Kalat na ang kadiliman sa buong paligid ng makarating si Yael sa kaharian ng Ceralia. Natagalan sya dahil bukod sa nasa malayo ang pinanggalingan nya ay kinakailangan nya pang magtanong tanong ng mga tao tungkol sa daan papunta dito. Sa ngayon, tanaw na tanaw na ang pagkinang ng mga bituin sa langit at ramdam ang malamig na simoy ng hangin dahil sa papalapit na taglamig. Nasa isang kainan si Yael na nasa may daan habang nakaupo sa mesa at tahimik na umiinom ng tsaa. Mula dito sa pwesto nya ay Kitang kita nya ang tarangkahan ng palasyo ng Ceralia at mga kawal na tila mga rebulto dahil hindi ito gumagalaw at nanatiling nakatayo.
Naghintay pa ng ilang saglit si Yael bago tumayo at sinuot telang ginagamit nyang pantakip sa kalahati nyang mukha at sunod na sinuot ang Dark Cloak.
------
"Kung ganun. Sabihin mo na! Yun lang ang natatanging paraan mo para makaligtas dito! Buti ka nga may pag pipilian pa samantalang ako wala na"
Naiiling na sambit ng isang lalaking bilanggo habang naka kulong sa katabing kulungan ni Enzo. Kwinento nya kasi dito ang buong pangyayari.
"Ngunit kahit ganun hindi naging malupit sakin ang aking Amo. Kaya't hindi ko parin magagawang mag taksil"
Nakakuyom ang kamao ni Enzo habang sinasabi yun. Hindi na sya nakatali sa upuan kundi nakakulong na lamang. Tatlong Gabi na sya dito simula ng nahuli sya ng nakaraang Gabi. Hindi nya alam kung anong mangyayari sa kanya ngayon dahil ngayon na ang huling palugit sa kanya ni General Danilo. Subalit buo na ang kanyang pasya. Hinding hindi nya pagtataksilan ang kabaitang pinakita ng kanyang Amo.
"Hayyst! Bahala ka nga! Di mo ginagamit isip mo eh. Pero buti na din yun para may kasama akong mamamatay. Mauuna ka nga lang dahil hanggang ngayong gabi ka nalang samantalang ako bukas pa"
Hindi nalang nya ito pinansin. Buong buo na ang pasya ni Enzo, handa syang mamatay kung yun lang ang paraan para maprotektahan ang Amo.
Maya maya lang nakarinig sila ng kalampag sa di kalayuan at ang tunog ng pagbukas ng bakal na pinto papasok sa kulungan.
Napabuntong hininga nalang si Enzo at napayuko.
'Mukhang ito na ang oras ko'
Sambit ni Enzo sa sarili. Ngumiti kahit ganun hindi sya nakaranas miski katiting na pagsisisi. Buong buo ang desisyon nya.
"Tutunganga ka nalang ba dyan?"
Napakunot ang noo ni Enzo ng marinig ang pamilyar na boses. Pag angat nya ng tingin nakita nya ang lalaking may takip na tela mula ilong hanggang sa leeg. Makakapal na kilay at itim na itim na mga mata at Ramdam ni Yael ang napakalakas na aura na linalabas ng lalaking to.
"Enzo, hindi ko hawak ang oras alam mo yun!"
Sambit nito na napakunot ang noo. Agad sumilay ang ngiti sa mga labi ni Enzo.
"A-amo!"
Tatayo na sana sya pero agad din syang natumba dahil sa pamamanhid ng kanyang binti at panghihina ng katawan.
Dahil sa nakita ni Yael, nagngitngit ang kanyang mga ngipin at kinuyom ang kanyang mga kamao. Tama nga ang hinala nya na pinahirapan ang natatangi nyang kaibigan. Dali Dali nyang binuksan ang naka kandado na kulungan saka agarang itinayo si Enzo saka lumabas.
"Yan pala amo mo?"
Rinig ni Yael na sambit ng isang lalaking bilanggo na katabi lang ang kulungan Kay Enzo.
"A-amo pwede bang palayain mo din y-yun"
Nakakunot na napatingin si Yael sa nanghihinang kaibigan. Hindi na sya nag tanong pa at agad na inihagis ang susi sa lalaking yun na agad agad din namang kinuha.
BINABASA MO ANG
The Prince and The General
General FictionThe story begins in the City of Broston, a capital city of the Ceralia Kingdom. And there lives a famous sneaky-oh-so-handsome prince. Just kidding, hahaha He's not a prince, but a famous and wanted thief, yap! you read it right, a thief. But he of...