Sa isa sa mga mesa na nandito sa Hardin, nakakunot ang noo ni Prince Cyrus Harrison habang nakatingin sa binatang nasa pinaka gilid ng hardin na tumatanaw tanaw sa paligid. Ngayon lang nya nakita ang aristocrat na yun pero parang nakita na nya ito dati, hindi nya lang maalala. Tumingin sya kay Lord Julio Zaar na nakatulala at wala sa mundo ang isipan.
"Psst!"
Tawag ni Prince Cyrus pero hindi ito sumasagot at nanatiling nakatunganga. Napa irap si Prince Cyrus saka kumuha ng isang pirasong ubas sa mesa saka ibinato sa mukha
"Boooomm! Three points! Hahahaha"
Sapol na sapol iyon sa noo kaya nagitla ito at napatingin Kay Prince Cyrus na ngayon ay natatawa. Tiningnan ni Lord Zaar ito gamit ang nanlilisik nyang mga mata pero hindi ito napapansin ni Prince Cyrus dahil halos nakapikit ito kung tumawa at walang nakikitang mata. Kapansin pansin din ang paglabas ng mga dimples nito sa bawat pisngi.
'Mabulunan ka sana'
Hiling nito sa kanyang isipan. Ayaw na ayaw nya talaga sa prinsiping to. Kung hindi lang sa utos ng kanyang Ama ay hindi sana sya dadalo dito at magsasanay na lamang ng pag pana.
"Grabe mukha mo Julio! Ang pangit!! Hahaha"
Halos mawalan ng hininga ang Prinsipe sa kakatawa at nakahawak pa ito sa kanyang tyan. Mas lalong nag usok ang mga ilong ni Lord Julio Zaar pero agad na ngumiti ng makitang Tumigil na sa kakatawa ang Prinsipe at tumingin sa kanya.
"Wag ka pong pasaway kamahalan. Nandito po tayo para sa kaarawan ni Princess Iris Ciceró"
Nakangiting sambit ni Lord Zaar na halos mapunit na ang labi nya kakangiti ng pilit at ang kanang kamay nitong tinutusok tusok gamit ng tinidor ang karneng nasa kanyang plato dahil sa gigil.
"Hindi naman ako nagiging pasaway Julio, sadyang natatawa lang ako sa mukha mo. Hahahaha"
Mas lalong ngumiti si Lord Zaar dito pero nanlilisik ang kanyang mga mata.
"Bakit mo nga po pala ako tinatawag?"
Tumikhim si Prince Cyrus na tila'y pinapakalma ang sarili at ngayon nga ay nakita na ang kanyang dalawang mata na kanina lang ay 'nawawala' saka nito inayos ang damit nya na medyo nagusot dahil sa pagtawa.
"Sino ang lalaking yun? Ngayon ko palang nakita yan eh"
Sabi nito sabay nguso sa bandang pinaka gilid ng hardin.
Napalingon naman si Lord Zaar sa tinuturo ni Prince Cyrus at agad na nanlaki ang kanyang mata ng mamukhaan ang lalaking yun. Hindi nya sukat akalain na makikita nya ulit dito ang binatang nakasagutan nila ni Heneral Danilo sa Alenente doon sa Broston.
"Hindi ko kilala pangalan nya kamahalan. Ngunit nagkita kami nyan dati sa Alenente"
Napatingin naman sa kanya si Prince Cyrus na nakakunot ng noo.
"Saang pamilya yan nagmula"
Si Lord Zaar naman ngayon ang napatingin Kay Prince Cyrus na may nakakunot na noo at mga matang nagtatanong. Ngumiti muna ito bago magsalita,
"Mukhang interesado ka sa pagkatao ng binatang yun kamahalan"
Bago sa pandinig nya ang sinambit ng Prinsipe. Halos wala kasi itong pakialam sa paligid.
"Hindi naman"
Sagot ni Prince Cyrus bago uminom ng alak sa baso,
"Para kasing nakita ko na sya dati eh. Di ko lang maalala"
Tumango nalang si Lord Zaar sa sinambot nito. Nagtataka parin sya sapagkat ngayon palang nagtanong ang Prinsipe para sa isang tao kung kaya't naninibago sya dito.
BINABASA MO ANG
The Prince and The General
General FictionThe story begins in the City of Broston, a capital city of the Ceralia Kingdom. And there lives a famous sneaky-oh-so-handsome prince. Just kidding, hahaha He's not a prince, but a famous and wanted thief, yap! you read it right, a thief. But he of...