Chapter 6

3.4K 126 12
                                    

Roselle



"Wala kang kasalanan. Gusto ko ng tapusin ito dahil hindi ko na kaya pang lukuhin ang aking asawa. Gusto ko na mag concentrate na lang sa school at sa asawa ko. Hindi na kaya pang dalhin ng konsensya ko ang mga pinag gagawa kong ito. Pero huwag kang mag alala dahil malaki naman ang pera na ibibigay ko sayo ngayon kaya na nitong mapag tapos ka. Pero please lang huwag na huwag mo na akong lalapitan pa " sagot ko sa kanya.

Pero kung nasasaktan ito ngayon ay mas higit ang nararamdaman ko na sakit. Hindi lang nito alam yun.

Maya lang ay tumingala ito sa akin. Naka upo kasi siya sa may couch habang ako ay naka tayo.

Tigmak ng luha ang mukha nito at patuloy pa rin sa pag balong ang luha niya.

"Hindi ko naman kailangan ang pera mo eh. Ikaw! Ikaw lang ang kailangan ko at wala ng iba pa. Mahal na mahal kita Roselle. Hindi ko kayang mabuhay pag tuluyan ka ng nawala sa akin " lumuluha na sabi nito sa akin.

Bigla naman akong natigilan ng dahil doon. Mahal daw niya ako? Hindi ko alam pero sobrang tuwa ng puso ko dahil sa inilahad nitong damdamin niya para sa akin.

Hindi pa ako nakaka bawi sa pagka bigla ay. Bigla na lang itong lumuhod sa harapan ko at nag mamakaawa sa akin na huwag ko siyang iwan.

"Please huwag mo akong iwan hindi ko kaya. Parang awa mo na. Handa akong tiisan ang lahat kung kailan mo lang maisipan na puntahan ako. Hindi ako mag de demand ng oras mo. Hindi mo ako kailangan na bigyan ng pera dahil hindi ko naman yun kailangan. Ikaw lang ang kailangan ko. Mahal na mahal kita Roselle " pag mamakaawa nito sa akin.

Napapikit naman ako ng mariin dahil doon. Nag dadalawang isip na ako na bawiin na Ang mga sinabi ko. Pero mali kasi ito talaga eh.

Agad na inalis ko ang kamay nito na mahigpit na naka yakap sa binti ko habang naka luhod pa siya.

"Please lang Justine, huwag mo na akong pahirapan pa. Tsaka hindi kita mahal. Alam mo kung ano lang ang namamagitan sa ating dalawa. Ang asawa ko ang mahal ko at nilinaw ko sayo ito noon pa na huwag na huwag kang ma e inlove sa akin dahil hindi kita kayang saluhin. Purely lust lang ang nararamdaman ko sayo at ngayon ay tuluyan ng nawala yun. Kaya please lang itigil mo na yan dahil kahit kailan ay hindi kita kayang mahalin." Pinal na sabi ko dito at tuluyan na akong tumalikod sa kanya.

Pumunta ako sa room nito upang kunin na rin ang mga gamit ko. Ayaw ko mag iwan ng bakas na minsan ay nagawi ako sa lugar na ito. Hindi ko alam ang takbo ng utak nito at baka gumawa pa ito ng bagay na ika sisira ko.

Mabilis na kinuha ko na ang mga damit ko na maayos na naka lagay sa kanyang closet. Nakita ko naman na nasa sulok lang ito at tahimik na nanonood sa mga ginagawa ko.

Maya lang ay lumapit ulit ito na ang akala ko ay balak na hawakan ako. Naka ready pa naman ako na umiwas sana dito.

Binuksan nito ang lagayan nito ng damit at may kinuha na bag doon. Na bigla na lang nitong iniabot sa akin.

"Yan nga pala lahat ng pera na binibigay mo sa akin. Hindi ko kailangan yan. Ikaw lang naman ang kailangan ko eh " naiiyak na naman na sabi nito sa akin.

Bigla akong natamimi dahil doon. Hindi ko alam na hindi pala nito ginagalaw ang lahat ng pera na binibigay ko sa kanya. Ang alam ko ay kaya ginagawa lang nito ang bagay na yun ay para sa pera.

Pero kahit ano pa ang dahilan niya. Mahal man niya ako o hindi ay buo na ang desisyon ko.

Hindi ko naman kinuha ang bag na inaabot nito sa akin. Sa kanya yun. Wala na rin naman akong pakialam kung ano pa ang gawin niya sa pera na yun.

Binigay ko na yun sa kanya kaya sa kanya na yun. Gusto ko na iparamdam dito na walang halaga sa akin ang mga bagay na natuklasan ko ngayon.

Na hindi mahalaga sa akin kahit na mahal na mahal pa ako nito. Mali ang lahat ng ito. At kung patatagalin ko pa ay lalo lang lalala ang lahat.

Nang makuha ko na lahat ng gamit ko ay nag mamadali na akong nag lakad palabas ng room nito. Baka hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili at hablutin ko na lang ito kaagad at kayumusin ng halik. Dahil kunting kunti na lang talaga at bibigay na ako.

Nang bu buksan ko na lang sana ang pinto nito ay naramdaman ko ang pag pulupot ng mga bisig nito sa aking bewang habang patuloy ito sa kanyang pag hikbi.

"Please baby, huwag mo naman gawin ito oh. Kahit maging kabit mo ako. O kahit ano gusto mo gawin sa akin basta hayaan mo lang na iparamdam ko sayo ang pagmamahal ko." Umiiyak na pakiusap nito sa akin. Habang mahigpit na yakap yakap ako ng mga bisig nito.

Halos hindi naman ako makakilos dahil sa ginagawa nito ngayon. Ito na yata ang pinaka mahirap na desisyon na gagawin ko. Sana lang ay tama ang mga gagawin kong ito.

Dahan dahan na hinawakan ko ang bisig nito at pilit na inaalis ang pag kakayakap nito sa akin.

Mas lalo lang naman lumakas ang pag iyak nito. Nang tuluyan ko ng maalis ang yakap nito ay iniwan ko na ito ng tuluyan. Hindi ko na rin ito nilingon pa at baka mag bago lang ang isip ko pag ginawa ko pa yun.

Patuloy din sa pag agos ang luha ko. Hindi ko alam pero sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Feeling ko ay mas matindi pa ang sakit na ito kaysa ng malaman ko noon na nambababae ang asawa ko.

Nang makasakay na ako sa aking kotse ay hindi ko maiwasan na lingunin ang pinanggalingan ko na apartment. Kung saan ay doon ko naranasan ang kaligayahan na dito ko lang natagpuan. Hindi lang dahil yun sa tawag ng laman. Dahil kung sa ganun lang ay sa asawa ko na lang sana ako magpapagalaw at hindi na dito. Pero iba ang pakiramdam ko pag ito ang kaulayaw ko na hindi ko naramdaman kahit minsan sa asawa ko.

Maraming salamat Justine sa lahat. Pero mali ang lahat ng ito eh. Makakahanap ka din ng tunay na mag mamahal sayo at yun ay ang walang sabit at kayang kaya ka na ipag malaki kahit kanino.

Sayang lang at mas nauna akong ipinanganak sayo. Kung wala pa sana akong sabit ay sure ko na ikaw ang pipiliin ko.





My Hot Professor is My Fxck BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon