Chapter-2

7 1 3
                                    

Vian POV

--

"Tama na yan Vian." Awat sakin ni Ayi at Zari.

Umiling ako sa kanilang dalawa.

"That old man is getting into my nerves. How could he arrange a marriage with that fucking cheater." Lasing na sumbog ko sa kanila.

Napabuga ng hininga si Zari dahil sa sinabi ko. Pang ilang beses ko na ba nasabi ang tungkol dun mukha na akong tanga dito habang sila nakikinig at nagsisita lang sakin.

"Let's go.. we need to go home Zian is waiting." Dahil sa sinabi ni Zari medyo naging sober ako.

My little pamangkin.. my stress reliever.

"What should I do. Girls I'm getting sick of my father. I need to stay here sa New York." Sabi ko dahilan para mapaupo ulit si Zari.

"Pakasal ka para makalaya ka sa tatay mo after a year file an annulment make a contract with Kurt." Nakakagagong suggestions ni Jake.

Napanganga naman ako sa sinabi niya.

"Gagoo kaba?." Galit na bulong ni Ayi.

"At least di siya makukulong habang buhay sa Papa niya pero kay Kurt makakalaya siya after a year." Dagdag pa ni Jake.

"Abogado kaba talaga o abogago." Singit naman ni Zari.

Napayuko naman si Jake.

"Nag suggest lang ako. Isipin niyo hanggat di nakakasal si Vian kay Bermudez sa tingin niyo di gagawa ng paraan ang Papa niya para maipit siya  sa sitwasyon na di natin alam kung ano. Like what she said punterya ng Papa niya yung agency na purong pawis ni Vian ang naging puhunan." Mahabang paliwanag ni Jake na kinatingin naman ng dalawa sa kanya.

"Pero ayoko ng kasal. Sagrado yun Jake mahirap maipit sa ganun na sitwasyon." Nakayuko na sabi ko.

"Pag usapan natin ulit to pag di kana lasing." Sabi ni Zari.

Binuhat na ako ni Jake dahil di ko na talaga kayang mag lakad. Tahimik kaming apat buong byahe walang nag balak mag salita.

--

Pag ba nagpakasal ako sa lalaking yun magiging malaya ba ako kay Papa o patuloy lang niya akong gagamitin para makakuha ng pera sa mga Bermudez.

I know Kurt hindi yun papayag na mag file ako ng divorce dahil yun ang gusto niya dati pa. Nung kami pa. Kasal. Kasal na di ko pa kayang tanggapin. Kasal na parang ang aga para saming dalawa. Kasal na kinatatakot ko dahil pwedeng magbago ang lahat.

Simula sa ugali. Sa oras na siyang pinaka kailangan ko. O di kaya sa pagbabago na baka  bigla na lang siya mawalan ng pagmamahal sakin. At baka humantong kami sa sakitan na siyang unang kinatatakutan ko.

Dahil sa ganun paraan ko nakita yung pagbabago sa relasyon ni Mama at Papa.

Mababaliw ako sa kakaisip sa pwedeng solusyon sa problema na to.

Baka kasi isipin niya na mahal ko pa rin siya kahit tatlong taon na simula ng mag hiwalay kami.

Baka kasi isipin niya na ginagamit ko lang siya dahil sa pera niya. Which is meron ako nun.

I should I offer an contract to him. Ano ba naman Vian wag ganun di pwede yun.

My life is so fucking hell.

--
🏹

Lover's In Midnight Where stories live. Discover now