Wakas

1.6K 43 7
                                    

"Papa, mama!" si Wynwyn na umahon mula sa swimming pool. Tumakbo papalapit sa amin ni Ernist na nakaharap sa monitor. We both finalizing our manuscript. It's a collaboration work of Phantom and MMM. Nasa malawak na bakuran kami ng malaking mansion ng Hemingway kung saan dito na kami naninirahan pagkatapos ng kasal namin ni Ernist.

"Wyn!" si Lina na hinabol ang bata. "Ingat baka madapa ka!" dagdag pa nitong inalalayan ang bata.

Maagap naman ang asawa at tumayo mula sa tabi ko. "Little guy!" Sinalubong ang anak namin. Hindi niya ininda ang anak na tumulo at basang basa. He hugged Wynwyn tightly. "Did you enjoy swimming?" He kissed his chubby cheeks.

"Yes, papa!"

"What do you want to do then, little guy?"

"Eat!"

Ernist chuckled.

"Then, let's get some food for you." Bumaling si Ernist sa akin. "Wifey, I am going to get some food for our son." Hinagkan niya ang aking noo. Hinalikan din ako ni Wynwyn sa pisngi.

"Mama," bulalas nito.

"Baby." Pinisil ko ang matangos ng ilong ng anak namin.

Tumango ako't pinagpatuloy ang pagsusulat ng kwento. "Hubz—"

Napalingon si Ernist sa direksyon ko.

"—don't feed Wynwyn too much. He's getting heavier."

"Masusunod po, wifey ko."

"At dalhan mo rin ako, I want toast with bagoong, please," pahabol ko.

Sobrang nalukot ang gwapong mukha ng asawa ko sa ni request ko na pagkain. "Masarap ba 'yon?"

'Basta gusto ko ng toast at bagoong," pagpumilit ko.

"Okay for my wifey, bagoong with toast," sumusukong tumalikod itong karga karga si Wynwyn. Sumunod din si Lina papasok sa loob ng mansion.

Mahigit isang taon na kaming kasal ni Ernist pero parang kailan lang. Ernist still treats me like he used to. He never fails to flutter my heart. Araw araw siyang may pasalubong sa akin ng isang tangkay ng rosas.

Tumigil na ako sa pagtatrabaho sa Alvia Building Company. I work as a full-time writer for Earnest Publishing House which my husband's owned too. Pinagtuonan ko na rin ang paglaki ng anak naming.

Now Ernist and I, currently working on a collaboration project titled 'Virgin at 30'. And I am hoping that our story will inspire others.

I enjoyed writing this series since this is our love story. At sa tulong ng asawa ko mas lalo kong na-eenjoy ang buhay ko... buhay namin. Yes, I am still introverted, yet Ernist puts effort into me not to get exhausted. He respects and understands me. He loves me, and I love him even more.

***

Mahinang katok ng pinto ang aking ginawa sa labas ng opisina ngunit wala akong narinig na boses mula sa loob.

Nagsalubong ang aking kilay. Ano kaya ang ginagawa ng aking asawa?

Hindi nanghingi ng permiso ay maingat ko na tinulak ang pinto. Sinalubong ako ng amoy ng asawa ko. Nilakbay ko agad ang mga mata sa loob ngunit walang Mr. Hemingway na sumalubong sa 'kin. Hinakbang ko pa ang paa hanggang nakapasok ako.

Halos mawalan ako ng ulirat sa tinding gulat ng may biglang humablot sa braso ko. Sabay na diniin ako sa salaming pader. The door locked automatically.

There, my husband looked at me with a teasing smile on his lips. Sobrang lapit, gaya kung paano nagtatalon ang puso ko noon ay hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang epekto niya.

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon