"Ngunit hindi ako papayag na ikaw ang magiging sakripisyo kapalit ng paglaya ng mga tao ng Ziortzia!"
Kita ang naglalabasang ugat sa leeg ng isang lalaki na may suot ng marangyang kasuotan na gawa sa mamahaling tela habang may hawak itong espada sa kaliwang kamay na gawa sa kahoy at may suot din itong korona sa ulo na gawa din sa kahoy.
Sa kabila ng nagliliyab na init dahil sa galit na araw, sa pag lipad ng alikabok dahil sa pagdaan ng daang daang tao sa kalye, at samo't saring amoy na nagmumula sa mga panindang naka hilera sa gilid ng daan; tulad ng pagkain, korona at espadang gawa sa kahoy, mga damit, alahas at mga matatamis na kendi, marami paring taong nakapalibot sa entablado habang nakatayo at taimtim na nanonood sa pag arte ng mga taong nasa entablado. Walang maririnig na ingay sa mga taong nanonood, lahat nakatitig, lahat seryoso.
"Walang ibang paraan! Ito ang ipinangako ko at ito din ang layunin ko! Ang palayain ang mga nasasakupan ko mula sa maraming taong isinumpa upang matulog ng mahimbing habang buhay!"
Rinig ng lahat ng taong nanonood ang pag alingawngaw ng galit na boses ng lalaking nasa entablado din habang may suot itong baluti (armor) na gawa sa manipis na kahoy at kinulayan ng kulay abo upang mag mukha itong totoo.
Tumaas ang dulo ng labi ng lalaking umaarte bilang Prinsipe bago itinutok ang dulo ng espadang hawak nito sa mukha ng lalaking umaarte bilang General.
"Kung ganun", Tumitig ito ng mariin bago nagpatuloy, "Patayin mo muna ako"
Pagkatapos nitong sabihin iyon ay yumuko silang dalawa sa harap ng madla bago bumaba sa entablado sa likod nito. Agad namang narinig ang pag palakpakan ng mga taong nanonood.
"Galing!"
"wooooohh"
"Angas ng pagkaka-arte"
Lumabas naman mula sa likod ng entablado ang babaeng maputi at makinis ang balat habang may ngiti sa mga labi.
"At yun po ang kwento kung bakit natin ipinagdiriwang ang araw na ito. Dahil ito ang araw na nakalaya tayo mula sa sumpa, at upang ipagdiwang ang pagiging bayani ng ating Prinsipe na naging General sa Mevesian Empire isang daang taon na ang nakalilipas"
Pumalakpak naman ang mga tao at Kita ang pag kislap ng mga mata nila dahil sa kwento tungkol sa taong nagligtas sa buong Ziortzia mula sa sumpa.
"Ano po ba ang nangyari Pagkatapos? Pinatay ba ni General Evans Si Prince Ethan?"
Alinlangang ngumiti ang babae sa tanong bago nagsalita
"May sabi sabi na pinatay nga ni General ang Prinsipe at pagkatapos mailigtas ni General Evans ang Ziortzia ay naglibot ito sa buong mundo. Ngunit walang nakakapagpatunay na napatay nga ang Prinsipe dahil wala namang may nakakita ng bangkay nito. Miski libingan nito ay wala din"
Agad namang umalingawngaw ang reklamo ng mga tao sa narinig.
"Ibig sabihin buhay pa ang sakim na prinsiping iyon?"
"Talaga bang isinumpa ng mga Barbaro ang lupain ng Ziortzia? May ganun ba silang kakayahan?"
"Totoo bang si Prince Ethan ang nagtaksil sa kaharian ng Ziortzia? Paano?"
"Bakit naman humahadlang si Prince Ethan sa pagtanggal ng sumpa sa Ziortzia? Kaibigan nya si General Evans diba?"
"Bakit nya pinipigilan ang nakatadhana Kay General Evans?"
"Kung buhay pa ang gahamang prinsiping iyon baka balikan tayo nun"
"Dapat patayin yan!"
"Oo nga! Patayin ang Prinsipe!"
BINABASA MO ANG
The Prince and The General
General FictionThe story begins in the City of Broston, a capital city of the Ceralia Kingdom. And there lives a famous sneaky-oh-so-handsome prince. Just kidding, hahaha He's not a prince, but a famous and wanted thief, yap! you read it right, a thief. But he of...