"Wake-up sleepy head. We're going to board. We're in Shangley Point." marahan pa ako nitong niyugyog.
Inayos ko ang sarili ko saka ko kinuha ang mga nakasampay naming damit sa paanan ng higaan namin. Isuot ko na din ang tsinelas niyakap ang Bayong ko kitang-kita ko ang mga ilaw sa labas ng mga bilog na bintana ng Barko medyo kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari sa akin pagbaba namin ng Barko.
"You're with me Erlinda you don't need to worry." mahigpit nitong hinawakan ang kaliwang kamay ko saka kami sabay na naglakad palabas ng pasilyo, bumaba kami ng hagdan at muling naglakad sa direksyon ng labasan ng Barkong Pandigma.
Natigilan ako paglabas namin ang daming tao at may mga Tangke at mga Truck sa pangsundalo. Nakapila lahat ng mga Sundalo nahiya ako ng balingan nila ako ng tingin. Naramdaman ko ang pagpisil ni Scott sa kaliwang kamay ko kaya tumingala ako.
"This will be your new Home." nakangiting saad nito.
Kasabay ng pagtango ko ang pagtulo ng mga luha ko, itong Lugar na ito daw ang magsisilbing Tahanan ko simula ngayon. "T-thank you Scott."
Yumuko ito saka ako hinagkan sa noo sa pagkakataong ito hindi na ako nagalit sa kanya tutal hindi naman ako nabuntis gaya nang pinaniwalaan kong sabi ng Lola ko, siguro sinabi lang yon ni Lola para umiwas ako sa mga Lalake.
"Let's go. I will take you to my Cabin first." naglakad kami at nilagpasan ang Hanay ng mga Sundalo na nakapila.
Ang ganda ng buong Lugar meron kasi silang Kuryente hindi gaya sa pinanggalingan ko na tanging gasera o kaya kandila ang pinaka-ilaw namin tuwing gabi. May mga Babae din ang iba nakasuot ng Puting damit siguro sila yung mga tinatawag na Nurse, binati nila si Scott ng madaanan namin sila tumango lamang ito.
Huminto kami sa tapat ng Isang maliit na Bahay na yari sa semento, may hinanap si Scott sa loob ng dala niyang Bag saka nito nilusot sa saradura ng pinto ang hawak niya, inikot nito ang saradura saka bumukas ang pinto. Pigil ko ang hininga ko ng buksan ni Scott ang ilaw nagliwanag ang kabuoan ng loob ng Kuwarto.
"Lady's first." nakangising sambit nito saka ako pinaunang pumasok.
Nilibot ko ang mga mata ko sa loob ng Kuwarto meron itong higaan na malambot at higit na masmalake kesa sa nasa Barko meron din itong sariling Banyo na ikinatuwa ko dahil pwedeng-pwede akong makapaglaba kahit anong oras ko gustuhin kaso wala itong Kusina nagpupunta daw kasi silang lahat sa Kantina ng Kampo para doon kumain.
Umupo ako sa isang upuan na nakaharap sa mesa. Habang si Scott nilapag sa gilid ang dala-dalang Bag kinuha din nito ang Bayong ko.
"I know you're tired you can rest here." palabas na ito ng Kuwarto nang magtanong ako.
"Where I eat?"
Ngumiti ito. "I will bring you something to eat okay, there's a bottle of juice inside my Bag and a box of candies if you want. I will be back in a minute just don't go outside and lock the door okay."
Tumango ako saka ito lumabas. Tinanaw ko ang papalayong si Scott may mga lumapit sa kanya na grupo ng mga Babae na nakasuot ng Puting uniporme parang nagtatawanan sila at may sinabi kay Scott kaso umiling naman ito saka nagpatuloy sa paglalakad. Ano kaya ang sinabi ng mga Babaeng yon? Napahawak ako sa buhok ko iba ang kulay ng buhok nila para itong Ginto at matatangkad pa sila tapos magaganda!
Ilang minuto din akong nakasilip sa labas ng bintana ng matanawan ko si Scott kasama ng ilang mga Sundalo may pinag-uusapan sila napako ang mga mata ko sa hawak nito ang daming pagkain!
Kumatok si Scott nang marating na nito ang pinto. "Are you still awake Erlinda?"
"Yes!" sagot ko na nakasilip sa bintana nakita naman niya ako kaya kumaway ito.
BINABASA MO ANG
I left my heart in CAVITE
Ficción históricaMaingay ang paligid lahat nagmamadaling nagbalot ng mga damit para tumakas paparating na kasi ang mga Hapones ayon sa mga naririnig naming Balita dito sa Leyte malulupit daw ang mga bagong mananakop. "Bilisan mo Erlinda kung ayaw mong maabutan tayo...