . Hindi ako magpapadala .
What if ? Ginagamit ka lang niya? Alam mo gusto mo siya noon hindi ba? Nagawa mo pa ngang mag-confess tapos he turned you down . Ngayon what if uulitin niya ulit iyon? What if gagamitin niya yung 10 days para saktan ka .
Well! Hindi naman na ako tulad ng fangirl niya kaya relax ka lang self . Alam mo namang basher na niya ako ngayon hindi ba? Hindi tayo masasaktan . Tiwala ka lang.
BINABASA MO ANG
Chasing The Dreams (SE-HIGH 2)
Teen FictionMaghahabol ka pa ba kung paulit-ulit ka lang papaalisin? Mamahalin mo pa ba kahit hindi ka na pinapansin? Heartesia Avrelin Mahari, the spoiled brat of rich parents, was determined to chase John Kenneth Tagales. He is a smart and talented guy who is...