New Beginning

19 4 2
                                    

Sa pagbaba ni General Evans ay Rinig nya ang tunog ng mga paakyat na mga kawal. Maya maya lang nakaharap na nya si General Danilo na humihingal pa kakatakbo.

"Azil!",

Huminga muna ng malalim si General Danilo bago nagpatuloy,

"Kanina pa Kita hinahanap. Anong nangyari dito, nahuli mo ba yung kaaway? Anong nangya--"

Hindi natuloy ni General Danilo ang sasabihin at halos lumuwa ang mata ng makitang dumudugo ang bewang ng kaibigan. Napatingin sya sa mukha nitong gulat na gulat parin pero wala namang pakialam si General Evans.

"Anong- Pano ka -- Teka, ang sanhi ba ng sugat mo ay yung kalaban na pumasok dito? Ngunit pano?"

Nakakunot ang noo ni General Danilo, litong lito sa mga pangyayari. Sa buong buhay nya, ngayon nya lang nakitang masugatan ang kaibigan. Miski sa digmaan na may sandamakmak na mga kaaway ay hindi ito nasusugatan. Kaya naguguluhan si General Danilo kung pano ito nangyari.

Tumingin sya sa mga kawal saka ito inutusan.

"Kumalat kayo, libotin nyo ang buong palasyo, sigurado akong hindi pa nakakalayo iyon! Halughugin nyo ang lahat ng kasulok sulokan ng palasyo!"

"Masusunod Heneral!"

Yumuko muna ang mga kawal bago tumakbo pababa. Tumingin naman si General Danilo Kay General Evans na malalim ang iniisip. Bumuntong hininga muna sya bago inalalayan ang kaibigan pababa pero tinabig nito ang mga kamay nya.

"Kaya kong bumaba Joseph, hindi pa ako mamatay"

Sambit ni General Evans saka naunang bumaba kaya napailing nalang si General Danilo bago sundan ang kaibigan.

Nagpalinga linga naman si Enzo sa paligid sa ibaba ng palasyo, hinahanap ng mata nya kung nasan ang Amo. Hindi nya naman kasi alam kung saan nagtungo iyon.

Nasa daan na palabas si Enzo ng palasyo ngunit hindi nya parin nakikita ang Amo. Maingat nyang hinanap ang Amo dahil sa maraming kawal na nagbabantay palibot. Dahil sa pangyayari naging doble ang pagbabantay nito.

"Enzo"

Napalingon sya sa bandang pinanggalingan ng boses at dun nakita nya sa likod ng makapal na halaman ang taong may takip ang mukha ngunit Isa lang ang nakakaalam ng pangalang Enzo kung kaya't dali dali nyang nilapitan ang Amo at saka nya lang nakita na may sugat ito sa bandang kaliwang braso kung saan hawak ito ng Amo gamit ang kanang kamay nito, malalim ang sugat dun kaya mabilis na umaagos ang dugo mula doon.

"Napano ka Amo"

Sambit nito at inilalayang tumayo ang Amo. Hingal na hingal ito at pinagpapawisan ang mukha. Hindi alam ni Enzo kung anong nangyari sa Amo, subalit kinakailangan nya itong alagaan.

"Ayun sila!"

Napalingon si Enzo sa likod at nanlaki ang mata ng makita ang pagtakbo ng mga kawal palapit sa kanila.

Dali Dali nyang inalalayan ang Amo at tumakbo. Pero dahil sa sugatan ang Amo kaya may kabagalan ang takbo nila.

Nagpalinga linga si Enzo sa paligid, naghahanap ng maaring makatulong sa kanila. Napangiti naman sya ng makita ang isang karwahe, sakto dahil may kabayo ito sa unahan.

Dali Dali syang lumapit dun at sinakay ang Amo.

"Amo mag ingat ka! Ako ng bahala dito. Pipigilan ko sila para magkaroon ka ng sapat na oras!"

Hinihingal na sambit ni Enzo at tumutulo pa ang mga pawis nito.

"Hindi! Sumama ka sakin Enzo!"

Umiling si Enzo sa sinabi ng Amo. Gustuhin man nya ay hindi maaari dahil mahahabol parin sila at mapapahamak silang dalawa kung kaya't ang mainam na paraan ay may isang maiiwan upang ang Isa ay mabuhay at yun ay walang iba kundi si Enzo.

The Prince and The GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon