Chapter 5

5 0 0
                                    

Natapos ang usapan namin ng hindi ko sinasagot ang tanong ng kapatid ko...

Wala pang kalahating oras matapos ang naging pagtatanong ni Calian sa akin sa coffee shop ay nag-aya na akong umuwi.

Ganito na talaga ako kahit dati pa, bigla-biglang nawawala sa mood at naalis kapag may bagay na nagpasama sa aking timpla.

Kanina lang, tiananong sa akin ni Calian kung galit pa ba ako kay mama...

Sasagot sana ako...


Oo.



Masama pa rin ang loob ko.



Kung magpapakatotoo nga lang ako sa sarili ko ay mas gugustuhin ko na hindi na siya umuwi dito sa Pilipinas, pero alam ko na kapag sinabi ko sa iba kung anong tumatakbo sa isip ko sa tuwing pinag-uusapan si mama ay sigurado na ako na ako ang magmumukang masama.


Sa oras na malaman ng iba na may tinatago akong galit sa babaeng nag-luwal sa akin ay inaasahan ko na ang kung ano-anong uri ng masasakit na salita at panghuhusga na matatanggap ko...



Anak na hindi marunong tumanaw ng utang na loob..

Anak na walang puso sa ina...

Anak na walang kwenta...salbaheng bata.





Mga taong malakas kung magbigay ng opinyon sa buhay ng iba...kahit na wala naman talaga silang alam.

Hindi nila alam ang nangyari sa amin noon...

Ngayon kase ay masyado nang mahinahon at malambing ang mama ko. Sa tuwing nagkakasama si mama at si Calian ay mukha talaga siyang mapagmahal na ina. Ang mga taong nakakakita sa kanilang dalawa ay laging naibubunyag kung gaano sila naiinggit dahil sa matibay at makulay na relasyon ni Calian sa mama namin.

Mukha kase talaga silang masaya. Mukha kase talaga siyang mapagmahal na ina...kahit sino naman ay talagang maiinggit kapag nakita sila.




Kahit ako.

Sa tuwing nakikita ko ang posts at videos nilang dalawa...naiinggit ako.

Kapag umuuwi dito si mama at ang Americanong tatay ni Calian...naiinggit ako.

Sa sobrang saya nila...hindi nila ako napapansin.


Hindi nila ako nakikita.

Inggit na inggit ako sa kapatid ko.

Hindi ko naman kase naramdaman sa mama ko yung nararamdaman ng half-brother ko sa kanya.

Ibang-iba ang alagang nakuha ko sa alagang nakukuha niya.

Hindi naman kase talaga ako minahal ni mama.









Bata pa lang ako ay ako na lagi ang pinagbubuntungan hindi lang ni papa...kundi pati ni mama sa tuwing nagagalit sila.

Sinasaktan ako ni papa ng hindi ko alam ang dahilan.

Hindi ko nga alam kung may dahilan ba sa likod ng ginagawa niyang pambubugbog o gusto niya lang talaga ang ginagawa niya.

Si mama naman, sinasaktan ako kapag naaalala niya ang dahilan kung bakit ako nabuo, kung bakit ako nabuhay.

Noon ay marami ang manliligaw ni mama, kulang na lang ay pumila sila. Gaya ng mga manliligaw ni mama ay patay na patay rin si papa kay mama.

Pero hindi siya nanligaw...

Biktima si mama ng rape. Si papa ang may gawa.

Winalanghiya ng papa ko si mama, pinilit niya siyang makipagtalik sa kaniya.

In His PrisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon