Halos mag lilimang buwan nadin simula nung naging assistant ako ni Axul. Sa una maayos pa naman lahat dahil wala pa syang masyadong pinupuntahan o pinag-peperforman.
Ngayong buwan sunod sunod na ang pag iimbita sakanya. Kaya naman halos lahat kaming nasa kompanya ay busy dahil sa paghahanda.
Binabalak din kase ni Ax na mag artista kaya naman kahit labag sa loob ng kanyang manager ay pumayag nalang sila dahil kung hindi aalis daw sya sa kompanya nila.
"Ms Jazzi pwede bang ikaw nalang mag punta nito sa storage room?aayusan pa kase namin si Mr Axul, baka makulangan kami sa oras" Pakiusap sa akin ng isang
empleyado rito. Pumayag nalang ako dahil wala pa naman akong gagawin.
Pagkabigay nya sakin ng box ay halos gusto ko nalang bawiin ang pag tanggap ko sa pakiusap nya.
Sobrang bigat!
Ano bang laman nito?
Kahit hirap na hirap akong magbuhat ay pinilit ko nalang maglakad ng maayos. Grabe nasa ibaba pa man din ang storage room, medjo malayo layo din ang pupuntahan ko.
"Where are you going?" Muntikan pa akong mapatalon dahil sa gulat nang may magsalita malapit sa tenga ko.
"Ax ikaw pala" Bumaba ang tingin ko sa box na hawak ko at pinag patuloy ang pagsasalita.
"Ipupunta ko sana 'tong box na 'to sa storage room"
"Kaninong gamit yan?" Tanong nya.
"Ewan ko po basta pinakausap nalang sakin" Sagot ko sakanya. Nagsalubong ang mga kilay nya na tila hindi nagustuhan ang aking sinambit.
"Sige Ax una na ako" Ngumiti ako sakanya at akmang tatalikod na sana nang bigla nyang agawin sa'kin ang hawak kong box.
" Teka—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang talikuran nya ako at pumasok sa elevator habang dala dala ang hawak ko kanina. Akmang papasok ako sa elevator nang sumara ito agad, kaya naman naiwan ako .
Nagpasya nalang ako na hintayin si Ax sa opisina nya. Napatayo ako nang makita ko sya na papasok. Eh? Ang lawak ng ngiti nya ah.
"Hi babae" Nakangiti nyang bati, ngumiti naman ako pabalik sakanya.
Lumakad sya papunta sa upuan nya at agad umupo.
"Hay nakakamiss namang umupo dito" Pabulong bulong nyang sambit.
"May crush ka talaga sakin no?" Nakangisi nyang tanong
"Huh?"
"Grabe makatitig ah, gwapong gwapo ka sakin no?" Tumatawa nyang sabi.
Inirapan ko nalang sya at umiwas ng tingin. Kanina parang galit tapos ngayon patawa tawa, hindi talaga kita magets Axul.
"Bakit ka pala nandito? Akala ko ba aayusan ka nila?" Nagtataka kong tanong.
"Inaayusan na sya" Bulong nya kaya naman hindi ko sya marinig
"Ano?"
"Wala sabi ko may pupuntahan kaba mamaya?"
"Malamang oo, boss. Isasama mo nga ako sa pag a-audition mo bilang artista diba?" Sagot ko.
"Hmm okay, huwag ka na palang sumama"
"Bakit? assistant mo ako kaya dapat isama mo ako" Pamimilit ko
"Hindi na nga"
"Bakit nga?"
"Hindi nga pwede"
"Eh bakit nga?" Konnti nalang sisigaw na ako.
"Bawal daw panget don" Agad uminit ang ulo ko nang marinig ko ang sinabi nya.
"Ah ganun?" Kung hindi ko lang nakikita ang mukha mo Ax baka nasapak na kita, pasalamat ka Mahal kita.
YOU ARE READING
HE'S THE BRIGHTEST STAR
RomanceIsang babaeng inlove na inlove sakanyang idol. Lahat ay gagawin nya para lang mapansin sya nito. Paano kung mag aapply sya bilang assistant nito para mapalapit sya. Ano kaya ang mangyayari kapag natanggap ito? Ano rin kaya ang kinalabasan nito kung...
