Tina's Pov
Napabuntong hininga nalang ako ng malalim pagkasara ko ng pinto ng silid ng senyorita. Naaawa ako sa kaniya. Habang naglalakad ako napaisip nalang ako kung ano ang nangyari ng gabing iyon. Hindi naman ito mangyayari kung sinamahan ko siya noong gabing 'yun. Pero bakit kaya pinu-- napatigil ako sa pagsasalita sa isip ko ng biglang kong nakasalubong ang kapatid niyang si Armenia.
"Magandang hapon po, senyorita" Bati ko at bahagyang lumuhod pa bilang paggalang sa kaniya. Tinanguan at nginitian lang ako nito. Lalagpasan na sana ako nito nang bigla siyang tumigil at humarap saakin.
"Galing ka ba sa silid ni Estella?" Tanong nito.
"Opo," sagot ko.
"Kumusta ma siya? Papunta na sana ako sa silid niya ngayon" wika pa nito. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na hindi siya maayos.
"A-ahm.. Pinalabas niya po ako ng silid niya. Nais raw po kasi niyang magpahinga muna." Wika ko nalang.
"Ganun ba? I guess it would be better kung mamaya ko nalang siya puntahan para makapag pahinga siya ng maayos." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan na niya ako at ako naman ay nagpatuloy na maglakad papunta sa pupuntahan ko. Kumatok muna ako ng tatlong beses..
"Come in." Wika ng tao sa loob.
Nadatnan kong nakaupo ang siya sa kaniyang silya habang nakaharap sa salamin. Pinuntahan ko ito at tumigil sa gilid, tatlong hakbang ang layo sa kaniya.
"Pagbati, mahal na reyna." Wika ko at bahagyang lumuhod. Napalingon naman siya saakin at tumango nalang.
"Gising na ba siya? Nasabi mo ba ang pinasasabi ko?"
"Gising po siya pagkarating ko sa silid niya. Patawad po kung hindi ko nasabi ang pinasasabi niyo sapagkat nais raw po muna niyang magpahinga." Wika ko rito. Nagdadalawang isip ako kung dapat ko bang sabihin sa kaniya na nag kwento ako sa senyorita.
"Ganun ba? Sige, ako nang bahala. Makakaalis kana." Imbes na umalis ay nanatili lamang akong nakatayo sa gilid niya. Nagtaka naman siya kaya nagsalita siyang muli.
"May gumugulo ba sa isipan mo na nais mong sabihin saakin?"
"N-nababahala po kasi ako sa nangyari sa kaniya. Tuluyan na ata siyang nawalan ng alaala. Ang dahilan po talaga kung bakit hindi ko nasabi sa kaniya ang pinapasabi niyo dahil nag pakwento po siya tungkol sa pagkatao niya at kung nasaan siya. Patawad po, mahal na reyna" kinakabahang paliwanag ko sa kaniya. Titingnan naman ako nito sa mata at bahagyang ngumiti.
"Magiging maayos rin ang lahat." Eh? Bakit parang hindi siya nag aalala? "Ako nang bahala sa kaniya. Babalik rin ang alaala niya." Wika pa nito. Kahit naguguluhan ay napatango nalang ako at nagpaalam na sa kaniya.
--------
Isabella's Pov (Estella)
Nakahiga akok ngayon sa kama habang nag iisip. Ano nang mangyayari saakin? Hindi ko alam kung ano itong napuntahan ko at kung anong lugar ba ito. Bakit may mga bampira, lobo, at fairy? Kathang isip lamang sila at hindi totoo. Paano ko paniniwalaan ang mga sinabi ni Tina? Mukhang hindi naman siya nagbibiro. Kung totoo man, kailangan kong makabalik sa katawan ko at mundo ko. Hindi ata ako mabubuhay sa mundong ito baka ikamatay ko pa ang pananatili dito. Kaya habang andito pa ako, kailangan kung humanap ng paraan para makabalik...
-
Nagising ako nang may kumatok sa pinto. Hindi ko nanaman namalayan na nakatulog na pala ako.
Iniluwa nito si Reyna Luciana. Bumangon na ako at umupo sa higaan. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay ngumiti rin siya pabalik at lumapit saakin.
BINABASA MO ANG
Hiling
WerewolfSiya si Isabella Ferrer, dalawampu't taong gulang. Isang dalagang mabait sa mabait at palaban. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang tuluyang magpapabago sa tahimik niyang mundo. LANGUAGE: Filipino START: 07 | 11 | 2023 END: