Kinaumagahan, naghanda na ako dahil ngayon ang unang araw na magiging assistant ako ni Axul.
Nag ayos muna ako rito sa apartment ko pati na rin sa sarili ko bago lumabas. Nasa labas na nga ako at naghihintay ng sasakyan. Tumingin ako sa cellphone ko kung anong oras na 5:27 am, buti nalang maaga pa. 8:00am kase start ng trabaho ko, ang uwian naman ay depende sa boss kong si Axul.
Halos kalahating oras akong naghintay ng taxi. Kaya naman noong may nakita akong parating agad ko na itong pinara. Mahirap na, baka malate pa ako.
Pagkarating ko sa Dream Stars Ent. pinakita ko agad ang I.D ko para makapasok agad. Dumeretso ako sa elevator at pinindot ang 5th floor, pero bago magsara pumasok si...
Axul?
Anong nangyari sakanya? Nakita kong balot na balot yung mukha nya. Ganyan ko kamahal si Axul, kabisado ko lahat sakanya. Kaya kahit mag takip pa sya makikilala ko sya. Baka nga kahit nakapikit ako makikilala ko pa sya e hihi.
Napansin nya yatang nakatingin ako sakanya kaya naman tumingin din sya sa akin.
"What are you looking at?" Nagulat ako dahil kinausap nya ako.
"Ah w-wala Mr. Axul" Mahina kong sagot.
"How did you know that I'm Axul?" Nagtataka yata sya dahil nakilala ko sya kahit na hindi ko masyadong makita ang buo nyang mukha.
"Ah.." Hindi ako makahanap ng salitang sasabihin sakanya. Bakit kahapon hindi naman ganito ang naramadaman ko? Bakit mas lalo yata akong kinabahan ngayon. Ibang iba talaga ang dating nya ngayon.
" What? Are you one of my fans?" Tanong nya sa'kin. Hindi ako makasagot agad, dahan dahan akong tumango.
"Okay" Yan lang ang tanging naisagot nya.
"Asan yung book mo? or anything that I can sign? " Nagtataka naman akong nakatingin sakanya.
"Ano pong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Isa ka sa mga fans ko, right? Kaya ka pumunta rito dahil gusto mo akong makita? Ilabas mo na yung mga gamit mo at nang mapirmahan ko na" Masungit nyang sambit sa'kin . Anong nangyari sakanya? Anong nakain nya at parang bakit hindi nya alam na ako yung assistant nya?
"Fan nyo po ako Mr. Axul pero hindi po 'yan ang pinunta ko rito. Ngayon po ang unang araw ko bilang assistant nyo. Nakalimutan nyo na po ba? Pero Mr. Axul, kung ipagpipilitan mo pwede mo namang pirmahan itong dress ko" Nakangiti kong sabi. Tinignan nya ako bago bumulong na hindi ko naman narinig.
"Damn it"
"Po?" Tanong ko.
" Nothing, follow me" Aniya. Kaya nang nag stop na ang elevator, nauna syang naglakad bago ko sya sinundan. Umupo sya sakanyang upuan at dahan dahang inalis ang facemask at cap nya.
Lalapit na sana ako sakanya para umupo sa harapan nya pero sinenyasan nya akong huminto.
"Stop Ms?" He asked. Kanina pa ako gulong gulo sa idol ko slash Boss. Nakalimutan nya ba agad yung pangalan ko? Nakakahurt ha. Joke, syempre hindi nya naman agad agad maalala yung name ko.
"Jazzi Po"
"Jazzi?"
"Jazzielyn Faithen Miorande" Sagot ko.
" Okay Ms. Miorande, nagkausap na ba kayo ng dati kong assistant?" Anito. Tumango ako.
"Opo "
"Good, nabanggit nya ba lahat ng kailangan mong gawin? Mga ayaw at gusto ko? And yung ayaw ko sa mga tao? If you're with me please...just please huwag na huwag kang lalapit sa akin lalo na kung tulog ako and of course, kung nasa labas man tayo kasali sa trabaho mo ang pag protekta sa akin okay? Huwag mo silang hahayaang makalapit sa akin, got it?"
Eh kahapon magkalapit naman kami ah bakit hindi nya sinabi? Siguro epekto ng pag kaantok nya. Tumango nalang ako kahit naman hindi ko tanungin yung assistant nya alam ko naman lahat. Hehe
"Understand, Boss" Nakangiti kong sagot habang naka titig sakanya.
"You call me Ax since you're my assistant now" Sambit nya. Bawal ba yung love?
"Copy Boss —este love ay mali Ax pala hehe " Nag peace sign ako sakanya. Napailing iling naman sya.
Makalipas ang ilang oras kong pag upo rito sa table ko. Wala parin syang tawag sakin. Nakakapagod din pala kahit wala kang ginagawa. Yes, simula kaninang nag usap kami at pumasok sya sa office nya hindi pa sya lumalabas. Kaya eto ako nandito nakatunganga.
Inaantok na ako. Ganito talaga ako kapag walang ginagawa, mabilis maantok. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pintuan kaya naman na patingin ako roon. Pumasok doon ang babaeng nakasuot ng super iksing skirt at crop top, medjo makapal din ang make up nya. Sino naman kaya 'to?
"Hey you, where's Axul?" Tanong nya nang makalapit sya sa'kin.
"Sino po ba kayo? at kung may ipapasabi po kayo, sabihin nyo nalang po at ako na mismo ang mag sasabi sakanya." Tugon ko. Umangat ang isang kilay nito, tila hindi nagustuhan ang naging sagot ko.
"How dare you? Hindi mo ba ako kilala? I'm his girlfriend, soon to be his WIFE" diniinan nya pa ang huling sagot nya. Luh?
Nagulat naman ako sa sinabi nya pero hindi ko pinahalata.
kung ganon may girlfriend na sya? at magiging asawa pa! paano na ako? nakakahurt ka Axul! Ay fan nya lang pala ako.
Pinilit kong ngumiti sakanya, Sana hindi nya napansing peke lang.
"Nasa loob po sya at baka natutulog din. Ayaw nyang may lumalapit sakanya kapag tulog sya. Kaya balik nalang po kayo next time... kung gusto mo next life pa eh" Syempre binulong ko yung huli.
"Whatever" Aniya at umirap. Naglakad sya patungo sa kwartong kadugtong ng kwarto ni Ax. Sinundan ko naman sya dahil baka mapagalitan pa ako dahil hinayaan ko lang sya. Dere-deretso syang pumasok, pati ako napapasok nadin.
Nakita kong nakaupo at nakaharap si Ax sa kanyang laptop. Nakatalikod sya sa amin kaya hindi nya kami napansin. Eto namang girlfriend nya kuno lumapit agad sakanya.
Halos madurog ako sa nasaksihan ko dahil saktong paglingon ni Ax. Sakto namang hinalikan sya ng girlfriend nya sa labi. Halata naman ang gulat ni Ax pero nang makita nya kung sinong humalik sakanya, hinalikan nya rin pabalik. wow ano ako dito? display? design? eh kung pag untugin ko kayong dalawa.
Nakatingin lang ako sakanilang dalawa na naghahalikan. Lumipas ang ilang minuto ay sa wakas natapos na rin sila. Pero heto hindi parin natatapos ang pag kirot ng puso ko. Sakit ha
"I miss you so much babe!" Masiglang sambit ng girlfriend nya.
Nag smirk naman si Ax at hinila ang kanyang girlfriend paupo sa kandungan nya. Pinalibot nya mga braso nito sa bewang niya.
ansakit talaga ha.
Napansin yata nilang may nakatingin sakanila kaya naman sabay silang tumingin sa akin. Imbes na umiwas ay tinitigan ko si Ax sa mata.
"Ano pang ginagawa mo rito? Get out" Masungit na utos ng kanyang girlfriend.
"Please Ms. Miorande, Leave us alone" dugtong naman ni Ax. Wow
Hindi ko na sila sinagot at tumalikod na lamang. Pagtalikod ko ay sya namang nanubig ang mga mata ko. Ang sakit palang makita sa personal ito. Mas masakit pa sa nakikita ko sa internet dati na shiniship sya sa iba. Sumobra ba ako? hanggang fans nalang ba talaga ako? Syempre oo
"Who's that girl, babe?" Rinig kong tanong nung girlfriend nya.
"Don't mind her. She's not important" Mas lalo akong nadurog dahil sa binitawang salita ni Axul.
@kaneinx_young
YOU ARE READING
HE'S THE BRIGHTEST STAR
RomansaIsang babaeng inlove na inlove sakanyang idol. Lahat ay gagawin nya para lang mapansin sya nito. Paano kung mag aapply sya bilang assistant nito para mapalapit sya. Ano kaya ang mangyayari kapag natanggap ito? Ano rin kaya ang kinalabasan nito kung...
