Naalimpungatan ako nang makaramdam ng malagkit na kung ano.Nang imulat ko ang aking mata ay ganun na lang ang naging paninigas ng katawan ko.
Habang padapang nakahiga sa banig namin, ay kitang-kita ko ang pigura ng tatay kong paharap na nakahandusay sa sahig.
Napakalapit niya, sa puntong magkatabi na ang ulo naming dalawa.
"....Tay?"
A-Anong...bakit...pula ang sahig...?
Nang tuluyang magising ay agad akong bumangon sa kinahihigaan. Nagkalat ang pulang likido sa sementado naming sahig. Pinakamarami sa kinahihigaan ni tatay.
Nang titigan kong maigi ang katawan ni tatay ay agad akong nawalan ng balanse. Gumapang ako papalayo.
Ang dibdib ni tatay...may balisong!
Bumubulwak pa ang sariwang dugo ni tatay habang diretsong nakatingin sa akin ang mga mata niya.
"P—....Patay na si tatay..."
Hindi ako makapaniwala..
Sandali akong natahimik, pinakikiramdaman ang sarili ko nang bigla ay may tumunog.
Sa isang sulok ay nakarinig ako ng paglangitngit, agad akong naalarma. Puno ako ng pagkataranta at takot nang takbuhin ko papalabas ang bahay.
Hihingi ako ng tulong sa kapitbahay!
Sinubukan kong sumigaw, nagbabakasakaling maririnig ako ng mga kapitbahay namin, ngunit nagkalat ang mga paputok kahit saan at gumagawa ito ng ingay dahilan para hindi ako mapansin ng mga nagkakasiyahan.Iyak na ko ng iyak at sigaw ng sigaw para lang makahingi ng tulong. Hindi ko magawang bumalik sa bahay dahil natatakot akong makita si papa...
At ang anino sa loob.
"N-Natatakot ako..." wala sa sarili kong bulong.
May anino sa loob...
Siya...ang pumatay kay papa!
Ilang sandali pa ang itinagal ko sa labas nang mapansin na ako. Napansin ako ng isang matandang lalaki na iika-ika nang maglakad.
Si Mang Renor.
"Mang Renor!"
"Oh hik anong ginagawa mo dito bata ha? Hik nasan ang tatay mo? lumabas na naman ba?? Hik"
"S-si tatay."
"Oh?... Eh, anong meron sa tatay mong hilaw? Namatay na ba? Ihihihi- hik!"
" S-si tatay po, m-mang Renor, Wala na po si tatay. " Sunod-sunod Ang hikbi at walang tigil na Ang luha ko. Halos Wala na akong makita dahil Dito.
" Oh asan ba siya!?"Lango parin sa alak si Mang Renor, pero siya lang Ang nakikita kong tao na malapit lang samin kaya kahit na gegewang-gewang ay hinila ko na siya papunta sa Bahay. Hindi naman umangal si Mang Renor dahil narin siguro sa kalangoan nito.
Nang makarating kami sa loob ng Bahay namin ni tatay ay ganun na lang Ang pagkatigil ni Mang Renor. Dahil sa harap MISMO niya bumungad Ang katawan ni tatay.
Ilang beses ko pang hinila-hila Ang braso ni Mang Renor para mabalik siya sa realidad Dala ng siguroy pagkagulat. Nang matauhan namn ito ay tumakbo siya ng mabilis palabas at Saka nagsisugaw. Tilawala na Ang kalasingan Dito.
"Mga kapitbahay! Mga kapitbahay! Si ka-berting!!"
Naiwan naman ako Kasama si tatay sa loob ng Bahay.
BINABASA MO ANG
In His Prison
Misterio / SuspensoI will do whatever it takes, just to escape his prison. ***** Arian Bonifacio, is a dedicated writer whose dream is to be successful in her career. Well, it happened. Siya lang naman ang may akda ng Isa sa mga pinag-uusapang nobela sa ngayon. Everyt...