CHAPTER 3

163 10 0
                                        

Kanina pa ako naghihintay dito sa labas. Nakaupo lang ako rito sa gilid. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko hindi ko na kayang bumalik sa loob. Ganito pala ang pakiramdam kapag nag kagusto ka sa taong malabong mapasaiyo.

Nagpalipas pa ako nang ilang oras. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. 11:39am. Lunch time na pala. Inayos ko ang sarili ko at tumayo. Hindi pa ako kumain magmula kaninang umaga.

Nagpasya akong lumabas muna sa building na 'to. Hindi naman siguro ako hahanapin ni Axul. Kase lunch naman na.

Tumawid ako sa kalsada at nagtungo sa isang restaurant. Naghanap ako ng bakanteng upuan. Nang makahanap ako ay nag tawag na ako ng waiter at nag order ng pagkain. Nag hintay pa ako ng ilang minuto at sa wakas dumating na ang order ko.

Habang kumakain ako may napansin akong tumayo sa gilid ko. Pag angat ko ng tingin nakita ko si Ax.

anong ginagawa nya rito? Baka kakain.

Hindi ko sya pinag tuunan ng pansin dahil medjo masama pa ang loob ko sakanya dahil sa pagsabi nya kanina na hindi ako importante.

"Hi! Ms Jazzi. Pwede makikain?" tanong nito, hindi pa ako pumapayag ay nanguha na sya ng isang upuan sa kabilang table at agad nilantakan ang kinakain ko. Huh?

"Huy Ax! Ano ba 'yang ginagawa mo? pumayag ba ako ha?! tsaka mag kaaway tayo no" Masungit kong sambit at inagaw sakanya ang pagkain ko. Kahit boss at lablab ko 'to hindi kami bati.

"Magkaaway? Tsaka anong Ax pinagsasabi mo. Baduy" Tila nandidiri pa sya sa pagtawag ko sakanya. Parang sira, sya na nga mismo nagsabi na 'yan nalang ang itawag ko sakanya.

"Gutom lang' yan, Ax"

"Kaya nga ako kumakain eh tapos inagaw mo lang tsk tsk tsk" Pa iling iling nyang sabi.

"Ikaw pa magagalit. Ikaw na nga may atraso sa akin eh. Matapos mo akong sabihan ng masakit na salita, kasali na yang maarte mong girlfriend"
Nakasimangot kong sabi. Tinignan nya naman ako na parang nagtataka.

"Ano boss? Kunware hindi mo alam? huh! sinong niloko mo!"

"Pinag sasabi mong babae ka?" Aba

"Ah ganun, sige tutal ikaw naman kumain sa pagkain ko, ikaw na rin magbayad. Bye boss" Bago pa sya makapag salita ay umalis na ako. Narinig ko pang tinatawag nya ako.

"Jaz wait! Hoy babae wala akong pera!" Sinigaw sigaw nya pa ang pangalan ko pero hindi ko sya pinansin. Walang pera? Sinong niloko mo Axul Geinaide ang yaman yaman mo tapos ikaw pa mawawalan ng pera.

Biglang sumagi sa utak ko na dapat pala ay protektahan ko sya dahil mailap sya sa mga tao. Lagot ako nito.

Mabilis akong naglakad pabalik, medjo nakalayo na ako. Pag balik ko hindi ko na sya mahanap. Lumapit ako sa isang waiter at nagtanong.

"Ms, nakita nyo po ba si Mr. Geinaide?" Tanong ko. Sigurado naman akong kilala nya si Ax dahil sikat ito. Ang pinag tataka ko lang ay hindi naman sya dinumog kanina.

"Ah si Mr Geinaide po ba? Nakita ko po syang lumabas kanina pero hindi ko po alam kung san sya pumunta " Tumango ako at nagpasalamat.

Saan ko naman hahanapin 'yon? Lagot na talaga ako huhu.

Nang hindi ko talaga sya mahanap ay nag pasya na akong bumalik sa dream stars ent building baka nandoon na sya.

Pag pasok ko sa opisina nya ay dumeretso ako agad sa pwesto nya para tignan sya. Kumatok muna ako

"Come in" Nang marinig ko ang boses nya ay napahinga ako ng maayos. Salamat naman at nandito na sya.
Pumasok ako at lumapit sakanya

"Ax, nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Sorry ha kung iniwan kita kanina sa restaurant. Please huwag mo akong tanggalin, parang awa mo na po. Nagsisi na ako dapat talaga hindi kita iniwan, hindi ko na isip na pwede ka palang dumugin doon" Nag paawa awa effect pa ako sakanya, pumikit pikit pa ako para lumuha pero wala talagang lumalabas. Ano ba 'yan.

"Can you please calm down Ms Miorande?"

"And what are you talking about? Hindi kita magets at bakit naman kita aalisin. May ginawa ka ba?" Alam mo Ax kung hindi lang talaga kita idol at mahal baka nahampas na kita.

"Ano ba 'yan boss ang bilis mo namang makalimot bahala ka nga" Naiinis kong reklamo. Kung hindi nya ako gets mas lalong hindi ko naman sya magets.

Tumingin sya sa akin nang nagtataka, tumunog ang phone nya kaya bumaling ang tingin nya doon. Nang mabasa nya ay tumingin sya sa akin.

"Ah it's okay Ms Miorande, hindi naman ako masyadong napansin ng mga fans ko. Don't worry walang nakalapit sa akin" Hinilot hilot nya pa ang kayang noo na parang anlaki ng problema.

"Damn you, Azul"

"Po?" Hindi ko masyadong narinig ang sinabi nya dahil may kahinaan ang pagkakasambit nya.

" Nothing, pakitignan ang schedule ko or ask my manager kung may pupuntahan ba, practice or mag g-guest" Aniya at sumandal sa kanyang upuan.

"Copy Ax!" Naglakad naman ako patungo sa table ko para tignan kung may minessage ba ang manager or Ceo dito. In-open ko ang laptop at binasa ang email.

Hmm so mag ge-guest pala sya mamayang gabi sa isang party. In-off ko ang laptop ko at bumalik sakanya, yon lang naman ang gagawin nya ngayon.

" love! este Ax hehe, mag geguest ka raw mamaya sa isang party. Gabi na 'yon so hindi na po ako pupunta?" Tanong ko sakanya

"Ano ba kita?" Tanong nito pabalik.

"Future jowa?" Patanong kong sagot, kumunot ang kanayang noo.

"Joke lang ito naman. Assistant mo po ako syempre" Pambawi ko agad

"Alam mo naman palang assistant kita, sasama kaba o hindi?"

" Of course, sasama ako kase nga assistant mo ako" Tumawa pa ako sa huli.

"Good, you can now go. Mag ayos kana. Ipapasundo nalang kita mamaya." He said. Nag thumbs up naman ako

Nice! Maaga akong makakauwi, pero baka mapuyat naman ako mamaya

@kaneinx_young

HE'S THE BRIGHTEST STAR Where stories live. Discover now