Chapter 13: Reunited

231 9 15
                                    

Bumaba si Kirsten ng sasakyan matapos siyang pagbuksan ng isa sa mg tauhan ng mansion.

"Magandang gabi, Señorita!" Bati ng mga ito sa kanya. Tumungo lang siya sa mga ito.

"Yung dalawa?" She asked.

"Nasa sala po sina Boss, hinihintay ang pagdating niyo." sagot nito sa kanya.

Tumingin siya sa malaking pintuan ng bahay at napabuntong-hininga nalang. Kanina ay nalulungkot siya sapagkat bigla nalang pumasok sa isipan niya si Gregory. Miss na miss na niya ito kahit nakakausap naman niya ito palagi sa telephono. Iba parin iyong nasa harapan mo lang at nahahawakan ang taong mahal mo, not knowing na nakauwi na pala ito sa Pilipinas. Talagang nagagaya na ito kay Kier na palagi siyang pinag-aalala.

"ふざけんあ! (Fuzakenna), I was just taking a shower, why did it become my fault?" Rinig niyang sabi ni Kier mula sa loob. (Don't mess with me!)

"Just face it, you're basically the one who started it." Rinig niyang sagot ni Gregory. That voice, she misses it. Agad siyang tumakbo patungo sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Gregory!" Napahinto siya ng makita na niya ito. 'Oh God! He's real! He's really here now.'

Natigilan ang dalawa sa pag-uusap at napatingin sa gawi niya.

"Baby!" Panabay na bigkas ng dalawa.

Tinaasan niya ang mga ito ng kilay habang pilit na tinitimpi ang nararamdamang pagkamiss kay Gregory, nadadala iyon ng inis na nararamdaman niya ngayon para sa mga ito.

Tila tukong napakapit bigla si Kier kay Gregory habang tila namamanghang nakatingin lang sa kanya ang huli.

"Shit! I can't believe I'm seeing you right now. I miss you!" Mahinang bigkas nito. Mabagal siyang naglakad palapit dito kahit na nakahawak sa laylayan ng likod ng damit niya si Kier.

Hindi gumalaw si Kirsten sa kinatatayuan at pinakatitigan lang ang dalawa. "Baby, galit ka?" Tanong ni Kier sa kanya. Ngumiti ng matamis si Kirsten sa mga ito.

"Hindi!" Aniya, subalit hindi pa rin lumapit. Nakita niya kung paano sikuhin ni Kier si Gregory, subalit nakatitig lang sa kanya ang huli. Walang ano-ano'y si Gregory na ang lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"I'm sorry! It won't happen again." Anito. Napasimangot nalang siya at di mapigilang may tumulong luha sa mga mata.

Sh*t na! She can't help but to hug Gregory back. She really miss him. Natatabunan ng pagka-miss niya ang inis dito lalo pa ngayon na yakap na niya ito. Naidilat niya ang matang nakapikit nang may pumunas doon. "Wag kana umiyak, Baby! Papangit ka niyan." Inangilan niya ito ng tingin dahil sa sinabi, but then... she extended her hands and act to hug Kier too na siyang ginawa naman nito. Nakayakap na ito ngayon sa likod ni Gregory habang nakaharap sa kanya. Finally, She feels complete now that they're here with her.

She understand the content of their work and there are times na aalis ang mga ito sa tabi niya upang asikasuhin ang mga iyon. Para lang siyang may asawang sundalo sa lagay nito, pero nakakaya naman niya basta ba alam niya kung nasaan at ano na ang ginagawa ng mga ito. Kaya nga naiinis siya kapag ganitong nahuhuli siya sa balita.

Nandito siya ngayon sa kwarto ni Kier at nakahiga sa tabi ni Gregory. He said he's still have a jetlag at kailangan nitong magbawi ng tulog. Si Kier ay inutusan niyang kumuha ng makakain nila kaya silang dalawa lang ni Gregory sa loob ng kwarto. Gregory was caressing her checks and eventually kissed her on her lips. She can't help but to respond to his kisses. "Akala ko ba magbabawi ka ng tulog?" Aniya kay Gregory nang maghiwalay ang mga labi nila.

"Can't help it. I miss you!" Tugon nito at hinalikan ulit siya sa pisngi.

"What did you talk earlier about Kier being naked in front of you?" She asked when she remembers what they talked while on the call. "Did you still not get used to him being naked when you two usually get to shower together when we are on our outing?"

My Two BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon