"Mommy it's getting dark are we staying here with them?" tanong sa akin nang maganda kong Anak--- kamukhang-kamukha siya ni Mama sa tuwing tititigan ko si Erlinda bumabalik ang pait ng kahapon noong Bata pa ako at kung paanong nawala sa amin ni Papa si Mama.
"Hey! Erlinda stop bothering Mommy can't you see she's talking to our Grandparents." saway naman dito ni Scott.
Parang kelan lang Bata lang ako gaya nang Kambal ko, ngayong Magulang na din ako gaya ng mga Magulang ko. Ayoko silang ibaon sa limot kaya nong nalaman kong Kambal ang magiging Anak namin ni William pangalan agad ng Lolo at Lola nila ang naisip kong ibigay sa kanila.
Pareho kong niyakap ang Kambal ko. "Okay go get in the car tell Dad that I will be there in a minute."
Sabay na humalik sa akin ang Kambal ko bago ito nag-uunahang tumakbo palapit sa nakaparadang Kotse.
Muli kong nilingon ang punto ng mga Magulang ko maaari ngang Amerikano si Papa pero maspinili niyang dito mahimlay sa Cavite kung saan namin iniwan si Mama noong umuwe kami ni Papa sa America, naging mabuting Ama si Papa simula nang namayapa si Mama hindi na siya nag-asawa pang muli tanging sa akin lang umikot ang Mundo ni Papa, natatandaan ko pa Lage niyang sinasabi sa akin.
"You know why your Mother named you Snow? Because her favorite fairytale was Snow White I used to read her that story over and over again. She also wanted to see how beautiful it was when the Snow is falling down but it never happened."
Saka iiyak si Papa.
"I left my Heart in Cavite and it's Erlinda your Mom, if my days come I wanted to be with your Mother--- she's my Home. C-can you do it for me my little Snow."
Tatango na lamang ako saka ko siya yakapin ng mahigpit alam kong nangungilila si Papa kay Mama.
Mabis ang bawat paglipas ng Panahon tinupad ko ang hiling ni Papa umuwi ako ng Pilipinas at sa tabi ni Mama inihimlay ko ang Bangkay nito gaya ng hiling niya.
"Mama---- Papa. Isa na akong Doktor ngayon nag-aral po ako ng mabuti para maipagmalaki nyo po ako. May mga Anak na din po ako sayang at Hindi nyo po sila nakita man lang ipinangalan ko po sila sa inyong dalawa dahil gusto kong kasama ko kayo hanggang sa pagtanda ko po. Salamat po sa inyong dalawa kayo po ang Tahanan ko.... Sorry po kung natangalan po uli ang pagdalaw ko sa inyo. Uuwi na po muna kami sa America pero babalik po uli kami."
Tumayo na ako saka ako tumalikod at humakbang ayokong Iwan ang puntod nila kaso kailangan kong magpatuloy para sa mga Anak ko. Malayong-malayo na ako ng muli kong nilingon sila Mama at Papa---- napakagat labi ako sa naaninag ko saka sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko.
Naroon ang mga Magulang ko at hawak kamay na nakatayo habang pinagmamasdan ang pag-alis ko. Kumaway ako wala akong pakialam kung produkto lamang sila nang imahinasyon ko, tumango si Papa habang ngumiti naman si Mama saka masuyong yumakap kay Papa.
Masayang-masaya silang dalawa kahit hindi pinalad ang pag-iibigan nila noong nabubuhay pa sila kahit pano napanatili nilang wagas ang pagmamahalan nila hanggang sa kabilang Buhay.
Pinahid ko ang mga luha ko habang patuloy ang paglakad ko palayo. Sumakay ako sa Kotse agad akong niyakap ng mga Anak ko alam nilang malulungkot ako dahil iiwanan ko na naman ang Lolo at Lola nila.
Gaya ng sinabi dati ni Papa. Bigla ko na lamang nasambit kasabay ng pag-andar ng Sasakyan. "I left my Heart in Cavite...."
-------THE END -------
BINABASA MO ANG
I left my heart in CAVITE
Historical FictionMaingay ang paligid lahat nagmamadaling nagbalot ng mga damit para tumakas paparating na kasi ang mga Hapones ayon sa mga naririnig naming Balita dito sa Leyte malulupit daw ang mga bagong mananakop. "Bilisan mo Erlinda kung ayaw mong maabutan tayo...