Chapter 25

17 1 0
                                    

Chapter 25

"Hay nako Chrizzna pagpasensyahan mo na ha?" Sabi ni Tita Zoey. I just smiled at her.

"Nako ka naman, Kriszchna. Hayaan mo na munang makapag pahinga si Chrizzna. Siya sige ituro mo na siya sa kwarto niya at makapag pahinga na din siya. Sure akong napagod sila sa byahe nila." Sabi niya tsaka naman ako hinila ni Kriszchna.

"Matulog kana muna at baka napagod ka talaga hehe. Sorry kanina ha? Na miss lang talaga kita ng sobra." Sabi niya na kinangiti ko naman.

"Ano ka ba? Okay lang yun. Tsaka namiss din naman kita eh. Hindi ka na kase nagcha chat eh kaya kala ko sobrang busy mo na." Sabi ko naman tsaka siya umupo sa kama habang naga ayos ako ng gamit ko.

"Nako sinabi mo pa. Akala ko pupunta ka sa binyag ni Louise kaya naman naghintay ako pero dika naman pala pumunta. Kalurky ka ateng." Sabi niya na kinatawa ko naman.

"Na busy lang ako sa acads bi. Tsaka nalalapit na quarterly exam namin noon eh. Kinailangan kong mag review noon." Sabi ko naman tsaka siya ngumuso.

"Pero nagtatampo parin ako sayo kahit mag explain ka kaya naman lalabas tayo mamaya kapag nakapag pahinga kana. I don't accept the word "no"." Sabi niya tsaka ako tumango.

"Sige, labas na ako. Labas ka nalang later kapag nagising kana. Kain muna tayo bago tayo umalis." Sabi niya bago lumabas sa kwarto.

Di talaga nag bago ang babaeng yon. Still as jolly as ever. Kaya minsan naaalala ko si Aydien sakaniya eh. Halos magkaparehas na sila sa pagka jolly nila. Friendly din sila both.

"Ay ayan na pala siya. Halika na dito Chrizzna at makakain na tayo." Sabi ni Tita Loraine. Nakita ko si Louise na inaalagaan ni Ishna kaya naman pumunta ako sa tabi niya.

"Hi baby." I said and Louise smiled at me. Ackkk so cute naman ng bebe na yan.

"Gising kana pala. Kain ka na muna diyan hindi pa nagigising yung mga kasama natin na aalis eh tutulog tulog kase parang tanga lang." Ishna said while babying Louise.

Uy nice lasagna. It's been a while since I last tasted Tita Loraine's lasagna. Pati yung mga bina bake niya na miss ko. Halos magta tatlong taon na since nung huli akong pumunta dito.

"Hay nako. Alam mo naman yang mga kapatid mo, Ish. Matutulog ngayon para magpuyat mamaya. Palaging routine nila yan eh. Parehas na parehas sila." Sabi naman ni Tita Zoey tsaka bumuntong hininga si Ishna.

"Hirap talaga pag mag isa ka lang babae sainyong magkakapatid." Sabi niya tsaka naman ako tumawa.

"At least minsan may princess treatment ka." Sabi ko naman tsaka siya ngumiwi.

"Nganga anong princess treatment. Palagi nga silang nang aasar eh. Mas matangkad na pala si Zix kesa sakin, na mas lalo na naman akong inasar." Sabi niya tsaka ako napatingin sakanya.

"Weh?" Sabi ko tsaka siya tumango.

"Kaya nga mas lalong inaasar na ako eh. Tapos si Kuya Zac naman ayon mas tumangkad na naman. Isang taon lang naman na mas matanda pinagmamayabang na yung height. Chenes sarap sapakin minsan." She added as I laughed. Lakas ng sama ng loob sa mga kapatid eh.

May dalawa siyang kapatid yung isa mas matanda sa amin ng isang taon tapos yung isa naman mas bata sa amin ng isang taon din. Nag iisa siyang babae sakanilang tatlo kaya naman sakin siya nagve vent ng mga problema niya minsan. Pero kaya masama ang loob niya sa dalawang yon ay pinagkakaisahan din kase nila minsan. Lakas ng mga non mang asar eh. Lalo na ngayon na mas matangkad na pala si Zix sakanya. Sakanilang tatlo si Ishna ang naiiba dahil ZK ang initials ng kapatid niya samantalang siya naman ay KZ. Siguro dahil nag iisang babae na rin.

"Ishna aalis kayo?" Tanong ni Tita Loraine na kinatango naman ni Ishna.

"Kakain ba kayo sa labas o dito?" Tanong niya ulit.

"Kakain na po kami sa labas." Sagot naman ng katabi ko.

"Sige. Wag masyadong magpapagabi ha?" Sabi naman ni Tita Loraine tsaka tumango si Ishna.

If you look at it magkapareho na kami ng pangalan mag kaiba lang ang spelling. Buti nalang at si Jace lang ang tumatawag sa akin ng Izzna kundi sana magkaparehas na talaga kami ng pangalan neto. Kapag kase magkasama kami ang tawag sakin Chrizz tapos sakanya naman ay Ishna. Mas medyo complicated din yung pangalan niya eh.

"Tita Carrie hiramin ko muna anak niyo ah?" Pagpapaalam ni Ishna sakin.

"Saan ba kayo pupunta anak?" Tanong naman ni Mama.

"Sa bayan lang po. Tsaka hanggang 10 lang naman po kami." Sabi niya tsaka tumango si Mama. Uy for the first time pinayagan akong gumala hanggang 10 ah.

"Kasama ba kuya mo?" Tanong ni Mama na kinatango naman ni Ishna.

"Opo. Kasama po sila ni Zix. Magdra drive po si Kuya tapos si Zix naman po ay wala lang sadyang paepal lang po." Sagot ni Ishna na kinatawa naman ni Mama.

"Oh siya sige, lumabas kayo hanggang gusto niyo. Sasama naman pala ang kuya mo eh, panatag ako kung sasama siya." Sabi naman ni Mama.

Diko alam kung bakit pero pag sumasama si Kuya Zac agree si Mama kahit saan pa ako dalhin. Hindi nga pala kami related ni Ishna. Relative sila ni Tita Loraine sa father's side niya habang kami naman ay relative niya sa mother's side niya so hindi talaga kami related. Minsan pa nga noong unang pumunta kami dito nirereto na ako kay Kuya Zac eh.

"Diko alam Tita pero okay lang kung sasama si Kuya eh luko luko naman yon. Paano ka mapapanatag sa ganoong mukha?" Sabi naman ni Ishna na kinatawa ni Mama.

"Lokong bata ka. Pinagsasalitaan mo na naman ng hindi maganda ang Kuya mo." Sabi naman ni Mama na kinanguso ni Ishna.

Umalis na si Mama sa hapag at kami nalang ni Ishna ang natira kinuha na rin nung mga mas matanda pa sa amin si baby Louise.

"Totoo naman kase. Paano ka mapapanatag kapag kasama ng anak mo ang ganoong mukha eh hindi naman nakaka aya ang mukha ni Kuya." Sabi naman ni Ishna. Diko alam pero yung mga kilala kong may mga kuya ang tingin sakanila pangit.

"Pogi naman kuya mo ah." Sabi ko tsaka siya ngumiwi.

"Pogi yon? Mukhang drug addict eh." Sabi naman niya. Shumay na babaeng to grabe naman sa maka drug addict.

"Grabe ka naman sa drug addict beh. Hindi naman." Pagde defend ko tsaka naman siya napilitan nalang na umagree. Close kami ng Kuya neto eh, parang kuya na din ang turing ko kay Kuya Zac kase nga alam mo naman ang ate niyo walang kuya kaya ayon si Kuya Zac na ang tumayong kuya ko. Mas close pa ata kami kesa ni Ishna eh, chos.

Later on habang nagchi chikahan kami ni Ishna, I felt someone hug me from behind tsaka niya pinatong yung ulo niya sa ulo ko.

"I missed you so much my baby princess, Izzna."

Never Noticed You Were There (TRF #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon