Isabella's POV
"Kamusta na siya?"
"Maayos na siya, kailangan nalang po niya ng pahinga. Maaaring mamaya o bukas ay magising na rin siya"
May naririnig akong mga nagsasalita pero hindi ko mabuksan ang mga mata ko. Para bang ang biga't bigat nito at hirap na hirap akong imulat.
"Sige po, salamat po Doktor Jaime. "
Dinig kong sabi ng kung sino at narinig ko rin ang pagsara ng pintuan. Kahit na nakapikit ako naramdaman kong may lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Estella, sana ay gumising kana...Lubos na akong nagaalala sa iyo." Estella? Who's Estella? Ako ba ang kinakausap nito? Hindi naman Estella ang pangalan ko. Ako si Isabella. Kahit na nahihirapan ako, pinilit ko parin buksan ang mga mata ko. Dahan dahan kung binuksan ang mga mata ko ngunit agad ko rin itong pinikit dahil sa nakakasilaw na liwanag. Sinubukan ko muling idilat ang mga mata ko at mabuti na lang ay hindi na ako ulit nasilaw.
"Estella...Estella! Mabuti at gising kana. Alam mo bang lubos akong nag alala dahil sa nangyari saiyo?!" dahan dahan akong napalingon sa tumatawag saking Estella. Sumalubong saakin ang matang nag aalala. Nakita ko ang isang magandang babae. Mukang ka edad lang ni mama. Sino ito? Bakit Estella ang tawag niya saakin? Hindi naman ako si Estella e.
"Armenia, tawagin mo ang doktor habang hindi pa ito nakalalayo. Pakisabing gising na si Estella." rinig kong sabi niya doon sa babaeng nasa likod niya na hindi ko napansin.
"Opo, inay, " wika ng isang babae at nagmamadaling lumabas.
"Estella, ayos ka lang ba? Kamusta ang pakiramdam mo?" Estella na naman? eh hindi nga ako si Estella. Sinubukan kung magsalita pero hindi ko kaya. Nanghihina pa ako. Mukhang napansin niya iyon. Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok iyong Kristina at may kasamang lalaki na may katandaan na.
"Nay, andito na po siya." wika ni Kristina. Tiningnan lang siya nung babae na tinawag niyang nanay at ngumiti. Lumapit na saakin yung tinawag nilang Doktor Jaime. Sinuri niya ang kalagayan ko at nagtanong.
"Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba saiyo?" tanong niya sakin pagkatapos bitawan ang pulso ko. Tuyo't ang aking lalamunan pero sinubukan ko parin magsalita.
"T-tubig.." unang lumabas sa bibig ko.
"Tubig? Sandali kukuha lamang ako ng tubig." wika nung nanay. Inalalayan niya akong tumayo ng kaunti upang mainom ako ng tubig. Pagkatapos niya akong painomin, sinubukan kong magsalita ulit.
"S-sino kayo?" tanong ko habang isa isa silang tinitingnan. Nagtatakang tiningnan nila ako.
"Hindi mo ba kami kilala? Hindi mo ba kami naalala?" Tanong ng babaeng kaedad ni mama.
"N-nasaan ako?" Imbes na sagutin siya, ito ang lumabas sa bibig ko. Nilibot ko ang mata ko sa hindi pamilyar na silid.
"Nandito ka sa bahay natin, anak." Wika niya pang muli at lumapit pa sa tabi ko. Tingnan ko lang siya.
"Hindi mo ba kami naalala?" Tanong niya pa at umiling ako sa kanya, paano ko sila maalala kung hindi ko sila kilala? Biglang lumungkot ang mukha niya at bumaling siya sa matandang sumuri sa'kin.
"Dok, anong nangyayari sa anak ko? Bakit hindi niya o tayo makilala?" Tanong niya na may pag aalala at pagkabahala sa mukha. Napabaling ako dito.
"Maaaring bunga ito ng aksidenteng nangyari sa kaniya. Maaaring dahil sa pagkakabagok ng ulo kaya nawala ang mga alaala niya." Aniya ng matanda. Alaala? Eh Hindi ko nga talaga sila kilala. Hindi ko kilala kung sino sila at kung nasaan ako. Napatigil ang pagsasalita ko sa isip ng mag salita ang kaedad ni mama.
BINABASA MO ANG
Hiling
WerewolfSiya si Isabella Ferrer, dalawampu't taong gulang. Isang dalagang mabait sa mabait at palaban. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang tuluyang magpapabago sa tahimik niyang mundo. LANGUAGE: Filipino START: 07 | 11 | 2023 END: