Chapter 2

4.6K 150 3
                                    

Justine

Kahit walang gana pumasok ngayong araw na ito ay pinilit ko ang aking sarili na bumangon. Hindi pwede na magpadala na lang ako sa nararamdaman ko at baliwalain na lang ang aking pag aaral.

Paano ko maiaangat ang aking sarili at maipag malaki din ako nito kung ako mismo ay hindi kikilos ng para sa akin.

Halos isang linggo na rin mula ng huli kong makita ito at yun nga ay yung huling pag niniig namin at sinabi nito sa akin na darating ang kanyang asawa.

Mukhang nag take pa ito ng leave para lang doon. Dahil sa isipin na yun ay mas lalo lang kumirot ang aking puso. Kahit na ayaw ko pa sana isipin ito at hindi ko magawa.

Ilang araw na rin ba na paulit ulit na bumabalik sa aking isipan ang ginagawa nilang mag asawa. Kaya nga halos wala na akong gana sana na pumasok pa eh. Pero sabi ko nga ay hindi lang dito nag tatapos ang lahat.

Mabilis na naligo na ako at hinanda na lahat ang aking mga gamit at kumain na rin. Saka na ang pag e emote dahil wala naman pupuntahan kung iisipin ko pa ang mga ito.

Maya lang ay naka sakay na ako sa aking motor pa pasok sa school. Kahit na puyat ako dahil sa nag ta trabaho ako bilang bartender sa isang club at paminsan minsan ay may gig kami ng ka banda ko.

Yap kumakanta din ako. Isa kasi yun sa talent ko hindi naman sa pag mamayabang noh. At iyon din angisa sa pinagkukunan ko ng aking kinabubuhay.

Ulila na kasi akong lubos. Mag 18 pa lang ako nun ng mamatay ang parents ko. Namatay sa sakit ang mga ito halos mag kasunuran lang sila. Nauna lang ng ilang buwan si Nanay tapos sumunod na rin si Tatay sa kanya.

Wala kaming ka pera pera noon kaya hindi ko sila naipagamot. Halos ang kinikita ko lang sa club ang pang gastos namin sa araw araw pati na rin ang mga bayarin pa namin sa tubig at kuryente.

Kaya nga kahit gusto ko na maipagamot ang mga ito ay hindi ko magawa. Wala din naman akong ibang malapitan kasi nga ay hindi ko kilala ang mga kamag anak namin.

Basta nakamulatan ko lang na kaming tatlo lang ang mag kakasama. Wala pa nga gusto maniwala na sila ang mga magulang ko kasi nga ay matatanda na talaga sila ang palagi lang dahilan nila sa akin noon ay menopausal baby daw ako kaya ganun.

Hindi naman na ako nag tanong pa dahil wala naman dahil para mag sinungaling sila sa akin.

Nang mamatay ang mga ito ay ako na lang ang bumuhay sa aking sarili. Lumipat na rin ako ng tirahan at yun nga ay sa apartment ko na ngayon.

Mas comfortable kasi dito kaysa doon sa dati na nasa squater pa kami nakatira. Walang tigil sa kabubunganga ang land lady namin sa bahay lalo na kung medyo ma delay ako ng bigay ng renta.

Tong motor ko nga pala na ito ay bininta lang sa akin ito ng customer namin sa club. Sa napaka babang halaga. Pinambayad lang naman nito ng bill niya sa kanyang nainom na drinks noon.

Balak ko pa nga na isauli sa kanya yan noon kaya lang hindi na nito tinanggap pa sa akin. Bumili naman na daw sya ng bago eh. Tsaka sawa na daw siya sa motor na yun kaya sa akin na lang daw at nabili ko naman na daw yun sa kanya.

Kaya tuloy hindi sinasadya na nagka motor ako ng wala sa oras na paunti unti naman inaawas sa sahud ko sa club. Kasi ako na ang sumagot sa drinks nung customer eh.

At wag kayo dyan. Big bike ang motor ko na ito. Na ang dami nga gusto bumili sa akin pero hindi ko bininta. Swerte na ito sa akin eh. At saka may sentimental value na ito sa akin. Kasi nung araw din na nabili ko ito sa kanya ay yun din ang araw kung saan nakilala ko si Roselle at sya din ang kauna unahan na naging sakay ko sa motor ko na yun at hindi na ako nagpa sakay pa ng iba maliban dito.

Dahil pinangako ko sa aking sarili na tanging ito lamang ang gusto ko isakay doon at wala ng iba pa.

Hayst napalayo na ang takbo ng isip ko. Kung saan saan na napunta tapos ang ending ay kay Roselle na naman. Kailan kaba mawawala pansamantala sa isip ko?

Nang makarating sa school ay agad na akong nag park sa aking usual parking at ni lock na yun saka nag mamadali na pumunta sa aking first subject.

Medyo ma la late na kasi ako pag di pa ako nag madali eh. Nasa hallway na ako ng makasabayan ko si Ms. Amor na siyang Prof ko ngayon sa first subject ko.

Agad na binati ko naman ito at mabilis na kinuha ang kanyang dalang laptop na nakangiti naman na binigay nito sa akin at binati din ako pabalik.

Kung si Roselle ay napaka cold at napaka seryoso ito naman si Ms. Amor ay kabaligtaran ng ugali nito.

Jolly si Ma'am at mabilis maka palagayan ng loob. Kung hindi nga lang ako inlove sa cold na yun ay baka naging girl crush ko itong si Ma'am.

Bukod kasi sa napaka bait nito ay napaka ganda rin niya. Perfect nga bilang isang girlfriend ito eh. At isa pa certified single ito. Walang sabit kaya lang mukhang kahit maging girl crush ko ito ay wala din ako pag asa sa kanya.

Kaya mabuti na lang at medyo girl crush ko lang siya. Hehehe

Nang makarating kami sa room ay mabilis na inilapag ko na sa table ang laptop na dala ko at tumungo na sa aking upuan.

Agad naman na tumayo ang mga classmates ko at binati na si Ma'am na nginitian naman nito at binati din kami pabalik.

Maya lang ay nag discuss na rin ito. Hindi naman sinasadya na napatingin ako sa may labas at sakto na padaan naman si Roselle na mukhang nag mamadali malalaki kasi ang hakbang nito.

Mukhang late na ito sa classes niya kaya siguro nag mamadali na ito ngayon. Naka poker face lang ito at parang walang nakikita na iba. Sabagay ganyan naman yan eh. Kailan ba yan nag pakita ng emosyon? Sa tuwing nag niniig lang kami doon ko nakikita ang mga emosyon mula dito.

Tuloy tuloy lang ito ng lakad hanggang sa hindi ko na ito matanawan pa. Kaya nakinig na lang ako muli sa discussion ni Ms. Amor baka mamaya bigla na lang ito magpa quiz ay ma zero pa ako. Nakakahiya naman.

Mga ilang sandali pa ay natapos na rin ito at nag dismissed na rin. Pero patayo na sana ako at balak ko tumambay muna sa may garden habang nag hihintay ng next subject namin ay tinawag naman ako nito.

"Justine, pwede paki dala naman ang laptop ko hanggang faculty. Pwede ba?" Malambing na sabi nito sa akin.

Ngumiti naman ako ng Malaki dito kay Ms. Amor "Opo naman Ma'am. Hatid na po kita." Nakangiti na sagot ko dito.

"Hayst, mabuti na lang talaga at nandyan ka Justine. Hindi na ako mahihirapan pa na mag bitbit ng mga ito. Halika na" pag aaya na nito sa akin at nauna na siyang lumabas sa room na agad ko naman na sinundan ito.

Nasa hallway na kami ng sakto na lumabas din mula sa room nito si Roselle at bigla nangunot ang noo nito ng mapansin ako at bumaba pa sa kamay ko na may hawak na laptop ang tingin niya at bumalik muli sa mukha ko sa nag tatanong na tingin.

Si Ms. Amor naman ang nag salita. " Nagpahatid na ako kay Justine sa faculty at nabibigatan ako sa laptop eh. Mabuti na lang talaga at mabait itong batang ito." Sabi dito Ms. Amor at binalingan pa ako nito sabay pisil sa pisngi ko na ang sakit paano naman kasi ay piniga pa nito yun.

Bigla naman nanalim ang tinginni Roselle o imagination ko lamang yun dahil nang tignan ko itong muli ay naka poker face na naman siya at sumabay na kay Ms. Amor na mag lakad.

Nag pahuli naman na ako ng lakad sa mga ito. Hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin sa butt nilang dalawa. Lalong lalo na sa butt ni Roselle na ang sexy talaga.

Hayst namamanyak na naman ako nito eh.

My Hot Professor is My Fxck BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon