Chapter 15

21 1 0
                                    

Chapter 15

"Gaga ka." I said and smacked his arm. Pero kinikilig na ate niyo Chrizzna oo. Shemay naman yan.

"Nag aaya nga pala si Des lumabas." Sabi ko and I saw him frown nako kumunot na ang noo mukhang hindi papayag ah.

"Gabi na." Angal naman niya.

"Magi stroll lang naman daw dito sa barangay niyo eh. Tsaka kasama daw si Felix." Sagot ko naman. Parang tatay ko na to kung mag explain ako ah.

"Sige nalang. Syempre ano pang magagawa natin eh gusto mo eh." He said as I smiled at him.

"Syempre naman ako na to eh." I said as he laughed and ruffled my hair.

"Oo nga naman sino ba namang tatanggi sayo?" Sabi niya na kinatawa ko. This guy never failed to amaze me.

"Oh buti naman at nandito na kayo." Sabi ni Felix nung nakarating na kami sa barangay hall ng San Diego. I mean medyo malayo nga pero hindi ganoon kalayo. Tamad lang talaga ako kaya nasabi kong medyo malayo.

"Pake mo ba. Tara na nga para makampante na tong batang to." Sabi niya tsaka ginulo yung buhok ko. Tangina neto ang bastos ginugulo buhok ko para namang others eh.

"Excited kanina pa eh. Di kase lumalabas ng bahay nung kina Jarius siya nag stay." Sabi ulit niya na nagpairap sakin. Bastos neto sakin.

"Eh sa ayoko. Tsaka masaya naman sa loob ng bahay nila since nandoon si Mia and madami ding pwedeng gawin doon." Sagot ko naman.

"May mga open pa bang convenience store dito sa inyo sa ganitong oras?" Tanong ko sakanila na habang naglalakad kami.

Tinignan nila ako and I just shrugged. Gutom ako wala silang magagawa.

"Meron. Gutom ka?" Tanong ni Felix na kinatango ko naman.

"Dimo kinuha wallet mo Izz." Sabi ni Jace and I smiled at him and clung to his arm.

"Ikaw muna mag bayad, promise babayaran kita pagdating natin sa bahay." Pangungulit ko sakanya. Bumuntong hininga naman siya tsaka na sila naglakad patungo sa sinasabi nilang convenience store.

Habang naglalakad kami naka hawak parin ako sa braso ni Jace. Eh sa ayoko maligaw eh.

"Nako naglalandian na naman kayo. Ano ba naman tong mga to." Pagre reklamo ni Felix.

"Potragis ka di wag ka na kase lumingon pa nasa likod na nga kami. Gusto mo ata baliin yang leeg mo sa kakalingon mo eh." Sabi ko naman na kinairap niya. At inirapan pa talaga ako. The nerve?!

Nung makarating kami sa convenience store na sinasabi nila pumunta nako sa food section, sorry ako lang to gutom kase everyday, every hour wala kayong magagwa.

"Wag kana mag coke nag coke kana naman kaninang nag meryenda tayo." Sabi ni Jace na kinanguso ko. Syempre as a masunuring bata water nalang kinuha ko. No choice eh.

Nung nabayaran na yung pagkain namin pumunta kami sa table sa side yung pinaka dulo sa lahat. Nagmumukhang mga introvert eh mga walang hiya naman. Chos.

"Pero Jace, anong bang masama pag uminom uli ako ng coke?" Nguso ko and he looked at me like the answer was obvious.

"Balak mo atang gawing tubig yung coke eh no?" Sabi naman niya ng puno ng sarkasmo yung boses niya. Hmp! Nagtatanong lang naman eh.

"Eh hindi naman palagi eh." Sabi ko naman and he glared at me.

"Hindi palagi pero halos kada minuto iinom ng coke?" Sabi niya.

"Grabe ka naman sa kada minuto. Every break lang kaya." Sabi ko and he let out a laugh na puno ng sarcasm.

"Oh, sa tingin mo ba maganda yon sa kalusugan?" He asked, I immediately shaked my head kase hindi naman talaga.

"Naman pala." He said. Hanggang sa nakalabas na kami sa convenience store coke parin yung topic namin.

"Eh okay parin naman ako ah. As you can see naman I'm still well and breathing." Sabi ko na kinaseryoso ng mukha niya.

"Time will come that you will no longer say that. Pag hindi mo pa tinigil yang kaka coke mo baka mamaya matagpuan ka nalang sa hospital. Reduce drinking coke gawin mong at least once a week lang. It's bad for your health kahit masarap." He said and flicked my forehead.

"Aray ko." I said and touched my forehead as he laughed and ran away from me bastos na nilalang. Shemay parang magre red yung pinitik niya.

I chased him and when I was catched up to him I pushed his back.

"Masakit?" Tanong niya nung humarap siya sakin.

"Oo beh malamang." Sabi ko naman na kinatawa niya. Mas lalo pa siyang tumawa nung nakita niya yung noo ko.

"At anong nakakatawa?" Tanong ko naman at mas lalo na namang tumawa. Luh gagi parang baliw naman neto.

"Ang red ng noo mo." He said laughing. At tawang tawa pa dahil doon? Para namang gago to hindi na naging mabuting tao hay nako nga naman.

"Sige tawa ka pa." Sabi ko and that's when he stopped laughing. Oh titigil lang din naman dipa mas inagahan eh. Nakakainis din to minsan ano.

"Joke lang, sorry na." Sabi niya and tinalikuran ko siya tsaka naglakad patungo kina Des at Felix. Tse! Bahala siya sa buhay niya potragis niya.

"Nyare sa noo mo?" Tanong ni Felix tsaka ako ngumuso.

"Pinitik niyamg magaling na kaibigan mo." Sabi ko naman tsaka siya tumawa.

"Napalakas ata pitik ah pinkish lang naman hindi naman red." Sabi ni Des na tumatawa.

"Sige tawa din kayo. Baka gusto niyo samahan ko pa kayo?" Sabi ko sakanila.

"Ay wag na beh. Halatang inis na inis ka na." Sabi ni Des.

"Tumpak na tumpak beh. Sobrang naiinis nako." Panunumbat ko naman sakanya. Pero medj masakit nga yung pinitik ni Jace. Parang kagat ng red na ant lang.

"Masakit pa?" Jace asked sincerely. I ignored him naneto bahala siya sa buhay niya.

"Kausapin mo hangin beh." Sabi ko naman tsaka umirap. Tse!

Maya maya may nag notif sakin. May post si Des.

https://www.instagram.com/p/CuLxPNHP_L9/?igshid=MzRlODBiNWFlZA==

After nung bardagulan namin sa IG tinignan ako ni Felix. Alam ko namang nakaka shock pero hindi na dapat sila ma shock kahit sino naman mafa fall kay Jace pag ang buti ng trato niya sayo eh.

"Gago ba kayo?" Sabi ni Felix samin as we looked at each other and frowned.

"Hindi." Sabay naming sabi. Pagkamalan ka ba namang gago sinong hindi magde deny doon?

"Kayo na?" Tanong naman ni Desiree.

"Hindi din." Sabay na naman naming sagot. Mukhang naguguluhan na ang magpinsan dahil sobra na ang pagka kunot ng kanilang mga noo. Ayun desurv, lowkey po kase kami. Chos, lowkey pero sinasabing gusto ang isa't isa openly ano yon?

"Eh ano kayo?" Tanong na naman ni Felix. Di nauubusan ah. Curious na curious.

"Tao malamang." Pilosopong sagot ni Jace. Yung pagtingin ni Felix parang makakapatay na like for real.

"Gago. Ang ibig ko sabihin ay anong status ng relationship niyo. Parehas niyong gusto isa't isa so ano nga yung status niyo like ano yung label niyo?" Pagi specify ni Felix. Hay, buti nalang at mahaba pasensya neto hindi gaya nina Jino. Baka kung iba na to nabatukan na si Jace.

Me and Jace looked at each other before answering.

"Best super friends premium fully paid."

Never Noticed You Were There (TRF #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon