Chapter Two - "Hiling"

26 3 0
                                    

Isabella's POV

Alas syete na ng gabi nang magpasiya na akong umuwi. Tapos na rin ang kainan pero may mga tao parin dito, may mga nagiinom at nagk-kwentuhan. Nasa harapan ko si Trisha, kakatapos lang naming magkwentuhan.

"Trisha, uuwi na ako. Gabi na rin kasi eh baka nag aalala na saakin si mama" sabi ko sa kanya.

"Ganun ba, bes? Sige, halika puntahan natin si mama para makapag paalam ka." Nakita namin si tita na nakikipagusap sa mga kaibigan niya kaya pumunta na kami don at sinabi kong uuwi na ako.

"Ganun ba, hija? Sige. Sandali lang ah may kukunin lang ako sa loob" aniya at pumasok na sa loob ng bahay nila. Pagkalabas niya, nakita kong may dala siyang paper bag.

"Dalhin mo na ito, Hija oh." sabay abot sakin ng paper bag na naglalaman ng pagkain.

"Salamat po, tita. Hindi na dapat kayo nag abala pa." aniya ko sabay kuha ng paper bag. Ayoko naman tumanggi, sayang rin ang pagkain haha.

"Walang anuman 'yun. Trisha, hatid mo na sa sakayan ang kaibigan mo." sabay baling kay trisha na nasa tabi ko.

"Opo, nay. Halika na, bes."

"Mag iingat ka, hija."

"Opo, tita."

Lumakad na kami palabas at pumuntang sakayan.

"Bes, mag ingat ka sa paguwi ah. Kapag may naramdaman mong may sumusunod saiyo, tumakbo kana" wika ni Trisha at talagang nanakot pa ah.

"Baka sila pa ang tumakbo palayo sakin, bes!" wika ko sa kanya at bahagyang natawa pa.

Kung may mangyaring gayon, marunong naman ako lumaban. Tinuruan ako ni mama. Hindi ko nga alam kung bakit at para saan. Kapag tinatanong ko naman siya, laging sabi niya ay para maprotektahan ko raw ang sarili ko. Napabaling nalang ako kay Trisha ng magsalita ito.

"Ikaw talaga! Oh siya sige na, magiingat ka at paki-kumusta mo nalang ako sa mama mo, kay Tita Marta" sabi pa niya at yumakap sakin. Niyakap ko rin siya pabalik.

"Sige, bes. Bye na" paalam ko at sumakay na ako sa dyip.





Nasa tricycle na ako pauwi ng bahay nang biglang tumigil ang tricycle.

"Manong, ano pong nangyari?" tanong ko sa driver.

"Nako, hija. Ayaw umandar ng tricycle. Mukhang may sira." sagot niya.

"Ganun po ba? Sige po dito nalang po ako. Lalakarin ko nalang po." aniya ko

"Sige, hija. Pasensya na ah" paghingi ng despensa ni manong.

"Okay lang po, ito po bayad ko" sabay bigay ng bayad at umalis na rin.

Madilim ang paligid pero may mga ilaw ng poste naman kaya makikita pa ang daan. Medyo malayo pa ako sa bahay pero kaya naman lakarin. Wala rin ang mga bata na naglalaro at ang mga matatanda na nagkwekwentuhan. Marahil ay pumasok na sila kanilang mga tahanan. Sanay na rin ako sa ganto kaya hindi na ako natatakot.

Napahawak ako sa sarili ng biglang lumakas ang hangin. Ang lamig! Nakalimutan ko pa naman magdala ng jacket.

Habang naglalakad ako, may nakita akong dalawang matandang lalaki, isang mataba at payat. Mukang lasing sila kasi pasuray suray pa kung maglakad. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi na sila pinagtuunan ng pansin. Pero napatigil nalang ako ng magsalita ang isa sa kanila.

"Miss, gabi na ah. Bat nasa labas ka pa" wika nang matabang matanda at hinarangan ang daan ko. Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon at hindi na nagsalita pa. Nakakabastos kung tumingin ito sa'kin, tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa at kinagat pa ang labi. Kadiri. May balak pa ata ang dalawang ito ng masama sakin ah. Tsk.

"Oo nga, Miss. San ba bahay mo? Tara hatid ka na naman HAHHAHA" sabi nung payat na parang walis tingting habang tumatawa. Akmang hahawakan pa ang braso ko kaya napalingon ako dito at iniwas ko ang braso sa kaniya at hindi nagsalita. Naglakad ulit ako pero hinarangan pa rin ako noong matandang mataba. Tiningnan ko siya ng masama na kinagulat naman niya.

"Aba, bat ganyan ka tumingin ah?!" pasigaw na wika niya at hahawakan sana niya ako sa braso pero tinabig ko ulit ito.

"H-huwag niyo akong hahawakan!" nauutal na sigaw ko sa kanila at matapang na tiningnan sila sa kanilang mga mata.Ba't ba ako nautal?! Kahit na kaya ko naman silang labanan, hindi ko parin maiwasan kabahan. Iniisip ko lamang ang posibleng mangyari ay naiirita na ako. Baka nag aalala na si mama sakin.

"Bat ka naman na uutal, miss? Wala naman kaming gagawing masama sa iyo basta sumama ka lang saamin at susunod sa mga sasabihin namin HAHAHA." wika ng mataba at tumawa pa. Parang tanga. Nakakasura. Pwe. Naghahanda na sana akong tumakbo nang may naramdaman akong tao sa likuran ko at huli na nang makaiwas ako. Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala ang kasama ng matabang ito!

"Kung ako sayo, miss. Sumama ka nalang saamin para hindi ka masaktan" panakot ng kasama ng mataba at naramdaman ko nalang na may tumutusok sa taglirian ko. Kutsilyo. Shit.

Bago pa niya idiin muli sakin ang kutsilyo, tinapakan ko na ang paa niya at napalayo siya saakin ng kaunti.

"Ahh!" sigaw niya. Tiningnan ko ang kasama niyang mataba, aambahan niya sana ako ng suntok ngunit nailagan ko ito at sinipa ko ang tiyan niya dahilan upang mapaatras siya at mapatumba sa sahig. Napalakas ata ang pagkakasipa ko sa kaniya. Dapat lang yan sa kaniya.

"Walanghiya ka!" nabaling ako sa sumigaw. Kita ko ang galit sa mata niya. Sumugod siya saakin ngunit bago pa niya ako masaktan, sinipa ko ang kamay niya dahilan para mabitawan at tumilapon sa malayo ang kutsilyo. Sinuntok ko rin ang mukha niya dahilan para mabaling sa kanan ang ulo niya. Dahilan sa pagiging abala sa lalaking ito hindi ko nalamayan na nakatayo na ang mataba at lumapit ito sakin. Akamang lilingon ako ng biglang may pumalo sa likod ko. Napatumba ako sa sahig at napahawak sa ulo ko na natamaan niya.

"Ah!" daing ko. Ang sakit ng pagkakahampas ng matabang iyon ah! Natumba ako habang iniinda ang sakit ng pagkakahampas sa likod ko na tinamaan pati ata ulo ko.

"Akala mo makakatakas ka saamin ah!" sigaw niya at nakita ko ang hawak niyang kahoy. Iyon siguro ang pinangpalo niya sakin. Hinawakan nila ako at kinaladkad nila ako papuntang damuhan, hindi ako makalakad ng maayos o makatakbo sa sakit ng pagkakapalo ng matabang iyon.

"Bitawan niyo ako!" sigaw ko habang pilit na tinatanggal ang hawak nila sakin. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak nila kahit na nahihirapan ako. Mabuti nalang at natanggal, siguro dahil na rin sa lasing sila kaya nakawala ako. Tinanggal ko ang bag na suot ko at hinampas sa matabang matanda.

Bago ko maihampas sa isa ang bag, naramdaman ko nalang na may tumusok sa tiyan ko. Nabitawan ko ang bag ko at tumingin sa sumaksak sakin, nakita ko ang kasama ng mataba, hawak hawak na niya ang kutsilyo na kanina lamang ay nasa sahig. Sinaksak na niya ako. Nakita ko ang gulat sa mata ng matanda at nanginginig niyang nabitawan ang kutsilyo.

"P-pre, h-halika kana. Bilis!" nanginginig niyang sigaw sa kasama niya na gulat na gulat rin sa nakita.

Nanghina ako, napalingon ako sa bag ko. Nakita kong umiilaw ito, bakit umiilaw ang bag ko? Kahit na nanghihina, pinilit kong kunin ang bag ko, nang makuha ko na ito, binuksan ko ito at nakita ko ang sanhi kung bakit ito umiilaw.

Ang lumang libro. Ang lumang libro na bigay ng matandang lalaki kanina ay umiilaw! Naalala ko ang sinabi ng matanda.

" Maaari kang humiling sa libro na iyan ngunit tandaan mo na isang kahilingan lamang ang kaya niyang maibigay. "

Totoo ka iyon? Napabagsak ako sa lupa dahil sa panghihina habang hawak hawak ang libro. Kung totoo nga, hinihiling ko na mabuhay muli at sisiguraduhin kong sa susunod na buhay, hindi ako mamatay ng walang kalaban laban at mas lalong hindi sa kamay ng mga ganong lalaki.

Bago pumikit ang aking mata, isang sigaw ang aking narinig at kahit nanlalabo ang mga mata ko nakita kong tumatakbo palayo ang dalawang matandang may kagagawan nito...

Madapa sana kayo....





HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon