Jazzielyn Faithen Miorande
"Grabe ka Jazzi, ang daming picture ng idol mo rito sa kwarto mo" Manghang mangha ang kaibigan kong si Liezel dahil sa ipinakita kong mga picture at mga collections ko sa idol kong si Axul.
"Kailan kaya magiging kami?" Nakahalumbaba kong sambit, kahit na naririnig na ni Liezel.
"Ayan ka na naman tayo sa pangarap mong malabong matupad. Hay nako Jazzi. Kailan mo naman titigilan yang Axul na 'yan? " Tanong nya, agad ko syang sinamaan ng tingin dahil sa sinabi nya.
"Never" Diniinan ko ang binitawan kong salita na lumabas sa bibig ko.
"Oo na ikaw na. Kung hindi lang talaga kita kaibigan baka napag kamalan na kitang stalker ni Axul. Halos alam mo na lahat tungkol sakanya eh. Baliw na baliw ka talaga dyan no? Kawawa ka naman hindi ka nya pinapansin" Sambit nya at tumawa. Ganyan lagi, nang aasar.
"Kalma Jazzi" Tumatawa nyang sabi nang makita nya akong handa na siyang sugudin.
"Maghintay ka mapapansin nya rin ako balang araw, malay mo mapangasawa ko pa diba?" Alam ko namang wala akong pag asa dahil malabong mangyari 'yon pero malay nyo diba?
"Sige, mangarap ka ha. Goodluck!" Sambit nya.
"Oo nga pala. Nakita mo naba' to?" Pag tatanong nya bago pinaharap sa'kin ang cellphone nya. Binasa ko ang nakasulat don.
"Sa lahat ng fans ni Axul Shion Geinaide chance nyo na ito para mapalapit sakanya! Naghahanap sya ng magiging assistant nya...."
Hindi ko na binasa yung iba. Mas binigyang pansin ko ang sinabing naghahanap sya ng Assistant.
"OMGGG Liez chance ko na 'to. Teka lang ha, maliligo lang ako tapos samahan mo akong mag apply mwa!" Excited kong paalam sakanya bago tumakbo sa banyo.
Halos hindi ko na nga rin na enjoy ang pagliligo dahil sa sobrang saya ko.
Nagsuot ako ng dress na kulay red at pinaresan ko ng doll shoes, Naglagay din ako ng konting pulbos at liptint sa mukha ko. Dapat simple lang."Oh ano? Okay na?" Masungit na tanong ng kaibigan ko. Ngumiti ako ng napakalawak at tumango.
"Tara na bilis! Baka maunahan pa ako" Anyaya ko. Hindi ko na sya hinintay na magsalita, hinatak ko na agad sya.
Pagkababa namin sa apartment ko agad akong pumara ng taxi. Swerte ko yata dahil ngayon lang nag karoon ng taxi na mas mabilis pa kay Flash ang pagdating. Kadalasan aabutin pa ng isang oras o kalahating oras bago may taxi.
Sumakay kami sa backseat. Hindi mapawi ang ngiti ko hanggang sa makarating kami sa kompanya nila Axul.
"Dream Stars Ent." Basa ko sa malaking sulat na pangalan ng kanilang kompanya.
Napalibot ang tingin ko sa paligid, andaming tao. Teka baka huli na ako?
Sa dinami dami ng tao dito halos mag ka traffic na rin dahil pati kalsada may tao na."Ang tagal naman magsimula"
"Oo nga"
"Ano ba yan"
"Excited na akong makita si bebe Axul" Kinikilig pa ito, bebe ka dyan.
Pagpasok ko sa loob agad kong nalanghap ang mabangong amoy, grabe talaga dito. Ang ganda ng pagkakadesign, Color Gold na may Silver. Meron ding nakadisplay na malaking Star sa gitna, kumikinang. Nakakamangha talaga.
"Good morning Ms, ano pong maipaglilingkod namin sainyo?" Nakangiting bati ng isang empleyado sa'kin. Nagpaiwan si Liez sa labas kaya ako lang ang binati nito.
"Hi po, saan po pwede mag apply bilang assistant ni Mr. Axul?" Tanong ko. Ngumiti naman sya bago nag salita.
"Sikat na Sikat talaga ang batang 'yon nakakaproud, buti nalang maaga kang nakapunta dito ang oras ng simula ay 2:30 pm. Btw nasa 5th floor ang pag aapplyan mo. Swerte mo dahil ikaw palang ang una" Paliwanag nya, napatingin naman ako sa phone ko kung anong oras na. 12:49 pm.
Kung hindi nya lang alam andami nang nakapila sa labas, hindi siguro nila napansin na fan ako kaya pinapasok ako ng guard. Charot.
![](https://img.wattpad.com/cover/345987744-288-k612924.jpg)
YOU ARE READING
HE'S THE BRIGHTEST STAR
RomanceIsang babaeng inlove na inlove sakanyang idol. Lahat ay gagawin nya para lang mapansin sya nito. Paano kung mag aapply sya bilang assistant nito para mapalapit sya. Ano kaya ang mangyayari kapag natanggap ito? Ano rin kaya ang kinalabasan nito kung...