Chapter 9

3.1K 119 1
                                    

Justine


Hindi ko alam kung bakit mas lalo lang itong nagalit sa akin ng sabihin ko sa kanya na hindi ko sya type. Hindi ba siya masaya sa bagay na yun. Expected ba nito na lahat na lang ay mag kakagusto sa kanya? Kapal din pala ng face nito eh.

Maya lang ay lumapit ito sa akin na halos wala ng pagitan sa aming dalawa. Amoy na amoy ko tuloy ang mabango nitong hininga na medyo may kasamang amoy ng alak. Pero mas lamang pa rin ang bango nito.

Isama mo pa na mabango talaga siya. Mukhang mamahalin ang gamit nitong pabango. Hindi katulad ng sa akin na yung mga mumurahin lang na cologne kasi hanggang doon lang ang kaya ng budget ko eh.

Medyo nahiya pa ako sa aking sarili dahil baka amoy asim na ako. O di naman kaya ay amoy usok na. Balak ko sana na medyo lumayo dito at nakakaramdam na rin naman ako ng pagka ilang ay mabilis na pinigilan ako nito at bigla na lang siyang bumulong sa tenga ko.

Nabigla pa ako sa ginawa niyang yun. Medyo nanindig pa nga ang aking balahibo dahil nakiliti pa ako eh.

"Huwag mo ng itanggi pa. Dahil hindi ako naniniwala sa iyo. Walang taong hindi nagkaka gusto sa akin." Mayabang na sabi nito.

May pa bulong pang nalalaman eh mag yayabang din lang naman pala. Di ko alam na bukod sa maldita ito ay malakas din pala ang hangin nito sa katawan. Muntik pa nga akong matangay ng hangin dahil sa kahanginan niya.

Gusto ko pa nga sanang matawa pero sabi ko nga mahal ko pa ang buhay ko kaya shut up na lang ako.

"Oo na lang para matapos na ito." Sagot ko na lang sa kanya at balak ko na sanang tumalikod dito pero bago ko magawa yun ay bigla na lang ulit ako nitong hinawakan sa braso ko.

Nag tataka naman na binalingan ko uli ito ng tingin na ngayon ay ang sama na naman ng timpla niya.

Hayst ano na naman ba ang kasalanan ko sa kanya? Sumangayon na nga lang ako para wala ng maraming usap pa eh. Pero wrong move yata ang nagawa ko eh.

""Huwag ka ngang bastos kinakausap pa kita!!" Galit na sigaw nito sa akin.

Kaya naman pala nagalit dahil hindi pa pala ito tapos sa kanyang pag yayabang.

"Ano pa po ba ang kailangan nyo mahal na Reyna?" Medyo may inis na rin na tugon ko dito.

Pagkatapos ko talaga dito sa mahangin na ito ay aalis na kaagad ako sa club na ito. Mukhang hindi maganda na mag tagal pa ako dito eh. Sa apartment ko na lang itutuloy ang aking paglalasing.

Baka bumili na lang ako ng alak dyan sa may kanto malapit sa apartment ko. Dapat kasi ganun na lang ang ginawa ko at ng hindi pa ako napapahamak ng ganito eh.

"Sinisigawan mo ba ako? Ha!!? Pasalamat ka at kinakausap kita dahil yung iba halos magpaka matay na dyan para lang mapansin ko. Tapos ikaw ang kapal ng mukha ha!!!" Inis na sagot naman nito.

Hayst ano naman kaya ang dapat na ipag pasalamat ko doon eh. Gusto ko na ngang maka alis dito at ayaw ko siyang makausap no. Wala ako sa mood at isa pa ay sabi ko nga di ko sya type. Siguro yung mga sinasabi nito ay yung mga bulag sa kanyang kagandahan. Pero ibahin niya ako sa kanila no.

Hindi u ubra sa akin yang sinasabi niyang ganda. Dahil immune na ako sa mga ganyang klase ng mukha.

"Hindi naman kita sinisigawan eh. Balak ko na po kasing umuwe kaya aalis na po ako." Magalang na lang na sagot ko dito.

Ayaw kong makipag talo dito at baka lalo lang akong malagot sa kanya. Hahabaan ko na lang ang pisi ko at sangayun na lang ang mga sinasabi nito.

"Hindi ka pa pwede umalis. Samahan mo ako hanggang table ko at baka may bigla na lang mang bastos sa akin dyan." Utos nito sa akin at mabilis ng kumapit sa aking braso.

Napipilitan naman na sinunod ko na lang ang gusto nito. Kahit labag sa loob ko. Para matapos na lang ito at ng maka uwe na ako.

Nang maihatid ko na ito sa table nila. Kasama pala nito ang kanyang mga kaibigan at mga naka taas ang kilay na naka tingin sa akin. Lalo na sa kamay ni Antonnette na wagas kung maka kapit sa braso ko na akala mo ay isang koala eh.

Agad naman na inalis ko ang kamay nito sa braso ko at inalalayan pa itong maka upo. Balak ko na sana na mag paalam dito pero pinaupo na rin ako nito sa kanyang tabi. Kaya naman wala na akong nagawa pa.

"Guys kilala nyo naman ni si Justine diba? Ka schoolmates natin. Nagkita kami dyan sa may cr at nabanggit niya na mag isa lang siya at nakiusap sa akin na kung pwede na maki table na lang daw sya sa atin. Alam nyo naman na maawain ako kaya yun isinama ko na lang sya dito. Mukha naman siyang harmless eh." Naka ngiti na paliwanag nito sa kanyang mga kaibigan.

Hindi naman maka paniwala na tinignan ko ito. Wagas makapag sinungaling ha. Ako pa pala ang nakiusap na maki table sa kanila? May god iba ka talaga maldita.

Nag dududa naman na tinignan ako ng mga kasama nito. At inismiran lang naman ako nung isa. Sarap tuloy tusukin ng mata nito. Akala naman niya ikina ganda niya ang pag ismid niya na yan. Nag mu mukha lang siyang timang na bagong gising.

"Ano pa nga ba ang magagawa namin eh sinama mo na yan dito. Baka naman may gusto yan sa isa sa atin ham naku Antonnette sinasabi ko talaga sayo. Ayaw ko ng dagdag sakit pa sa ulo ko. Kakaiwas sa mga makukulit na na admirers ko." Mayabang naman na sagot nung isang mukhang clown.

Paano ko nasabi na mukha syang clown? Ang kapal kasi ng makeup nito tapos hindi pa pantay. Halos mag hulas na nga rin kasi nga medyo mainit na at mukhang pinag papawisan na ito. Para naman ang ganda niya ha. Kung tutuusin mas maganda ako sa kanya.

Napasama lang sya sa grupo ni Antonnette kaya feeling naman nito ay ikinaganda na niya yun. Duh.

"Tumigil nga kayo sa mga pinag sasabi nyo. Dahil sa akin may gusto itong si Justine at nag tapat na siya sa akin kanina. Ang totoo naaawa lang ako kaya sinama ko na siya dito baka kasi kung ano pa ang gawin ng isamg ito dahil sa na basted ko sya. Maging kargo pa ng konsensya ko." Mayabang na sabi naman ni Antonnette sa mga ito.

Baliw ba ang grupo ng mga ito? Akala ko mayabang at maldita lang sila. May mga saltik din pala sa ulo at ubod pa ng sinungaling. Galing gumawa ng kwentong kutsero.

Sarap lang mag walk out at baka nga may magawa akong masama pag nag tagal pa ako sa table ng mga ito at marinig ko pa ang mga yabangan nila.




My Hot Professor is My Fxck BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon