"Matutunaw yan ate!" Bigla akong natauhan nang may sumigaw sa gilid ko, ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatitig kay Axul. Na kasalukuyang nakikipaghabulan sa mga bata. Nandito kami ngayon sa park ,dito kami nagtungo matapos nyang sabihan na panget ang girlfriend nya.
Naalala ko ang sinabi ni Ax noong una kaming nagkita, ang sabi nya mailap sya sa mga tao at kailangang protektahan ko sya, pero sa nakikita ko. Malayong malayo ang sinabi nya sa kinikilos nya ngayon.
Kitang kita ko sa mukha nya kung gaano sya kasaya kasama ang mga bata dahil sa madaming ilaw na nakapaligid dito.
"Sinabi ng matutunaw eh, tinitigan ba naman lalo" Binalingan ko ulit ng tingin ang bata.
"Ice cream ba sya para matunaw? Tsaka nakakainlove sya eh, ang pogi pogi. Tingnan mo yung ngiti nya ang pogi diba. Bukod sa pogi sya at mabait, magaling pa syang kumanta" Ani ko.
"Kumanta? Ate hindi ko pa nga narinig na kumanta iyang si Kuya Azul eh" Naka kunot noo nyang sambit.
"Huh? Anong Azul ka dyan? Si Axul yan eh. Yung magaling kumanta?yung maraming fans sikat ganun" Paliwanag ko.
"Oo nga po, magaling po si kuya Axul, eh hindi naman iyan si kuya Axul. Sya po si Kuya Azul . Bulag ka po ba teh?"
"Abat!-
"Shhh wag ka nalang po mag talk kung hindi mo sya kilala okay?"
"Hoi bata! Kilala ko kaya yang tinutukoy mo fan nya ako at assistant. Kaya alam ko lahat ng tungkol sakanya no!" Pambawi ko sakanya. Grabeng bata.
"Sus alam daw lahat, fake fan ka po FAKE" Diniinan nya pa ang pagsabi ng fake sa huli. Unti unti nang umiinit ang ulo ko, napansin nya naman agad yon kaya bumelat sya at tumakbo.
Akmang hahabulin ko sya narinig kong tinawag ako ni Axul. Imbes na isipin ko pa ang bagay na 'yon ay pinag sa walang bahala ko nalang dahil hindi naman totoo ang sinasabi nya.
"Hoy babae! Gutom na ako" Nakanguso nyang sabi bago lumapit sa akin.
"Oh ano gusto mo gawin ko, Ax?Kinain mo na nga yung pagkain ko" Reklamo ko
"Sorry ha gutom ako eh, tara na nga libre kita?" Agad naman akong napatingin sakanya.
"Talaga?!" Excited kong tanong
"Oo pambawi ko na rin kase hindi kita nasundo" Umiwas sya ng tingin pagkatapos nyang sabihin 'yon
"Akala ko ba wala kang pera?
"Ikaw na nga nagsabi na Geinaide ako, malamang madami akong pera. Parang ayaw mo yata eh huwag na nga" Agad ko naman syang hinawakan sa braso
"Ano ka ba! Nagtatanong lang eh" Hindi sya sumagot, nakatingin lang sya sa kamay kong nakahawak sa braso nya. Agad ko namang narealize na ayaw nya palang nahahawakan. Binawi ko ang kamay kong nakahawak sakanya.
" Ah s-sorry" Pag hingi ko ng tawad. Bumaba ang tingin ko sa lupa dahil sa hiya. Narinig ko syang tumawa ng mahina hanggang sa palakas ng palakas kaya naman tinignan ko sya
"Ikaw ha crush mo ako no?" Panunukso nya
"Hindi no!"
"Tsk mag dedeny pa. Nakita ko kaya na grabe ang tingin mo sa akin kanina " Nakangiti nyang sambit, sinundot sundot nya ang pisngi ko na syang nagpalaki sa aking mga mata.
"You're so funny " Natatawa nya paring sabi.
Tumingin ako sa paligid kung may nakatingin ba sa amin. Wala naman ng masyadong mga tao dahil gabi naman na. Bahagya akong napaigtad nang hawakan nya ang kamay ko at hinila patungo sa mga nagbebenta ng pagkain
"Kung gusto mo akong hawakan okay lang naman" Nakangiti nyang sambit.
"Paano kung may makakita? Baka ano pang isipin tsaka sikat ka kaya, ayaw ko namang masira ang image mo dahil sa iisipin nilang magkasintahan tayo" Ani ko.
"Hindi yan, ako ang bahala kapag may nang bash o umaway sayo and wala akong pakealam kung masira ang image ko, sirang sira na nga eh" Aniya pero hindi ko narinig ang huli nyang sinabi, basta nakita ko ang pag ngiti nya ng mapait.
"Anong gusto mo?" Tumingin ako sa taas dahil doon nakapaskil ang mga benta nila, gutom daw pero puro junk foods naman ang gusto nyang kainin.
"Kahit ano" Sagot ko
"Wala namang kahit ano sa benta nila eh"
" Ano ba Ax! fries, burger at coke pati na rin juice at pizza saka ayon" Turo ko. Tumango sya at sinabihan akong humanap ng mauupuan para sya nalang daw ang bibili.
Naglakad ako patungo sa bakanteng table, pinili ko ang pang dalawahan lang dahil dalawa lang naman kaming kakain. Hinintay ko pa sya ng ilang minuto bago ko sya makitang naglakad patungo rito habang hawak hawak ang isang tray na naglalaman ng mga pagkain.
Pagkalapag nya ay agad akong natakam, pati ako gutom na rin.
Kinuha ko ang mga pinabili ko at inisa isang kinain. Sinabayan nya naman na akong kumain.
Habang kumakain kami hindi ko maiwasang mag tanong.
"Ax may tanong ako"
"Hmm?" Sagot nya habang kumakain
Yumuko ako bago nag salita.
"Bakit minsan hindi ko magets ang mga kinikilos mo?minsan masungit ka tapos walang pake sa lahat minsan naman masiyahin ka tapos malapit sa ibang tao. Akala ko ba ayaw mo sa mga tao? Iniiwasan ganun. Tapos yung girlfriend mo pa. Nakita ko kung gaano mo sya kamahal tapos kanina sinabihan mo sya ng hindi maganda. May tinatago kaba sa akin Ax—"
Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang pag angat ko ng tingin ay halos umusok ang ilong ko nang makita ko syang nakasuot ng earphone. Agad kong inalis ang isang parte nito.
"Narinig mo ba ang sinabi ko?" Naiinis kong sambit, sana hindi ko makalimutan na mahal ko sya dahil kung oo baka nasapak ko na 'to.
"Hmm? Ano ba 'yon? Hindi ko narinig eh" Aniya habang nakangiti. Parang wala lang sakanya. inirapan ko nalang sya bago pinag patuloy ang pagkain ko.
Keynings: Hii ebribadi, pasabi nalang po kung may typo and mali Tenkyuuuu 🤍
@kaneinx_young
YOU ARE READING
HE'S THE BRIGHTEST STAR
RomanceIsang babaeng inlove na inlove sakanyang idol. Lahat ay gagawin nya para lang mapansin sya nito. Paano kung mag aapply sya bilang assistant nito para mapalapit sya. Ano kaya ang mangyayari kapag natanggap ito? Ano rin kaya ang kinalabasan nito kung...
