DALAWA

112 8 0
                                    

Nakarating kami sa nagsisilbing kalsada ng Lugar namin agad akong nagtago sa likod ni Scott ng makita ko ang ilang Truck ng mga Sundalo na nakaparada. Baka mga Hapones!

"Capt looks like your little girl is scared." agaw nito sa pansin ni Scott kaya nilingon ako nito e sa natatakot naman talaga ako eh kanina lang kamuntik nang wasakin ng mga singkit na yon ang Kinabukasan ko kaya tama lang na matakot ako.

Tumaas ang gilid ng labi nito saka ako hinawakan sa Balikat. "They are our Allies no need to be afraid of come I'll toss you up inside the Truck."

Toss? Hagis yon ah. Ibig sabihin ihahagis niya ako sa loob ng Truck? Napayuko ako sa sobrang hiya halos lahat sila mga Sundalong Amerikano at wala silang kasamang Babae namumukod tangi lamang ako kaya talagang nakakahiya sa sobrang yuko ko ni hindi ko nakita ang sangga ng Punong Kahoy na nakaharang sa daraanan ko kaya nadapa ako pasubsob akong bumagsak sa damuhan nadaganan ko pa ang Bayong ko.

"Aray---." daing ko pero agad din akong tumayo ng maalala kong may mga kasama nga pala ako inayos ko ang tumaas na laylayan ng Bestida ko. Buti at nagsuot ako ng panloob kung hindi talagang malulusaw ako sa hiya.

"A-are you okay?" napalunok laway pa ito kaya napaatras ako nang umakma itong hahawakan ako nilibot ko ang tingin ko saka ko napansing napakarami nila kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na lamang ako habang mahigpit kong yakap ang Bayong ko. "Hey, Erlinda what's wrong?"

"D-don't r*pe me Sir!" hagulhol ko.

"R*pe? What?" saka ito humagalpak ng tawa ganon din ang mga kasama nito. "Why would I do that? Come on here I will just help you climb up the Truck then we're good to go."

"You." turo ko sa kanya. "No r*pe?"

Muli itong tumawa. "Of course. Come on now or you will be left behind here the Japanese will going to get you."

"Ha? Ayokong maiwan dito!" reklamo ko saka ako nagmamadaling naglakad papunta sa itinuro nitong Truck naroon na rin ang mga kasama nitong mga Sundalo kaya napahinto ako bukod doon masyadong mataas ang Truck nila para sampahan ko.

Napatili ako nang biglang may dalawang malalaking kamay ang bumuhat sa akin saka kami sabay na sumampa ng Truck nagtawanan na naman ang mga Sundalong nasa loob nito. Dali-dali akong bumaba mula sa pagkakakalong sa akin nito saka ako pormal na tumayo sa gitna yakap ko pa din ang Bayong ko baka kung ano pang gawin nila sa akin.

"Don't tell me it's your first time being carried by a man?" parang hindi makapaniwalang tanong nito anong akala nito sa akin na nagpakalong na lang sa kung sinu-sino!

Deretso ko itong tinitigan saka ako matapang na sumagot para kasing nakaka-insulto sa gaya kong Babae ang paraan nito ng pagtatanong. "I no one touch me man Respect us wo-woman Sir."

Natigil ang tawanan nila sa isinagot ko baka sa Bansa nila pwede nilang hawakan ang Babae ng walang pahintulot o abiso man lang.

"Oh?" tumikhim ito. "Sorry it's not my intention I just wanna help you that's all, okay next time I won't touch you neither them without you knowing it okay it's that fine with you?" hindi ako sumagot nanatili akong nakatitig sa kanya kahit niligtas nila ako at nakita pa nila ang halos hubad kong Katawan eh wala pa din siyang Karapatan na hawakan ako ng ganon.

Itinaas nito sa ere ang dalawang kamay na akala mo natalo sa isang laban. "I'm sorry. You may take my seat over there." turo nito sa bakanteng puwesto pero imbes na umupo ako doon ay inayos ko ang Bestidang suot ko saka ako sumulampak sa dulo ng Truck kung saan kami pumasok hindi ako sanay na may katabing Lalake.

"Okay if you like to sit there then suit yourself Erlinda." saad ni Scott.

"Thanks." nayakap ko ang Bayong ko nang biglang umandar ang Truck may harang naman ang daanan pababa nito kaya hindi ako mahuhulog.

I left my heart in CAVITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon