Chapter One - "Lumang Libro"

27 3 0
                                    

Isabella's POV

"Ma! Nakita niyo po ba 'yong dress na binili natin noong isang araw?" tawag ko sa nanay ko habang naghahanap sa cabinet ko.

"Nasa sampayan nak. Nilabhan ko kasi iyon, kunin mo na!" dinig kung sabi niya mula sa baba. Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba. Pagkababa ko, nakita ko si mama sa sala, inaayos ang unan sa sofa namin. Pumunta na ako sa likod ng bahay para kunin na iyong damit ko. At sa wakas nakita ko na! Kinuha ko na ito at umakyat na sa taas para magbihis.

Pagkatapos kong magbihis at mag ayos, nagpasya na akong magpaalam sa mama ko. Kinuha ko muna ang dadalhin ko. Bumaba na ako ng hagdan at pinuntahan si mama na nagwawalis na sa bakuran namin.

"Ma, aalis na po ako." wika ko nang makalapit ako sa kanya. Tumigil muna siya sa pagwawalis at tiningnan ako.

"Sige, anak. Mag iingat ka at huwag masyadong magpapagabi at delikado sa daan." aniya niya na may pag aalala. Kahit kailan talaga lagi nalang nag aalala saakin si mama na para bang may mangyayaring hindi maganda sakin.

"Opo, ma." wika ko at ngumiti sa kaniya. Nagmano muna ako sa kanya bago umalis ng tuluyan.

Pupunta ako ngayon sa bahay ng kaibigan ko. Kaarawan ngayon ng bunso niyang kapatid kaya pupunta ako. Ayaw sumama ni mama dahil may gagawin pa raw siya.

Nang makalabas ako ng bahay, nagpara ako ng tricycle.

"Kuya, sa bayan lang po" wika ko sa driver. Tumango nalang ang driver saakin.

Sumakay na ako at pinaandar na ni manong driver ang tricycle. Habang nakasakay, nakita ko ang mga matatanda na nasa labas ng kanilang bahay. Ang iba ay nagwawalis sa labas at ang iba naman ay nakikipagkwentuhan sa kapitbahay nila. May mga nakita rin akong mga bata na naglalaro sa labas. May mga nagpapatintero at taya-tayaan. Hapon narin kaya nasa labas sila.

"Ma'am, andito na po tayo." biglang sabi ni manong. Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa bayan dahil sa pagkatulala ko. Bumaba na ako at nagbayad kay manong at nagpasalamat na rin.

Naglakad na ako papunta sa sakayan ng dyip. Habang naglalakad ako, may nakita akong matandang lalaki na ang daming bitbit.Punit punit na rin ang damit na suot nito, nakaramdam ako ng awa .Habang naglalakad siya, na bangga siya ng isang lalaki.

"Ano ba! Ba't di ka tumitingin sa dinadaan mo!?" sigaw ng lalaki sa matanda.

"Pasensya na iho." wika ng matanda at bahagya pang tumungo sa lalaki.

"Sa susunod kasi tumingin ka para hindi ka nakakabangga!" sigaw pa ng lalaki at sinipa pa ang gamit na nabitawan ng matanda. Hindi ko na kaya ang ginawa ng lalaki kaya lumapit na ako.

"Hoy, kuya! Maawa ka naman sa matanda. Ikaw ang nakabangga sa kanya tapos ikaw pa ang may ganang magalit! " pasigaw kong sabi sa sa lalaki at binaba ko muna ang dala ko.

"Huwag ka ngang mangielam dito!" aniya at tinuro pa ako. Aba. Nakakainis ah!

"Kawawa naman yung matanda, babe oh"

"Ano ba yang lalaki yang, walang galang sa matanda!"

"Mama, tingnan niyo po yon oh. Bad po yung guy, aaway po niya si lolo"

May narinig akong bulong bulungan kaya napalingon ako sa paligid. May nanonood pala sa nangyayari, ang iba naman ay walang pakielam kaya nagpatuloy sa paglalakad. Ganon din ang ginawa ng lalaki, nahiya ata kaya nagpasiyang umalis pero bago umalis sinipa pa niya ang nalaglag na gamit ng matanda. Tiningnan pa niya ng masama ang matanda bago bumaling sakin at tiningnan din ako ng masama. Tinaasan ko siya ng kilay at inikotan ng mata.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon