"Anong ginawa mo sa pinsan mo ?" Sigaw ni mama . Umirap ako at tumayo .
"Nagdadrama lang po . Hayaan niyo na . Broken hearted." Sabi ko .
Curious na tumingin sa akin si Nanay ngunit humalukipkip lang ako at tumayo papalapit sa counter .
"Oh? Edi magbreakdown kayong dalawa ." Aniya. "Samahan mo na ang pinsan mo . Total mga sawi naman kayo ." Umawang ang labi ko sa gulat .
Excuse me . Hindi mo ba alam nay na hindi na ako sawi ? Kung alam mo lang na nagbabalikan na kami ni Kenneth.
"Nay! Kami parin po ng jowa ko . Baka kinabukasan may apo ka na sa akin." Nagulat ako dahil agad akong sinapak ni nanay .
"Hoy! Hindi pa nga kayo kasal. Nag-aano na ba kayo?" Uminit ang pisngi ko at ngumisi .
"Malapit na po." Pinisik niya ako ng tubig dahilan para matawa ako . Ang cute naman ng Nanay ko .
"Hoy! Bruha ka talaga . Ako ang nagpalaki sa'yo. Hindi ka dapat nagpapaganun!"
"Anong ganun?"
Napabaling si Jeff sa amin . Uminit ang aking pisngi at umiling . Hayst! Ang dirty minded niya talaga . Mana kaya ako sa kaniya?
"Hoy! Hindi ka man lang nahiya sa bisita . " Umiling si Nanay .
" Nay! Hayaan niyo na 'yan broken hearted. " Napatingin ako kay Jeff na nakakunot ang noo. Namumula parin ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak kanina.
"Wow! Hindi ka umiyak noon?" Tinaasan niya ako ng kilay . Umirap ako sa kaniya .
"Ew! Alam mo naman na dering-deri ako sa'yo." Pagtataray ko .
" Sos! Kung hindi mo alam na magpinsan tayo. Matagal mo na akong pinakasalan kung ganun! " Ngumiwi ako .
" Hindi ka ba nasusuka sa pinagsasabi mo? Neknek mo! " Umirap ako at umupo sa tabi niya . Kumunot ang noo ko sa kaniya .
" Bakit? Sino yung nagsabi sa akin na 'gamitin mo ako please!' sa atin?" Uminit ang pisngi ko sa sobrang galit . Feeling ko parang bulkang na ngayon ang aking ulo na pasabog na . Kailangan ba niyang gamitin ang nakaraan para inisin ako? Brutal ah!
"Tse! Atleast I'm not like you na iniwan ni Love . Sino sa atin ang luhaan?" Hinamon ko siya . Natawa siya at umiling .
"Sino ang lumuhod sa atin at nagmakaawa ?" Umirap ako at sinapak siya. Hindi ko na kaya pa ang salita niya . Sobra kayang nakakahiya 'yon . Kinikilabutan ako sa tuwing naaalala ko 'yon. Parang nasusuka ako .
"Ew! It was before . Diring-diri ako sa'yo like the heck . " He frowned from my words .
" Hoy! Tama na ang pagtataray ninyong dalawa. Baka nakalimutan ninyo nagmamahalan kayo dati . "
Sabay kaming napalingon kay Nanay na ngayon ay naghahanda na ng aming hapunan. Tiningnan ko siya ng masama at sa mga oras na tumingin si Nanay sa amin napahawak ito sa kaniyang dibdib.
" Bakit ? Totoo naman ah! Kung makapaglait kayo sa isa't isa hindi kayo nagkiss. "
Natawa kami pareho ni Jeff . He clapped his hands . Napatingin ako sa kaniya at peke akong ngumiti.
" No we never kissed . "Masaya akong bumaling kay Nanay na ngayon ay tinaasan ako ng kilay ." Bwaaaah! " Kunwari nasusuka ako .
" Mabuti na lang talaga di ko binigay sa'yo yung first kiss ko . Nandidiri ako . " Anito .
Kumunot ang noo ko sa kaniya ." Ako dapat ang mandiri sa'yo. Special ka pa naman sa akin noong debut ko . Ew! "
Humagalpak si Nanay kaya nabaling kami sa kaniya ." O siya tama na 'yan at baka magsabunutan kayong dalawa . Tayo ay kumain na . "
BINABASA MO ANG
Chasing The Dreams (SE-HIGH 2)
Teen FictionMaghahabol ka pa ba kung paulit-ulit ka lang papaalisin? Mamahalin mo pa ba kahit hindi ka na pinapansin? Heartesia Avrelin Mahari, the spoiled brat of rich parents, was determined to chase John Kenneth Tagales. He is a smart and talented guy who is...