Justine
Nakarating na rin kami sa wakas sa may faculty. Mabilis na sinundan ko naman na si Ms Amor sa office nito. Mabilis na ibinaba ko sa may table nito ang mga bitbit ki na gamit niya.
Maya lang ay binalingan na ako ni Ms. Amor. "Maraming maraming salamat sa Justine ha. Sa uulutin ulit. Dito kana kumain mamayang lunch ha. Nag luto ako at medyo naparami ang nadala ko kaya naisipan ko na yayain ka na lang kumain dito. Para naman may kasama ako." Nakangiti na pag aaya nito sa kain
Hindi ko naman maiwasan na hindi mapakamit sa ulo ko. Nahihiya din naman kasi ako no. Professor ko kaya sya tapos mag aaya siya na kumain dito sa office niya. Nakakahiya kaya ang ganun.
Kahit naman sabihin na sobrang bait nitongsi Ma'am ay hindi ko pa tin maiwasan na hindi makaramdam ng hiya sa kanya no. Tsaka kaming dalawa lang. Baka mamaya ano pa ang isipin dyan ng makakita sa amin tapos ma issue pa kami. Ayaw ko pa naman na mapag chismisan.
Ang gusto ko lang naman ay tahimik na buhay kasama si Roselle eh. Hayst ito na naman ako naisingit na naman sa utak ko at usapan ang cold pero mahal ko na yun.
Kahit nahihiya ay napilitan na rin lang ako na umuo dito. Alangan naman kasi na tanggihan ko ito diba? Ang kapal naman ng mukha ko pag ginawa ko yun.
Nag paalam na rin ako sa kanya. Paalis na sana ako ng office ni Ms. Amor ng sakto na pumasok sa loob si Roselle na naka kunot ang noo na naka tingin sa akin.
Nag tataka siguro ito bakit hanggang ngayon ay nandito pa ako sa office ni Ma'am.
"Oh Roselle, napa sugod ka dito sa office ko?" Nag tataka na tanong dito ni Ms. Amor.
" Mang hihiram lang sana ako ng books. Yung nabanggit mo sa akin kanina." Sagot naman nito kay Ms. Amor.
"Ah saglit, at kukunin ko."
Nang tumalikod na si Ms. Amor ay binalingan na ako nito sa nag tatakang tingin.
Oo nga pala bakit hindi pa ako umaalis eh nag paalam na nga pala ako sa kanya kanina. Naiiling sa sarili na tumalikod na ako at nag simula ng mag lakad paalis ng mag salita muli si Ms. Amor.
"Justine mamaya sa lunch ha. Wait na lang kita dito sa office ko " Paalala sa akin ni Ms. Amor.
Nahihiya na tumango naman ako dito at tuluyan ng umalis sa office nito. Masyado ng matagal ako doon. Tsaka naiilang kasi ako sa mga tingin sa akin ni Roselle eh. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Para kasing kakainin na ako nito ng buhay eh.
Nang makalabas na ako sa office ay nakahinga na ako ng maluwag. My god bakit ba kasi nandoon si Roselle? Hindi tuloy mapigilan ang aking puso sa bilis ng tibok nito.
Dumiretso na ako sa may garden. Mag ba basa na muna ako ng books para sa next subject ko. Total may half hour pa naman eh bago ang next subject.
Habang nag babasa ako ay tumunog naman ang aking phone. May nag text. Ayaw ko pa sana na basahin yin at mamaya na lang kasi naka focus ako sa libro na binabasa ko ay pero baka importante sya.
"Sumaglit ka nga dito sa office ko at may pag uusapan tayong dalawa." Text sa akin ni Roselle.
Bigla naman akong kinabahan dahil doon. Bakit kaya gusto ako nito kausapin ngayon? First time kasi nito gawin na pa puntahin ako sa kanyang office eh.
Madalas kasi na sa apartment ko ako nito madalas kausapin kung may gusto itong sabihin sa akin. Pero never pang nangyari na pina punta niya ako sa office niya.
Gusto na ba nitong itigil ang nangyayari sa amin na dalawa. Kaya gusto niya akong kausapin at hindi na nito nais pang pumunta sa apartment ko?
Mas lalo lang na hindi ako mapakali dahil sa isipin na yun at hindi ko din namalayan na may umalpas na palang luha sa aking mata ng hindi ko namamalayan.
Masakit lang kasi pag naiisip ko ang possible na bagay na pwede mangyari. Hindi pa ako handa eh. Hindi pa ako handa na mawala ito sa buhay ko. Hindi pa handa ang puso ko sa mga mangyayari na ganun. Baka ika baliw ko pag tuluyan na itong nawala sa akin.
Mahal na mahal ko talaga siya. Nabilis na pinunasan ko naman ang luha ko at nanginginig ang kamay na nag type ako ng reply ko dito.
"Sige po, papunta na dyan" reply ko sa kanya at malungkot na ibinalik na sa pants ko ang aking phone.
Kailangan na tatagan ko ang aking loob. Hindi naman siguro yun ang sasabihin nito sa akin. Pinangunahan ko na lamang. Tinatakot ko lang ang aking sarili. Pag papakalma ko
Napa hinga na lang ako ng malalim at tuluyan ng inayos ang aking mga gamit at tumayo na upang pumunta na sa office niya. Pero sana lang po talaga na hindi gaya ng iniisip ko ang sasabihin nito. Sana lang talaga.
Nag lakad na ako at parang wala sa sarili na naka yuko lang ako. Kahit kasi anong pag papakalma ang gawin ko ay hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan. Nang nasa tapat na ako ng office nito ay kumatok na ako.
"Ms. Roselle si Justine po ito. Pinapatawag nyo daw po ako." Katok ko dito.
Mga ilang sandali lang ay bigla na lang bumukas ang pinto at masama ang tingin sa akin ni Roselle ang bigla na lang bumungad sa akin.
Mabilis na hinila ako nito papasok at ng makapasok na ako ay bigla na lang ako nitong sinandal sa pintuan nito at pasakal na tinanong ako nito.
"Anong ginawa mo pa sa office kanina ni Amor ha? May ginawa ba kayong kababalaghan na hindi ko alam!!!? Mag salita ka!!!? Ginagawa nyo rin ba ang mga pinag gagawa mo sa akin ha!!!?? Huwag kang tumingin lang sa akin at mag salita ka na bwisit ka!!!" Galit na galit na sunod sunod na tanong nito sa akin ngayon.
Hindi naman halos ma process ng utak ko ang mga kinikilos nito ngayon. Grabi nakakatakot talaga siya na parang papatay na ito sa galit nito.
Halos hindi din ako maka hinga sa higpit ng pag kakasakal nito. Kaya naman napahawak na lang ako sa kanyang kamay at pilit na inaalis yun. Paano ko naman kasi masasagot ang tanong nito kung ganito na wagas kung maka sakal siya. May balak ba siya na patayin na ako?
BINABASA MO ANG
My Hot Professor is My Fxck Buddy
RomanceSinabi ko na sayo na don't fall in love with me, dahil hindi kita kayang saluhin. Still lalaki pa rin ang gusto ko. Isa ka lamang taga pawi ng uhaw ko sa tawag ng laman. At kailanman ay hindi kita kayang mahalin.