Kanina pa ako naghihintay kay Axul para sunduin ako. Tinignan ko ulit ang text nya kani-kanina lang.
Axulovejaz:
Hey, Ms Miorande. Ako ang mag susundo sayo mamaya. Paalala lang bilisan mo mag ayos. Ayokong maghintay. See u tonight.
me:
Okiee thanku❤️
Kanina ko parin paulit ulit na binabasa ang message nya. Halos mag iisang oras na akong naghihintay. Ang sabi nya dapat 7:00 nandun na kami, eh 6:41 na.
Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ang phone ko.
Axulovejaz:
I'm sorry Ms Miorande. Hindi kita masusundo ngayon. Susunduin ko kase yung girlfriend ko:)
Wow naghintay ako sa wala
Hindi na ako nagtangkang sumagot sa message nya. Nanlulumo akong tumayo at pumasok sa apartment ko.
Napatingin ako sa suot ko. Nakasuot ako ngayon white dress above the knee na pinaresan ko ng doll shoes. My fav outfit. Sayang naman itong pag aayos ko. Tutal ayaw ko namang pumunta roon dahil masama na naman ang loob ko edi mag bobonding nalang kami ng best friend ko. Miss na miss ko na si Liez eh . Kinuha ko ang phone ko para tawagan sya.
"Hiii besssstie imisyouuuu so so so so so so much" Agad kong nilayo ang phone sa tenga ko dahil sa tili nya.
"Liezel! Ang ingay ha"
" Ano 'yon bes? Napatawag ka?" Tanong nya sa kabilang linya.
" Free kaba ngayon? Pasyal tayo" Tanong ko.
"Sorry friend. Nasa Palawan kami ni Kalvin" Buti sila nakakapasyal huhu.
"Sabi ko nga sigee na nga pakasaya kayo dyan hah" Sambit ko nalang sakanya.
"Yup, don't worry bibigyan kita ng pasalubong luvya"
"Okay fine, ingat dyan luvyatoo" Nag paalam na ako at binaba ang phone.
Wala si Liez sya lang naman ang nag iisa kong kaibigan kaya naman wala na akong ibang matawagan. Okay lang naman kung mag isa akong mamasyal diba?
Lumabas ako ng apartment ko at pumara ng taxi. Nag desisyon akong sa mall nalang ako pupunta, manonood nalang ako ng sine. Self date.
Nakapila ako ngayon para bumili ng pagkain dahil nakakuha naman na ako ng ticket. Nang ako na ang bibili ay pumili ako ng dalawang popcorn. May dala naman akong tubig kaya hindi na ako bumili ng juice.
Nag pasya akong horror nalang ang panoorin ko. Ayoko muna ng love love na yan naiinis pa ako kay Axul.
Lumipas ang ilang oras kong pagsisigaw sa loob ng sinehan ay sa wakas natapos din. Syempre joke lang yung sigaw sigaw na 'yan kase bawal. Ubos ko na ang binili kong pagkain. Nagugutom na ako kaya naman nagderetso muna ako sa isang kainan dito.
Nag order ako ng burger, fries at soft drinks. Nagugutom ako pero ito yung pinili ko. Inaakit ako ng coke eh hihi.
Tahimik lang akong kumakain nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Hoy Jazzi!" Tumingin ako sa taong tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang masilayan ko si Axul na palapit sa akin. Inirapan ko sya at kumain na lamang anong ginagawa nya rito? nasa party sya diba?
"Penge ako"
"Jazzi!"
"Hoy babae"
"Pansin mo ako babae"
"Love?"
"Yes love? este ano ba Ax! Tigilan mo nga ako" Iritado kong tanong
"Eto naman, Akala mo naman anlaki ng kasalanan ko sa'yo tsaka tigilan mo nga yang katatawag mo sa'kin ng Ax, Ang panget" Ngumunguya nyang sambit. Ngayon ko lang napansin na kinakain nya na pala ang pagkain ko.
"Wala kabang pera Mr Geinaide? Kuha ka nang kuha sa pagkain ko ah. Bumili ka nga. Hindi porket assistant or fan mo ako eh aagawan mo ako ng pagkain, pagkain ko 'yan hui" Masungit kong sambit sakanya. Gusto ko nga sanang sigawan sya eh pero baka matalsikan ng laway huwag na baka umayaw sa akin. Hindi pala baka kase ayaw naman nya talaga sa akin.
"Ubos na pera ko"
"Huwag ako Mr Geinaide. Hindi mo ako maloloko"
"Hindi naman kita niloloko ah"
"Maiba nga boss, bakit ka ba nandito? Akala ko ba um-attend ka sa isang party?" Pag iiba ko ng usapan.
"Party?"
"Oo, diba guest ka roon? Kakanta ka pa nga eh? Bakit ka andito ha" Pag tatanong ko sakanya.
"Ah ...kase.." Lumikot ang mga mata nya. Nagtataka naman akong napatingin sakanya. Magsasalita na sana ako ulit nang biglang may lumapit sakanyang babae. Teka familiar sya? oh wait sya pala yung girlfriend nya. Ginagawa nya rito?
"Hey babe! Akala ko ba susunduin mo ako?" Tanong nya Kay Ax, Hahalik na sana sya sa labi nito pero iniwas ni Ax ang kanyang mukha kaya naman imbes na sa labi nya ito mahahalikan ay pisngi na ni Ax ang nahalikan nya.
"What's wrong babe?" Sarap mong hampasin babe ko 'yan.
Nakita nya namang nakatingin sa akin si Ax kaya naman bumaling ang tingin ng girlfriend nya sa akin
"Ikaw na naman? assistant ka diba?bakit ba lagi kayong magkasama ng boyfriend ko?" Taas kilay nyang tanong .
"Assistant nga eh malamang palagi kaming magkasama. Mag isip isip din please" Pambabara ko. Umusbong maman ang galit nito. Akmang susugudin nya ako ay narinig ko ang pag tawa ni Ax. Parang nag slow motion ang pag tawa nya. Ngayon ko lang sya makitang tumawa ng ganyan. Mas lalo syang gumagwapo.
"What's funny, babe? Hindi mo ba narinig ang sinabi ng babaeng to?ipagtanggol mo ako!" Reklamo ng girlfriend nya.
"Panget mo" Parehas nanlaki ang mga mata namin ng girlfriend nya nang marinig namin ang sinabi ni Axul.
Napasinghap ang babae at magsasalita pa sana ngunit agad akong hinawakan ni Ax sa braso at hinila palabas.
Keynings:Hii ebribadi, Good evening! update update ulit.
><Vote or comment po para malaman ko kung nagugustuhan nyo po ba ang story nila Az/Axul and Jazz
>< Patama nalang po kung may mali or typo ,Tenkyuuu🤍
YOU ARE READING
HE'S THE BRIGHTEST STAR
RomanceIsang babaeng inlove na inlove sakanyang idol. Lahat ay gagawin nya para lang mapansin sya nito. Paano kung mag aapply sya bilang assistant nito para mapalapit sya. Ano kaya ang mangyayari kapag natanggap ito? Ano rin kaya ang kinalabasan nito kung...
