CHAPTER 7

1K 46 1
                                    

Becky's pov:

Bumaba na nga ako ng taxi dahil nandito na'ko sa bahay. Dumiretso ako agad ng CR para maglinis ng katawan

Pumunta ako sa bathtub para tumambay at nakaupo lang ako dito habang umiiyak

Iniisip ko kung. Babalik pa ba ako duon para makiparty o mananatili na lang ako dito para magpahinga? Ang gulo ng isip ko ngayon parang gusto ko na lang buong araw tumira dito sa bathtub at hindi na lumabas ng CR... Napag-isip isip ko rin na mahahalata nilang lahat kung hindi ako babalik duon

Huminga ako ng malalim at binilisan ang paglilinis ng katawan.

____________

Paglabas ko ng CR nag bihis agad ako ng t-shirt at shorts para maging komportable ako. At dali dali na rin ako pumara ng taxi at nag bayad

Pagbaba ko ulit ng taxi huminga ako ng malalim at tinignan ang mga mata ko kung namamaga pa ba ito."buti na lang at hindi halata." Pagpasok ko, nakita ko si Papi at si mommy sa harapan ng pintuan hinihintay ako

"Beck, Bakit ka umuwi na hindi nagpapaalam sa amin? Baka mamaya malaman na lang namin napahamak ka na?" Pag aalala ni Papi sa akin

"It's okay Papi ang mahalaga okay lang ako" ito naman ang sagot ko kay Papi Vince

"Ate Beck. Inum ka na daw po sabi ni ate irin?" Ito naman ang pag aaya ni win akala muna naman umiinom

"Irin...." tawag ko kay irin

"Beck, Buti bumalik ka. Tara inom." ito naman ang sabi ni irin sa akin at noey na tilang lasing na rin ata

Uminom ako ng uminom dahil nagluluksa parin ako sa ng yari kanina. Kahit pa man hindi ko narinig ang sagot niya parang nararamdaman ko na hindi ako ang para sa kanya. Ansakit lang!

Uminom ako ng mga iilang Tuga kahit pa man hindi ako masyado sa alak. Nagpatulong si nam sa akin na akayin at dalhin si freen sa bahay niya dahil sa sobrang lasing neto. Kahit ako medyo lasing na rin pero kaya ko pa naman

"Beck, hindi ko alam kung bakit naglasing ng sobra yan si freen? Alam muna naman na ganyan yan pag May party grabe uminom!" Saad ni nam.

" Sige ako na bahala nam." Sabi ko kay nam

"Sige Beck ingat kayo." Sagot ni nam

Isinakay ko na nga si freen sa taxi dahil wala naman akong dalang kotse at susi paano ako makakapag drive at mamaya mapahamak pa kami kung hihiramin ko ang susi ng van

Nakasakay na kami sa taxi."kuya isa nga po duon sa San Juan street. Banda po duon sa malaking bahay?" Sabi ko. Sa driver at nag bayad na rin

Nakahiga sa lap ko si freen dahil sobrang dami niyang ininom na alak kaya hindi na siya makaupo ng maayos

Pinagmasdan ko ang mukha niya at medyo nag bla-blurred narin ang mga mata ko dahil sa epekto ng alak na ininom ko. Actually mabilis lang din ako matamaan ng alak sa katawan kaya yan lasing na rin ako

Pero kinakaya ko hindi malasing para naman may kaakay itong si freen!! Haysttt hindi ko na kaya baliw na baliw ako sakanya.

.........

Nakababa na nga kami sa harapan ng gate niya. Agad ko naman ito binuksan at pinasan si freen sa likod ko

Nakapasok na rin kami sa kwarto niya at hiniga siya duon

Nag handa ako ng damit at pamunas para mabasbasan ang init sa katawan niya at amoy alak sa katawan niya, May kasama rin itong pamunas

"Paano ko'to mapupunasan nakakahiya naman kung basta basta ko na lang tagalin ang samplut niya?" sabi ko sa sarili

I'm falling Inlove with my Girl(Friend)Where stories live. Discover now