Chapter 11: The Other Boyfriend

231 13 4
                                    

"Wow, so handsome!" Ani ng isang babaeng kasama ng kapatid niya nang dumaan sa harap nila ang isang poging foreigner.

"Grabe ang tangkad!" Impit naman na tili ng kapatid nito at nagbulongan sila katulad ng ibang tao sa paligid na natulala nalang sa lalaking dumaan.

"Model kaya siya?" Manghang tanong naman ng isang babae sa kasintahang kasama nito.

"Si Mama ang hinihintay natin dito, hindi artista." Ani ng boyfriend nito. Humalakhak ang kasama nito sa tinuran ng nobyo.

"Ito naman, selos agad! Minsan na nga lang makakita ng pogi e." Birong tawa nito at lumingon ulit sa lalaking dumaan. Huminto ito sa harap ng isang matandang lalaki na nakasuot ng itim na suit.

"Welcome back to the Philippines, Boss Gregory!" Bahagyang yumuko ito sa harap ng lalaki.

"Mang Rody, kumusta?" Bati nito sa matanda.

"Maayos lang, Bossing! Saan ko po kayo dadalhin?" Tanong nito matapos pagbuksan ng pinto ng kotse ang amo.

"Hmm... I want to see them, but I'm sleepy right now. I just cleared my whole schedule in Russia so that it won't bother me for long while I'm spending time with them." Pinikit ni Gregory ang kanyang mga mata.

"Magbawi muna kayo ng tulog, Boss. Makikita niyo rin naman ang señorita at señorito sa school bukas. Mas mabuti na iyong nakapagpahinga kayo para marami kayong oras kapag nakasama niyo na sila." Ani ni Mang Rody.

"Alright! Let's go home then." pagsang-ayon niya dito. Tuluyan na niyang ipinikit ang mga mata upang umidlip sa byahe. Ilang araw din kasi siyang walang tulog dahil sa pag-asikaso ng mga business niya.

****

"Kier, sayo na ang bola!" Sigaw ni David habang sinisipa ang bola papunta kay Kier.

Andito sila ngayon sa may school field upang maglaro ng soccer. Kasama nila ang official soccer team ng school na hinati sa dalawang groupo upang maging pantay ang laban sa pagitan ng dalawang team. Inanyayahan kasi ng mga ito ang magkakaibigan na nanunood sa kanilang practice. Particularly Kier na namamangha habang nakatitig sa naglalarong team. Halata kasing gusto nitong sumali.

"Go, Kier!" Sigaw ng mga bagong nabuong fan girls nito sa gilid na himalang biglang nagtipon-tipon sa gilid.

"Go, Kings!" Ani naman ng iba pang fan girls na groupo.

Napa-iling nalang si Kirsten habang nakatitig sa nobyong masayang naglalaro kasama ng mga bagong kaibigan. It's been almost a week since the incident in the cafeteria. They become a hot couple in the campus at that time and it's not really surprising but Kier's popularity rises more than the Kings in their school's standing for the most handsome faces. Number one na ito doon.

Some students admire him not only because of his innocent princely face but because he is smart too. Although he's kinda cold sometimes and unapproachable, but once he smiles, all students are captivated by it that they can't help but admire.

"Woah! Kier's supremacy is really outstanding. They don't even mind that he has a girlfriend." Kumento ni Miyu na nasa tabi ni Kirsten at nanunood.

"Para kasi siyang k-pop star, o mas pogi pa nga siya sa ibang idols diyan, kaya nga di mo masisisi kung maraming hahanga sa boyfriend mo." Ani din ni Zia.

"Wala naman akong sinabi. Wag lang silang lalapit at tatangkaing landiin yan sa harap ko, kundi makikita talaga nila." Kirsten said.

Napahagikgik ang magkakaibigan sa sinabi niya dahil naalala ng mga ito ang nangyari sa cafeteria. Tulala ang lahat sa halikang nangyari.

My Two BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon