Be Professional

3.5K 124 9
                                    

"Congratulations, Miss Majarrot you are hired, you can start as early as tomorrow."

Parang sirang plaka iyon na pabalik pabalik sa kukuti ko. Walang mapaglagyan ang kasabikan ng puso ko habang papalabas ako ng gusali ng Alvia Building Company.

Sinuswerte ako't unang interview pa lang ay agad akong natanggap. I may be an introvert, but I am confident enough to talk to other people if I need to. Hindi ako masyadong nahihirapan sa interview... or maybe the said position was very time-critical.

According to the staff who interviewed me it's been a month that the position is vacant, and they need one. Mainitin kasi ang ulo ng boss at walang masyadong nagtatagal. No one met his standard except for his previous assistant, Mr. Ortega who stepped down from his position two months ago.

Hindi ako aatras kahit na ba bugnutin ang boss ko. Wala naman mawawala pagsubukan. Ang importarte ay may trabaho na ako sa araw, at iba din paggabi pangdagdag ipon.

Tuwang tuwa naman si mama sa narinig na balita mula sa'kin. Sabi nitong baka sa susunod na linggo ay luluwas sina Wynwyn upang makita ko. Hindi na ako makapaghintay pa't namis ko na nang sobra ang anak ko.

***

Kinabukasan sabik na kinakabahan na hinanda ko ang sarili para sa bago trabaho. Inayos ko ang hitsura. Nilugay ko lang ang buhok ko't nagsuot pa din ako ng contact lens. Peach high waist pencil cut skirt na hanggang tuhod, white loose long sleeve. Sandals na katamtaman lang ang taas ng takong. Naglagay ako ng tint sa labi at kaunting perfume.

Ayoko na magmukhang nerd na papasok sa opisina. Naghanda rin ako ng lunch box. Ayokong gumastos nang gumastos at mas nakakatipid ako pag may sariling baon.

Dala ang shoulder bag at ang aking bento box ang nagtuloy-tuloy na ako sa unang araw ng aking trabaho.

Narating ko ang opisina na pinagpawisan ng malala. Sobrang daming gumamit ng elevator at nag-ooverload, dapit huli sa hagdanan ako dumaan hanggang narating ko ang pinakatuktok na floor. Namamanhid ang binti ko't milyong baitang ang inakyat ko.

Sinalubong naman ako ng head ng HR department na si Miss Kim Coye. Pinakilala niya sa ibang mga kasamahan ng Alvia Administration.

Pahid pahid ang panyo sa pisngi at noo ay na-upo na ako sa nakatalagang desk ko sa labas ng CEO office. I am the newly hired secretary of the CEO. Miss Maria Marites Majarrot!

Siguradong mangangapa talaga ako. Unang work experience ko 'to outside my introvert comfort zone. Sigurado rin akong panay sermon ang abutin ko mamaya pero buo ang loob ko alang-alang sa anak ko.

May mga bilin din si Miss Kim sa akin patungkol kay Mr. Cullen. Ayaw nito ng nalalate o umaabsent na hindi nagpapaalam dalawang araw bago ang nakatakdang pag-absent. Mas gusto nito ang single na empleyado dahil nga minsan nadadamay ang trabaho sa personal. He will come around ten in the morning. Maraming iba't ibang klaseng negosyo ang boss very hands-on at bumibisita sa bawat planta nito.

Sumaglit ako sa loob ng opisina nito upang linisin at ayusin ang loob. Sinalubong agad ako ng panlalaking amoy. Nakita ko ang nameplate ng amo ko sa ibabaw ng mamahaling desk.

"CEO C.E.H"

Inayos ko ang mga nagkalat na papel nito sa mesa at ang iba pang mga gamit. Nahagip ng paningin ko ang isang larawan na nakaframe. Halatang luma na ang larawan. Isang magandang babae at isang batang lalaki na tantiya ko'y nasa anim na taong gulang. Habang nakatuon ang paningin ko sa bata animo'y pamilyar ako pero hindi ko lang maalala kung saan ko nakita ito.

Sumusukong iniwan ko ang litrato at pinagpatuloy ang paglilinis hanggang sa natapos din ako. Bumalik ako sa aking mesa at sinimulan ang iba ko pang gawain sa harap ng monitor. Mabuti na lang at nandiyan si Miss Kim upang ituro sa akin ang mga dapat kong gawin. Alam ko na ang iba dahil kadalasan ay ginagawa ko naman sa pagvi-virtual ko. Pagbo-book ng ticket, pagso-sort ng mga documents, reviewing agendas at kung anu-ano pa. Ang dapat ko lang gawin ngayon ang kuhanin ang loob ng boss ko.

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon