Chapter 4: Intruder

8 0 0
                                    

Lovely's POV

Napaatras ako nang masilayan ang ngiti na nakapinta sa mga labi ni Cassy. For years... I've waited for years to see her smile. Matagal na kaming naninirahan magkasama pero eto ang kauna-unahang beses na nakita ko ang tunay na ngiti niya. Subalit, napawi ang pagkatuwa ko sa kaniyang ngiti at napalitan ito ng takot... ng kilabot.

Umaabot ang ngiti niya sa kaniyang mga mata subalit hindi ko magawang maging masaya. How could she smile in a situation like this? There's chaos outside and God knows kung kailan kami malalagay sa alanganin. Napayuko ako dahil sa naisip ko.

Alam kong matagal na siyang nabuburyong sa buhay niya pero di ko akalaing aabot sa ganito ang pagkabagot niya. Naikuyom ko ang aking mga kamao bago malalaki ang hakbang na tinungo ang kaniyang kinaroroonan.

Isang malakas na tunog ng sampal ang humalo sa ingay ng paligid. Pero ng mga sandaling ito, tila nabibingi ako. Sobrang dami at sobrang bilis ng mga pangyayari.

"Paano ka nakakangiti sa ganitong sitwasyon?" mahinang banggit ko, sapat lamang para marinig naming apat. Nanatiling nakabaling ang mukha ni Cassy sa kanan. Hindi ko makita ang reaksyon niya sa naging asta ko pero nanginginig ako. Alam kong hindi tama na ibuntong ko sa kaniya lahat ng nararamdaman ko ngayon but I can't help it. I might explode anytime kung di ko mailalabas ang lahat ng nararamdaman ko.

"Ganyan ka na ba kasama na pati kaguluhan ay kinakatuwa mo? Nakakaawa ka." muling sabi ko. Tuluyan na ding naglandas sa aking pisngi ang mga luhang kanina lamang ay nagbabadya saking mga mata.

Dudugtungan ko pa sana ang mga sinabi ko ng makarinig ako ng mahinang hagikhik. Na unti-unting lumakas, hanggang sa isang nakakakilabot na halakhak.

"Kaguluhan? Saan? Sa bayang kahit minsan ay hindi tayo binigyang importansya? Tayong mga nasa laylayan ng sistema, sa tingin mo, dapat ba nating iyakan ang kaguluhan sa bayang nagluklok satin sa kasalukuyan nating kalagayan?" napaatras ako nang tumayo siya at inilapit ang kaniyang mukha sakin. I saw from my peripheral vision how Mikee held her wrist, as if stopping her to do something bad at me. Ramdam ko din ang pagkapit ni Roman sa braso ko. Pero walang natinag saming dalawa.

"Don't be a hypocrite, Lovely. I know you want this too. Alam kong kating kati ka na din na tuluyang masira ang bansang ito. Ilang beses mo na bang minura ang bayang ito? Ang mga putanginang mamamayan nito na walang ginawa kundi hamakin tayo?" hindi ako nakakilos agad nang bahagya niyang hawakan ang pisngi ko.

"I'm not like you." matigas na banggit ko habang mariin na nakatingin sa kaniyang nang-aalipustang mga mata.

"Oh?" malamig na banggit niya bago umatras. "You saying that makes you more like me. Especially with that wicked eyes of yours that's craving for revenge. So pretty." nginisian niya ko bago tumalikod at umakyat sa hagdan.

"I'll prepare the weapons. You can go whine in there and die while I fight and live. But if you want to join me, feel free to do so." sabi niya pa bago tuluyang umakyat at pumasok sa kwarto niya. 

Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko ay bumigay na ang naginginig kong tuhod. Agad naman akong inalalayan ni Roman.

"I'm sorry about that." napatingin ako kay Mikee ngunit ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. Nakatingala sya sa nakasaradong pintuan ng kwarto ni Cassy.

"It's not like she's not worried about you, or the situation. She's just trying to enjoy the hype." lalong kumunot ang noo ko sa sinambit niya.

"Enjoy the hype? People are dying, Mikee! Nahawa ka na ba sa kabaliwan iya?" di ko napigilan at tuluyan na kong napasigaw.

"People are indeed dying, Lovely. But in her case, she considers herself dead years ago. That's why she doesn't care" malamig na bigkas niya habang nakadako sakin ang kaniyang malalamig na tingin.

"Higit sa lahat, ikaw ang huling taong inisip kong huhusgahan siya. After everything she'd been through." sabi niya pa bago tumalikod na rin at pumasok sa kwarto ni Cassy. 





Cassidy's POV

I was busy preparing the guns when I heard the door of my room opened.

"You don't have to do that, you know?" sambit ko kahit hindi binabalingan ng tingin ang taong pumasok.

"You've been listening huh. Well, mahirap na mawalan ng kakampi." naramdaman ko ang paglapit niya sa likod ko. Ni hindi ako natinag nang yakapin niya ko mula sa likod at hawakan niya ang dibdib ko.

"Sabi na nga ba." sambit ko and I heard him giggle.

"Damn, you acting so fearless really turns me on." napapikit ako nang sinimulan niya nang halikan ang leeg ko habang pinipisil pa din ang dibdib ko. 

Iniharap niya ang muka ko sa kaniya at sinalubong ako ng isang maalab na halik. Ramdam ko ang paglalakbay ng kaniyang mga kamay sa aking katawan ngunit natigil ang kung ano mang binabalak niya nang makarinig kami ng isang malakas na galabog na nagmumula sa baba.

Nagkatinginan kami sandali bago siya nagmamadaling lumabas ng kwarto para bumaba. Ako naman ay nagtungo sa aking bintana dala ang katana. Tumalon ako pababa sa damuhan. Bahagya pang nanghina ang aking tuhod dahil sa impact pero agad akong tumayo atsaka tahimik na nagtungo sa aming front door. Patuloy pa rin ang kaguluhan sa paligid but I don't have time to appreciate everything yet. Something's wrong.

Pagdating sa may front porch, napansin ko agad ang red mustang na nakaparada sa aming harapan. Pamilyar sakin ang kotse na yun. That belongs to the self -proclaimed queen bee of our university.

"Ume Kirisawa." sambit ko sa pangalan niya habnag matalim na nakatitig sa kaniyang pigurang nakatalikod. Unti-unti siyang humarap sakin suot ang isang nang-aalipustang ngiti.

"No wonder kulang ang mga basura." nang-aasar na sambit niya bago bitawan ang nanghihinang si Lovely. Sa gilid niya ay ang nobyo niyang si Makio na nakaluhod sa likod ng nakadapang si Roman. Sa may hagdan ay nandoon naman si  Mikee habang nakatutok ang hawak na sniper sa mga taong nasa aming harapan.

Dalawa lang sila pero mahirap silang kalaban. Sa kabila kasi ng maaamo nilang mga mukha ay ang husay nila pagdating sa taekwondo at aikido. Hindi na kataka-taka ang bugbog na muka ni Roman at ang dugong umaagos mula sa bibig ni Lovely.

"I figure its about time you arrive. Anong dahilan at parang medyo nalate ata kayong dalawa?" malamig na sambit ko habang kinakaladkad ang katanang hawak ko. Bahagya pang gumagawa ng nakakangilong ingay ang pagdampi ng katana sa sahig pero wala akong pake.

"Oh well. Nag-enjoy pa kasi kaming pahirapan sila Daki. Alam mo na, mas malaki ang atraso nila samin." sabi niya bago dilaan ang dagger na may bahid pa ng dugo.

"She fucked your willing boyfriend. Bakit di mo rin patayin si Makio since pareho naman silang nagkasala?"sambit ko bago huminto nang nasa mismong harapan ko na siya.

Tila naman natulos siya sa kinatatayuan niya dahil sa sinabi ko. I know her weakness. And that is the man that's just looking at us. Subalit kung marumi ang pagkatao ni Ume, tinitiyak kong mas nakakarimarim ang katauhan ni Makio.

"Bakit hindi mo aminin, Ume? How you are so fucking in love with your older brother, Makio?" bulong ko sa mismong tenga ng babaeng nasa harap ko.

"I was just planning how to end you. I'm so glad you decided to show up in my own turf, cousin."

FreedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon