Chapter 7

3.3K 119 3
                                    

Justine


Habol tanaw ko na lang ang papalayong pigura ni Roselle. Hindi ko maipikit ang aking mata baka sakali na mag bago ang isip nito at bigla na lang itong bumalik sa akin.


Na syang labis kong ipinag darasal ngayon habang nakatanaw dito na pasakay na sa kanyang kotse. Pero kahit lumingon man lang sa akin ay hindi na nito nagawa pa.

Kaya ang pag iyak na lang ang tangi kong nagawa. Hindi ko lubos maisip na ngayon na ang araw na kinatatakutan ko. Sobrang saya ko pa na umuwe dito sa apartment ko kasi ang expect ko ay pupunta ito dito.

Oo pumunta nga siya pero hindi gaya ng inaasahan ko ang nangyari. Masaya pa akong nag luluto ng favorite nitong pagkain. Kasi ang gusto ko na makasabay ito kumain kapag pumupunta ito sa akin.

Pero mukhang hindi na mangyayari yun kahit kailan. Halos mapa upo na lang ako sa may pinto ng tuluyan na itong mawala sa paningin ko.

Mukhang hanggang dito na lang ang lahat sa amin. Hinding hindi ko na ito kailanman mahahawakan pa na katulad ng dati. Dahil tuluyan na nitong tinapos ang anoman na ugnayan na meron kami.

Parang gusto ko na lang sumigaw upang mawala kahit paano ang sakit ng dibdib na aking nararamdaman ngayon. Hindi ganito ang pinangarap ko na magiging love story ko.

Ginawa ko naman ang lahat ng sa tingin ko ay hindi nito ikagagalit. Naging masunurin at mabait naman ako sa kanya. Pero hindi pa rin naging sapat yun.

Sabagay ano nga naman ang laban ko sa asawa nito. Sabi nga niya pampa tanggal lang ako ng libog niya. Hindi niya ako kailanman natutunan na mahalin. Kahit na halos iparamdam ko na dito ang pagmamahal ko sa kanya.

Unti unti ay tumayo na ako mula sa pagkakasalampak ko sa may pintuan banda. Baka kasi makatawag na ako ng pansin sa ibang tenant na narito at maging pulutan pa ako ng chismisan nila.

Ayaw ko din na malaman ng mga ito kung sino ba ang babae na madalas pumunta dito sa akin. Mamaya magkaroon ng idea ang mga ito at maka sama pa kay Roselle ang bagay na yun.

Kahit na ganito ang nangyari sa main na dalawa ay ang ikabubuti nito ang top priority ko pa rin. Hindi man naging maayos ang sa amin na dalawa ay hindi ako mag tatanim ng galit dito. Dahil kahit kailan ay hindi ito nangako sa akin. Kaya wala itong pananagutan sa akin.

Nang maisara ko na ang pinto ay mabilis na akong pumunta sa kwarto ko at doon ko na binuhos ang lahat ng sakit at bigat na nararamdaman ko. Doon iniluha ko lahat na parang isang batang hindi nabilhan ng gusto nitong laruan. Doon ay inilabas ko lahat ng hinanakit ko sa buhay.

Kung bakit binigyan nga ako ng taong mamahalin ko pero hindi naman na pwede dahil nakatali na ito sa iba. Nagmahal nga ako pero hindi naman ako kayang mahalin.

Sadyang napaka unfair talaga ng buhay. Hindi mo alam kung pinag lalaruan ka lang ng tadhana eh.

Namana nga si kupido pero sablay naman ito. Sa taong hindi na pwedeng maging akin.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa sobrang pagod dahil sa pag iyak.

Mabuti na nga lang ay friday ngayon at walang pasok bukas. Pero may pasok nga pala ako ngayon sa club bilang isang bartender.

Nagising na lang ako sa pag tunog ng phone ko. Mabilis na kinuha ko naman iyon kahit na hirap na hirap ang mata ko na tignan ang phone ko at nasisilaw ako ay pinag tiisan ko na. Baka kasi si Roselle ito at babawiin na niya ang mga sinabi niya kanina.

Pero bigla na lang ako nanlumo ng hindi si Roselle ang makita ko. Si Boss Nikki pala ang tumatawag. Mabilis naman na sinagot ko ang tawag nito.

Hindi pa ako nakakapag salita ng bigla na lang mag salita si Boss Nikki "Nasaan kana Justine? Kanina pa ang duty mo ah. Hindi maka alis alis si Roman dito na kapalitan mo dahil wala ka pa." Tanong agad nito sa akin

"Pasensya na boss at hindi ako makapapasok ngayon. Masama ang pakiramdam ko. Pasensya na rin at hindi ako kaagad nakapag paalam sayo. Nakatulugan ko na kasi akala ko kanina ay magiging okay na ang pakiramdam ko. Pero mas lumala maman ito ngayon." Sagot ko naman dito.

"Ganun ba? Okay sige ipahinga mo na lang yang sarili mo at ng makapasok kana bukas. Uminom ka ng gamot ng gumaling ka. Tigas pa naman ng ulo mo." Pahabol pa nito sa akin.

"Boss naman. Opo papasok ako bukas. Pasensya na po talaga ha. Di lang kinaya ng katawan ngayon eh." Sagot ko na lang dito at nagpaalam na rin na ibaba ko na ang tawag.

Napahinga na lang ako ng malalim at napatingin sa kisami ng aking kwarto. Naaalala ko na naman ang nangyari kanina kaya naman di ko napigilan ang pag balong na naman ng luha sa aking mga mata.

Napakasakit lang ang ganito na parang gusto mo na lang mamatay ng hindi mo na maramdaman pa ang sobrang sakit na para bang pinipiga ang puso mo at hiniwa hiwa ito sabay binudburan pa ang suka.

Nagpasya na lang akong tumayo. Hindi pwede na mag mukmuk lang ako dito. At isipin, tiisin at umiyak na parang kawawang kawawa.

Kailangan na mawaglit sa isip ko ang nangyari na ito. Kaya nag pasya na lang ako na mag unwind.

Pinatungan ko lang ng jacket ang suot ko na sando at nag suot na lang ako ng pants at kinuha na ang susi ng aking motor.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Basta lang makalayo sa apartment na ito na mas lalo lang nag papaalala sa akin kay Roselle. Dahil bawat sulok ng apartment ko ay naaalala ko siya lalo na ang mga ginagawa namin na dalawa.

Pag sakay ng motor ay agad ko na itong pina sibat. Bahala na kung saan dalhin nito. Basta mag da drive ako ng mag drive hanggang sa mapagod ako.



My Hot Professor is My Fxck BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon