The sound of the warning siren echoed the streets. Napatingala si Cassidy nang bahagyang nilipad ang kaniyang buhok nang nagsipagdaanan ang tatlong helicopter sa ulunan niya. Bahagya pa niyang tinakpan ang kaniyang mga tenga dahil sa pagsasabay ng tunog mula sa helicopter na tila mga naghahabulan at ng paulit-ulit na tunog mula sa warning siren.
Maaga silang pinauwi from their campus dahil sa napabalitang coup d' etat sa Palasyo ng mga Miccecio, ang mga namamahala sa monarkiya ng Hanses. Pinag-iingat ang lahat at bagama't kaliwa't kanan na ang pagtakbo ng mga taong nagpapanic ay tila naglalakad lamang sa parke ang dalaga. Hawak niya sa kanang kamay ang isang libro habang walang emosyong tinitingnan ang mga tao sa kaniyang paligid.
Natigil sa paglalakad si Cassidy nang umalingawngaw ang putok ng baril mula sa kung saan. Napatigil din sa pagtakbo ang mga natatarantang tao at gulantang lamang sila na nakatingin sa grupo ng mga kalalakihang nakasuot pa ng Melpomene masks. Lahat sila, maliban sa lalaking nakaputi sa gitna na may hawak ng baril. Suot niya ang Thalia mask at kahit na natatakpan ng maskara ay ramdam pa rin ni Cassidy ang kilabot mula sa mga mata nito na sandaling tumuon sa kaniya.
Natahimik ang lahat at nakatingin lamang sa mga lalaki sa kanilang harapan. Rinig ang paghakbang ng isa sa mga ito ng lumapit ito sa lalaking nakaputi para iabot ang isang megaphone.
*IIIINNNNNNGGGGGGGGGG*
Napatakip sa tenga ang karamihan dahil sa tunog ng static mula sa megaphone. Sumunod ay napalitan ito ng nakakakilabot na hagikhik mula sa taong may hawak nito.
"Mga mamamayan ng Hanses! Kamusta kayo?" bumalot ang katahimikan sa paligid matapos marinig ng lahat ang malamig ngunit nang- aalipustang tinig ng lalaki.
"Ha... haha... HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA!" nakatingin lamang si Cassidy sa lalaking kulang na lamang ay humawak sa kaniyang tiyan sa kakatawa. Tila nasisiraan pa ito ng ulo na umupo habang tumatawa.
"Masyado naman kayong mga tensyonado." humahagikhik pa na dugtong nito.
"Ako si Vainglory. Isa sa 7 Concilium ni Peccatum. At oo, kami ang namuno sa pagsasagawa ng coup d' etat sa palasyo. It was fun, I guess especially when we heard the voices of the king and queen begGing for us to spare their lives." mula sa likod ay may inilabas na malaking screen ang mga lalaki. Bumukas ito at rinig ang singhapan ng mga tao sa paligid. Nakaluhod sa litrato ang hari at reyna ng Hanses. Nakatali ang kanilang katawan sa dalawang bakal para hindi sila tuluyang mahulog sa sahig. Sa likod nila ay ang trono ng hari at dito, nakaupo ang isang taong nakasuot ng pinaghalong theater masks, Melpomene sa kanan, Thalia sa kaliwa. Suot niya din ang korona ng hari.
Subalit, ang pinakaumagaw sa pansin ng lahat ay ang sitwasyon ng hari at reyna. Parehong wakwak ang kanilang mga leeg. Kitang kita ang ibang parte ng kanilang buto dahil nakaangat pa din ang ulo ng mga ito mula sa pagkakahawak ng tao sa kanilang likod sa kanilang mga buhok. Umaagos ang masaganang dugo sa magagarbong damit ng dalawa. Dilat din ang mga mata ng dalawa na tila takot na takot sila sa kanilang nasaksihan bago sila bawian ng buhay.
May pinindot ang isa sa mga lalaking may suot ng Melpomene at tumambad naman sa lahat ang litrato ng mga tauhan sa palasyo. Tumpok-tumpok ang mga ito at tila mga pinagpatong- patong na basura lamang. May apoy na din sa ilalim nito na nangangahulugang susunugin ang mga bangkay. Rinig ang palahaw ng iyak sa paligid.
"Walangya kayo!" sigaw ng isang lalaki. "Walang kasalanan sa inyo ang anak ko! Matapat siyang naglilingkod sa palasyo!" nagwawalang sambit pa nito. Patakbo itong tumakbo patungo sa lalaki subalit napasigaw ang lahat nang makarinig ng sunod- sunod na putok ng baril. Patay nang bumagsak ang lalaki sa lupa at bahagyang pag-iyak na lamang ng mga tao sa paligid ang nangingibabaw.
"Tsk, tsk. Di muna kasi ako patapusin eh." lumapit ang lalaki sa likod ng Thalia mask sa bangkay ng lalaki sa kanilang hirap. Napasinghap ang lahat nang apakan ng lalaki ang ulo ng bangkay. Marahan sa simula hanggang sa naging sunod- sunod, at palakas nang palakas. Napapasigaw na din ang mga tao sa paligid. Rinig ang impact mula sa sapatos ng lalaki at sa ulo ng kawawang bangkay. Maya-maya pa ay nakarinig na din sila ng pagkadurog ng buto hanggang sa tumilamsik na nga ang utak ng lalaki sa kalsada. Tumigil ang lalaki sa pag-apak sa ulo ng bangkay nang maramdaman niyang tila dumidiretso na ang kaniyang paa sa aspalto ng kalsada. Ang mga puting laman na nakakalat sa kalsada ay nilapitan ng lalaking nakaputi. Umupo siya sa isang malaking tumpok ng utak atsaka isinawsaw ang daliri niya dito. Inilapit niya ang daliring may bahid ng utak sa kaniyang bibig at tinikman ito.
" Pweh! Walang lasa! Bobo ka siguro nung buhay ka pa? HAHAHAHAHAHAHAHAHHA" sabi nito bago tumatawang bumalik sa kinatatayuan niya kanina.
"Ang ayoko sa lahat ay yung di ako pinapatapos!" matigas na sambit ng lalaki. Basag- basag na ang muka nito at nagkalat na din sa paligid ang sumabog na utak. Nabahiran na din ng pulang dugo ang suot na puting pantalon ni Vainglory. May mga nagsuka dahil sa nasaksihang karahasan ng lalaki pero marami din ang nakaramdam ng galit sa kanilang kalooban. Ang natatangi lamang na walang reaksyon sa paligid ay si Cassidy na mataman lamang na nakatingin sa lalaking may nakakalokong mga mata.
"So, where was I?" bumalik ang pagiging pilyo sa boses ng lalaki.
"Ay oo nga pala. The Kingdom of the Meccecios is now in our hands. Hanses is being ruled by our king, Lord Peccatum, and his 7 Concilium, Envy, Rage, Acedia, Pleonexia, Voracity, Lechery and yours truly, Vainglory. We will now take over the country of Hanses into success and glory!" tahimik lamang ang lahat na nakikinig sa lalaki.
"Our dynasty will start first thing in the morning tomorrow. Weapons will be sent to your home. Wag kayong mag- alala dahil hindi naman kayo mahihirapan sa aming pamumuno." sambit pa nito na tila naglalaro lang.
" Weapons..." napatigil ang lalaki at napalingon naman ang lahat sa babaeng nagmamay- ari ng malamig na boses.
"Yes, darling?" nakakalokong sambit ng lalaki.
"You mentioned that we'll receive weapons. What for?" sambit ni Cassidy habang direktang nakatingin sa mata ng lalaki.
"That's the most exciting part." humahagikhik pa na sabi nito bago tila baliw na itinaas ang dalawang kamay na tila may inaabot sa langit.
"A COUNTRY WHERE NOTHING IS ILLEGAL! NO RULES! NO LAW! NO NOTHING! KILL THOSE WHO HARMED YOU! FUCK THOSE WHO YOU WANT! STEAL! USE DRUGS! FIGHT!" nanghihilakbot ang lahat habang pinapanood ang lalaking tila baliw na sumisigaw sa langit.
" WELCOME! TO THE FREED COUNTRY!"
BINABASA MO ANG
Freed
Mystery / ThrillerWhen rules are detached from the society, what will keep the country in peace?