CASSIDY'S POV
Matagal lang kaming nanatiling nakatitig sa isa't isa. Kababakasan ng matinding galit ang kaniyang mga mata. At alam ko ang dahilan. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong meron siyang pinaghuhugutan.
"You're not my cousin." May diin na bigkas niya bago itutok sakin ang hawak niyang pistol. Naalarma naman si Mikee ngunit bago pa man siya makaalma ay nasa harapan niya na si Makio at agad siyang tinutukan din ng baril.
"Am I not?" nang-aasar na bigkas ko na lalong nagpasingkit ng kaniyang nanlilisik na mga mata.
"How would you become my cousin? Ipinatapon ka ni Lola Igme sa ampunan nang mamatay ang mga magulang mo. Matagal ka nang itinakwil ng pamilya Kirisawa. Hindi nga ba at matagal mo na ring hindi nagagamit ang apelyido namin? Wag kang ambisyosa." sa sinambit niya ay hindi ko mapigilang mapahagikhik.
"Sabagay, tama ka naman. Matagal na kong hindi parte ng pamilya Kirisawa." lumawak ang ngisi niya dahil sa sinambit ko.
Subalit, unti-unting nawala ang ngising nakapaskil sa kaniyang mukha nang lumapit ako sa nanginginig niyang kamay na may hawak na baril. Tumigil lamang ako sa paglapit nang dumikit ang nguso ng baril na hawak niya sa aking kanang dibdib.
"Pero sa tingin mo, bakit sakin pa rin ipinamana ni Lola Igme ang buong kayamanan niya?" tuluyan nang lumawak ang ngiti ko nang umapoy ang kaniyang mata dahil sa galit.
Tila iyon ang pumatid sa nauupos niyang pasensya. Sumigaw siya ng malakas bago hampasin ng dulo ng baril ang aking ulo. Sinadya ko itong hindi iwasan. Ramdam ko ang pagsigid ng kirot ng aking ulo at ang pag-agos ng dugo pababa sa aking mukha.
Nakayuko lang ako sa gilid habang nakahawak sa pader. Rinig ko ang tuluyang pagsugod ni Mikee kay Makio at ang pagkabasag ng mga gamit sa bahay.
"Puro ka dada, hanggang diyan ka lang pala. HAHAHAHHAHAHAHAHAHA" nang-aasar na sambit ni Ume.
Ramdam ko ang unti-unti niyang paglapit sa akin subalit nablangko na ang utak ko. Nakatitig na lamang ako sa kamay ko na nababalutan ng aking sariling dugo.
UME'S POV
Ikinasa ko ang hawak kong baril bago ito itinutok sa nakatalikod na pigura ni Cassidy. Ito ang kaniyang kabayaran sa lahat ng paghihirap na dinanas ng pamilya ko.
Mula nang ipinamana sa kaniya ni Lola Igme ang lahat ng kaniyang kayamanan ay walang natira sa aming pamilya ni katiting. Ang tanging nagtataguyod na lamang sa aming pang- araw- araw ay ang sinisweldo ng aking ama sa kompanyang pag-aari niya na palihim nilang itinaguyod ng aking ina sa kabila ng pagtutol mula sa aming mga kamag-anak. Kung hindi dahil sa kaniya, siguro hindi nahirapan ng sobra ang pamilya ko.
Kakalabitin ko na sana ang gatilyo ng hawak kong baril nang makarinig ako ng mahinang pagtawa. Hanggang sa palakas ito nang palakas. Nakatulala lang ako ngayon kay Cassidy na nakahawak pa sa kaniyang tuhod na tila may sobrang nakakatawang joke siyang narinig.

BINABASA MO ANG
Freed
Mystery / ThrillerWhen rules are detached from the society, what will keep the country in peace?