Ammolite Crystal

29 4 0
                                    

Tinitigan muna ni Yael ang pinto bago sya kumatok ng tatlong beses dito. Matapos kumatok ay tiningnan nya muli sa Isa pang pagkakataon ang kanyang sarili. Sobrang mapapagalitan sya kapag gusot o madumi ang suot nyang damit. At laking pasasalamat nya na hindi ito nadumihan ng ginamit nya ang kanyang kakahayan sa pag takbo kanina.

Parang Di makapag hintay ang binata kung kaya't itinaas nya ang kamay para kumatok Sana muli pero nakita nyang nagbukas ng lampara ang nasa loob kaya umayos sya ng tindig at sa huling pagkakataon ay inayus muli ang sarili. Ayaw na ayaw nyang pinapalo sya ng walis-tingting sa pwet!.

Maya maya lang bumukas ang pinto at agad na nakita ng binata ang babaeng may puti at mahabang buhok hanggang bewang, kulubot na ang balat nito sa mukha at katawan at ang mga mata nitong may kunting kulay ng itim sa palibut nito habang may dala dala itong lampara sa kanang kamay at tungkod naman sa kaliwa.

Napangiti ang binata sa nakita, hindi nya maitatanggi ang pangungulila nya sa babaeng para na nyang naging totoong lola.

"LA!"

Nakakabinging sigaw ng binata habang nanlalaki ang mata nito habang nakangiti dahil sa pangungulila kung kaya't nakatanggap sya ng palo sa balikat mula sa tungkod ng lola nito.

"WAG MOKO SIGAWAN!"

Umalingawngaw sa kagubatan ang sigaw nito malapit sa mukha ng binata kaya napa atras sya saglit pero napangiti na din kalaunan saka yinakap ang matanda. Hindi lang basta basta yakap dahil halos daganan nya ito ng bigat nya kaya ganun nalang ang pagkapit ng matanda sa tungkod dahil siguradong matutumba sya.

"PAPATAYIN MO BA AKONG BATA KA!"

Sigaw nito kaya natatawang humiwalay ng yakap si Yael kung kaya't nakita nya ang nanlilisik na mga mata ng matandang ito na mas lalong ikinatawa ng binata.

"Hindi madaling mamatay ang masamang damo lola hahaha"

Napailing nalang ang matanda habang napapangiti. Naisip nyang tila hindi manlang nagbago ang binatang to at hanggang ngayon ay masayahin parin. Isa lang ang hiniling ng matanda sa kanyang isipan. Yun ay ang sana walang makabura sa mga pilyong ngiti ng binata.

Lumayo ng kunti ang matanda at tinitigan ng mabuti ang kasuotan ng binata. Inilapit nya pa ang lampara upang masigurong matitigan ng mabuti ang suot ng binata kaya napatindig ng maayos ang binata. Daig pa ng guwardya ng Alenente ang kanyang Lola sa pag i-inspeksyon nito sa kanya. Kaya Di maiwasang kabahan ng binata. Tatlong beses nyang sinuri ang kasuotan nya kanina kaya sana naman ay walang nakalusot na munting dumi sa kanyang paningin kanina.

Nang makita ng matanda na maayos ang binata saka nalamang ito tumalikod at nagsimula na itong maglakad papasok kaya napabuntong hininga ang binata na tila ba'y natanggal ang tinik sa lalamunan nya kanina saka sumunod sa matanda.

Uugod-ugod na ito kung maglakad at ginagamit nito ang tungkod bilang gabay, talaga nga namang matanda na ito.

Sya si Madame Ali Yazar. Isang babaeng Barbaro na tiyahin ni Madame Leona Asure at Isa rin itong dating priestess sa tribo. Maliban Kay madame Leona ay Isa rin ito sa mga nag aruga sa kanya. Ngunit umalis na ito sa Ziortzia at nagsimulang manirahan sa liblib na lugar dito isang daang taon na ang nakalilipas. Ang rason ay hindi alam ng binata. Minsan na nya itong kinukulit ngunit wala talaga syang nakukuhang matinong sagot maliban sa pagpalo nito sa kanyang pwet.

Nag tungo ang matanda sa upuan sa mesa saka dahan dahang umupo doon na inalalayan naman ng binata. Alam nyang malakas ang kanyang Lola dahil isang Barbaro ito. Kahit na isang libo't dalawang daan at tatlompot walo na ang edad nito ay di nito maitatago ang lakas nito bilang Barbaro. Ngunit nais parin itong alalayan ng binata kahit alam nyang kaya na nito ang sarili.

The Prince and The GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon