Chapter-6

4 2 0
                                    

Vian POV

--

Mabilis lahat ng pangyayari ngayon ay narito ako sa opisina ng tatay ni Kurt para civil wedding na gaganapin. It's just us. Ako tatay niya at si Kurt.


Di alam nila Zari at Ayi ang gaganapin na kasal. Ang dami na rin kasi nilang problema dadagdag pa ba ako.


Kasal ko pero bakit ang sakit sa pakiramdam. Dapat masaya diba? I have this feeling na makukulong lang din ako tulad ng kay Papa.



Ilang minuto lang ay matatapos na rin ang simpleng ceremony at ikakasal na ako sa taong minsan kong pinangarap na maging kaisa... pero di ko ramdam ang excitement parang kaswal lang.



"You may now kiss the bride." Nakangiting na sabi ng tatay ni Kurt na Mayor sa lugar kung nasaan kami ngayon.




Mabilis na humalik sakin si Kurt alam kong ramdam niya na sobrang labag sa loob ko ang kasal na to.


"Take this." Sabi ni Tito at inabot sakin ang dalawang susi.



Nagtataka akong tumingin sa kanya.





"A wedding gift. A new house and a new car for you Hija." Kita sa mukha ni Tito ang saya.




"Don't make her cry Kurt. Take care of her." Dagdag ni Tito.





"But Tito this is too much." Sabi ko at akmang ibabalik ang mga susi.



"It's a gift hija. Take it and go home."



"Thank you." Yun na lang ang nasabi ko dahil kita naman na di niya tatanggapin ang kahit ipilit ko pa.

--

"You want to celebrate." Tanong ni Kurt habang lalabas kami ng munisipyo.



"Inaantok na ako pwede ba na umuwi na lang tayo. I have a jetlagged." Sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.



Ramdam ko yung galit at inis niya dahil sa sagot ko.



"Okay I'll take you home." Dahil sa sinabi napatingin ako sa kanya.



Ihahatid niya ako at saan siya pupunta.



"Kailangan ko ilabas baka may magawa akong di mo magustuhan." Sabi niya at pinagbuksan niya ako ng pinto.


Anong ibig sabihin-- tsk tulad pa rin ng dati babae ng babae pa rin siya.





Tahimik ako buong byahe namin pauwi sa bagong bahay. Nakakapanibago dahil nasanay akong mag isa pero ngayon mas kailangan kong masanay na dapat bawat galaw ko at desisyon ko ay kasama ko na siya.



Hindi na siya ang Kurt na minahal ko. Yung Kurt na minahal ko sobrang sweet maalaga di ako iiwan ng mag isa sa bahay.



Aalis lang yun pag talagang importante at tungkol sa trabaho niya.



"Saan ka pupunta." Di ko napigilan ang sarili ko na magtanong.



"Work.. ayaw mo naman kasi akong kasama e alam ko naman kaya tatabi muna ako at hayaan ka sa mga gusto mo." Sabi niya at pinark ang kotse at naunang lumabas at iniwan ako.




I wanna cry but pero hindi sa harap niya.


Lumabas ako sa kotse at siya naman ay pabalik na..




"Lock the doors. I won't go home. Uuwi ako sa Manila you stay here." Malamig na sabi niya at pinaharurot ang kotse niya.



At tama nga di naman talaga niya ako mahal. Ang dahilan niya ay dahil yun ang habilin ng Mommy niya na dapat ako ang ihaharap niya sa altar at wala ng iba.

--
🏹

Lover's In Midnight Where stories live. Discover now