Chapter 5: Pajama Party

235 10 2
                                    

Manghang nakatitig ang magkaka-ibigan sa gate palang ng bahay ng mga Gonzales. Parang kasing laki na ito ng isang mall dito sa pilipinas sa laki niyon. Puno din ng security guard ang buong paligid at napakalawak ng hardin.

"Di ako na inform, palasyo pala pupuntahan natin." Utas ni Miyu na nakikisilip din mula sa sundo nilang sasakyan.

Oo, isa-isa lang naman silang sinundo ng isang stretch sedan limousin mula sa kani-kanilang mga bahay. Halos atakihin nga sa puso si Celestine ng bigla itong huminto sa harap niya mula sa apartment na tinutuluyan niya. Agaw atensiyon tuloy siya sa lugar nila. Isa pa, iniisip niya din kung paano ito nakakaliko sa mga kalye. Pero mukhang may sarili itong daan na hindi sasagabal sa ibang sasakyan.

"Damn, it's freeking huge! Di ko alam kung mansion pa ba to o palasyo sa laki." Ani ni France. Oo malaki ang mga bahay nilang magkaka-ibigan, pero hindi kasing laki at lawak ng bahay na natatanaw nila ngayon.

"Ha! Nagmamayabang na naman yung babaeng iyon." Di mapigilang kumento ni Zia na kasabayan din nila.

"Nagmamayabang? Mukhang natural lang naman ang akto niya, girl!" Ani ni Rhea.

"Tss." Hindi nalang nagkumento na ani nito.

Pagkababa palang nila ng sasakyan ay sinalubong na agad sila ng isang butler na siyang ikinataas na naman ng kilay ni Zia.

"Welcome, Young ladies and young gentlemen! I'm Arthur, the butler of the house Gonzales. The lady is already waiting for you in her room. Please follow me as I guide you." Tahimik na sinundan lang nila si Arthur habang di maiwasang tumitingin sa mga dinadaanan nila.

Agaw pansin sa kanila ang mga mamahaling paintings, antique jars, and plates na nakadisplay sa paligid. Parang dumaan tuloy sila sa isang museum dahil sa mga bagay na kanilang nakikita.

Huminto sila sa isang elevator at pumasok doon paakyat sa third floor ng mansion.

Pagkababa nila ng elevator ay bumungad sa kanila ang parang lobby na lugar, may mga nakadesenyo ditong stars at moon na sinadya para sa pajama party nila ngayong gabi.

Pinaupo muna sila ni Arthur sa mga sofang naruroon bago kumatok sa isang malaking pinto.

"Jeune fille, vos invités sont ." (Young Lady, your guests are here.)

"Déjà? Attendez!" (Already? Wait!) Rinig nilang sabi mula sa loob ng pintong iyon. Bumukas ito at lumabas mula roon si Kirsten na nakangiting lumapit sa kanila.

"Bonsoir! Kumusta ang byahe niyo? Or gutom na ba kayo? Magpapahanda na ako ng pagkain kung ganun."

"Ha? Ano daw? Bonswa?" Tanong ni Jiro.

"Good Evening yun sa french. French ata salita nila dito." Sagot dito ni France.

"Alam na alam mo ah, sabagay taga france ka." Ngisi ni David.

"Siraulo! France lang pangalan ko, pero hindi ako taga France."

"Ayos lang byahe namin, be. Medyo naluka lang kami sa mga sundo namin. Akala tuloy ng mga kapitbahay ko nagka sugar Daddy na ako." Sagot ni Miyu dito.

"Ganun din sa akin." napakamot ng ulong sabi ni Celestine.

"Eh? Ano bang sasakyan ang pinangsundo niyo, Arthur?" Baling mi Kirsten sa butler nila.

"The Sedan Limousin, Young Lady." Sagot ni Arthur.

"Huh? Diba sabi ko yung Van lang?"

"Wala ka pong sinabi, Young Lady."

Napa-isip si Kirsten. Wala nga ba siyang sinabi? Ugh, wala nga siyang makapang may sinabi tungkol dun. "Oh, my bad!" aniya sa mga kaibigan na napa-iling nalang.

My Two BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon