Maaga akong nagising dahil ramdam ko ang sakit ng katawan ko habang tumatagilid ako. Napwersa ko atah lahat ng lakas ko kahapon, naghahol-habulan kasi kami kahapon sa dagat.
Nagtimpla ako ng gatas at bumalik agad ako sa kama, habang nanonood ako ng movie sa laptop biglang nag-ring ang cellphone ko.
"Girl!" Sigaw agad ni megan ang narinig ko ng masagot ko ang tawag.
"So loud, megan"
"Hehe, sorry na! Gusto mo bang sumama sa waterfalls mountain?"
"Nah, I'm watching"
"I see. Bye, see you later" pinatay ko na ang tawag at binalik ang tingin sa screen ng laptop ko ngunit makalipas lang ang ilang minuto ay biglang nag-ring ang phone ko. And now, it was calex.
Napatitig ako sa cellphone ko at hindi nag-abalang sagutin ang tawag. Nang maalala ko ang nangyari kahapon, biglang tumulo ang luha ko.
"I'm sorry, calex. I think, it's time" pinunasan ko ang luha ko at pumunta ako sa veranda.
Nakita ko sa hindi kalayuan sila calex at mas lalong sumakit ang dibdib ko ng makita ko si calex at angel na nagtatawanan habang magkahawak ang kamay nila.
Mas hinigpitan ko ang hawak sa railings at pinilit na huwag silang tignan. Nang makalayo sila agad akong napabuga ng hangin.
"Argh!" Sigaw ko ng tumama ang siko ko sa pader.
Tinignan ko ito at dumudugo na ang siko ko, napailing ako at pumunta ako sa cr at kinuha ang first aid kit. Habang ginagamot ko ang sugat ko, napatingin ako sa bintana ng biglang umulan ng malakas.
Gusto ko mang lumabas ngunit ang sakit ng katawan ko. Agad akong tumakbo sa cr at agad nagsuka sa inidoro. Napasandal ako sa pader at napahawak sa noo. Dahan-dahan akong tumayo at agad kinuha ang thermometer armpit ko sa bag at agad iyon nilagay sa kili-kili ko. Naghintay lang ako ng ilang minuto at tinignan na ang resulta at agad akong napakagat labi ng 37.8°C.
Umupo ako sa kama at kumain ng panang-halian kong pagkain. Pagkatapos ay uminom ako ng gamot at humiga sa kama. Nagising ako ng may marinig akong ingay sa kusina kaya mabilis akong pumunta doon at agad akong napasinghap ng makita ko ang lalaking naka-itim.
Nang makita niya ako agad niyang tinutok ang patalim sa akin kaya agad akong kinabahan.
"Kapag sumigaw ka, papatayin kita!" Lumapit sa akin. "Give me your number" Napalunok ako at agad tumango.
"Yes, I will. Just don't hurt me!" Kinuha ko ang calling card ko at binigay sa kaniya. May tinawagan siya at maya-mwya ay biglang nag-ring ang cellphone ko.
"Sagutin mo ang tawag! At lahat ng sasabihin ko ay gagayahin mo!" Tumango ako at sinagot ang tawag.
"Hello, madam? Ginawa ko na lahat ng pinapa-utos mo" Boses ng lalaki kaya napalunok ako habang nakatingin sa senesenyas ng lalaking nasa harapan. 'Good. I will send you the money'
"G-Good! I will send you the money"
"Thank you, madam" pinatay na niya ang tawag kaya tumingin ako sa lalaking nasa harap ko.
"Magaling!" Sinaksak niya ako sa tagiliran at agad na siyang umalis.
Napahawak ako sa tagiliran ko at napadura ako ng dugo.
"Ah!" Tinawagan ko agad ang staff ng hotel at maya-maya ay inalalayan nila akong tumayo.
Habang nasa elevator kami bigla na lamang nagdilim ang paningin ko. Nagising ako sa isang puting kwarto, nasa clinic ako ng resort. Tatayo na sana ako ng biglang sumakit ang tagiliran ko.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Star. Book 2
Historia CortaFive years later, scar and calex meet again. but what could fate have planned for them again? Will scar continue to be hurt by calex or will their relationship be good?