Chapter 4

5 0 0
                                    

    "Happy birthday Arian~ Happy birthday Arian~"
   

    "Happy birthday, happy birthday....happy birthday, Arian~"
    




    Nagkukulay orange na ang kulay ng liwanag na napasok sa loob ng bahay. Nakasara kase ang lahat ng bintana sa bahay namin, nakapako lahat kaya bumabase lang ako sa kulay ng liwanag na nakakapasok sa maliliit na siwang ng  bintana.
   

    Base sa kulay ng liwanag...hapon na.
   

   
     Wala sa sarili akong nakatingin sa maliit na chocolate cake na nakapatong sa nakabaliktad na tupperware ng ice cream. Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko.
    
    

    

     Ito na ang birthday cake ko.
    
    

      Isang piraso ng fudgee bar na may stick sa gitna. Tahimik lang ako habang manghang pinagmamasdan ang tinapay na parang cake ko na rin.
     

       Bigay lang sa akin ng asawa ni Mang Renor ang fudgee bar na nasa harapan ko.
   

      Nagtakha pa ako kung bakit binigyan pa niya ako nito, eh hindi na nga namin mabayad-bayaran ang mahabang listahan ng utang ni Tatay sa kaniya. Pero sabi ng asawa ni Mang Renor, "Hayaan mo na, wala namang ibibigay sa'yo ang tatay mo panigurado. Iyo na iyan, hindi iyan utang"
     

      "Happy tenth birthday, Arian.."
     

      Happy birthday sa'tin.
     


      Ipinagdikit ko ang dalawa kong palad saka nag-isip ng ihihiling ko sa Diyos.
   

    Ayoko na pong mahirapan, Papa Jesus.

   
      "Sana mawala na ang paghihirap ko.."
     



      Pagkatapos kong ibulong sa sarili ang hiling ko ay tinanggal ko na ang stick sa cake. Wala akong kandila kaya stick na lang ang itinusok ko. Hayaan na, atlis walang sunog kung magkataong madampi ko ang stick.
     
     

      "Kainan naaa!" masiglang pagkausap ko sa sarili.

     
      Akmang isusubo ko na ang fudgee bar sa maliit kong bibig, nang bigla ay sunod-sunod na tunog ng malakas na paghampas sa kahoy naming pinto ang bumalot sa buong bahay.
    

     "Ano 'yun?" nagtatakha kong tanong sa sarili.
    

      Narito ako sa bandang kusina kaya hindi ko makita ang pinto namin.
     

      Unti-unti..
     

      Pahina na ng pahina...
     

      Hanggang sa tuluyan nang nawala ang malakas na tunog na nagmumula sa paghampas ng pinto.
     

      Mabagal kong binitawan at binalik ang hawak-hawak na fudgee bar sa mesa. Gamit ang maliit kong paa ay magagaang hakbang ang ginawa ko papunta sa pinto ng bahay namin.
     

      Huh?
     

      Takha akong nakatitig sa naka-bukas naming pinto.

     
     
      Wala namang tao...?
     
     
     
     
     
     
     
     
      "Psst."
     
     
     
     
     
     
     
      Agad akong natigilan nang marinig ang mahinang sitsit.
     





In His PrisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon