Eases Worries

2.5K 90 4
                                    


6hours before at Hemingway Residence

"Ernist Hemingway will have the 60 percent shares of the Hemingway Hotel and Restaurant na kasalukuyang pinangangasiwaan ni Braxon Hemingway," deklara ni Attorney Salvador abogado ni Alvaro Hemingway ang yumaong ama ni Ernist.

"No—can you check that again, Attorney Salvador?" kontra ni Braxon. Ang kapatid sa ama ni Ernist.

Kasalukuyang nagtipon tipon ang mga kasapi ng Hemingway sa mansion dahil ngayon ang nakatakdang araw upang basahin ang last will and testament ng yumaong matanda. Si Alvaro Hemingway ay mula sa isang mayamang angkan. May pag-aaring samo't saring mga negosyo at maraming ari-arian. Kalakip na doon ang isang malaki at tanyag na Hotel na pansamantalang pinangangasiwaan ni Braxon.

Naroroon ang tatlong importanteng panauhin; sina Emilda Rosales Hemingway ang legal na asawa ng matanda. Si Braxon ang anak ni Emilda at si Ernist Hemingway na isang bastardong anak ng yumaong si Alvaro.

Umiling si Attorney Salvador. "Iyon ang nakasaad dito, Mr. Braxon," pakaklaro ni Attorney Salvador.

"I strongly deny what is stated in that testament, Attorney!" si Braxon na bakas sa mukha ang hindi kumbinsido.

"Pataposin mo muna ako, Mr. Braxon," giit ni Salvador na muling tinuon ang mga mata sa dokumento.

Tahimik lang na naka-upo si Ernist sa kabilang ibayo na nilalaro ang daliri sa mamahaling lamesa na yari sa mahogany. Katapat niya ang mag-inang Emilda at Braxon.

"Ang bahay na nasa San Ignacio, Laguna ay mapupunta sa iyo Emilda maliban doon ay wala na."

"Ano, Atty. Salvador? Klaruhin n'yo at baka may nakaligtaan lang kayo. Paano na ang pang-araw araw kong expenses wala bang nakasaad dyan?" si Emilda na tumaas ang kilay.

Umiling si Salvador pagkatapos ay muling tinuon ang paningin sa papel.

Padabog na nilapag ni Emilda ang hawak na mamahaling pamaypay sa mesa. Tinapunan nito ng matalas na titig si Ernist.

"Alvaro Hemingway hereby declared that all of his properties and businesses together with the Hemingway Hotel and Restaurant that you Braxon manage—will go to his son, Ernist."

"No!" si Braxon na marahas na tumayo. "What about me, I am Alvaro's son! Paanong 40 percent shares lang ang sa akin!? Are you fucking kidding me, Salvador? I am also a Hemingway!" giit ni Braxon na nanginginig ang bagang dahil sa hinagpis.

"Pero iyon na ang lahat na nakasaad dito, Mr. Braxon at wala ng iba."

"No! That's impossible!" kontra nito na matalas na tinitigan si Ernist. 'Ernist is just an illegitimate son, paanong—" naging mapangahas ang kilos ni Braxon. Nilapitan nito sa Ernist, "—hindi ako makapapayag na angkinin mo na lahat, Ernist!"

Isang mapaklang ngiti ang pininta ni Ernist sa kanyang labi.

Since childhood, Braxon was very mean to him. At talagang pinamukha sa kanya na anak lang siya sa labas ni Alvaro at isang pagkakamaling nailuwal siya sa mundo.

"Tanggapin mo ng maluwag Braxon, I am more capable than you are," buong kompyansang turan ni Ernist kay Braxon saka tumayo mula sa pagkaka-upo. Binalingan niya si Salvador. "Tapos na ba Attorney Salvador?" sinulyapan niya ang mamahaling relo sa braso.

"Yes, Mr. Ernist. Everything that was stated is now legally yours, Congratulations."

Bahagya lang na tumango si Ernist saka tumayo na. Hindi niya binalingan si Braxon at nagtuloy tuloy na lumabas ng silid ngunit isang mapait na tawa ang pinakawala ni Braxon na umaalingawngaw sa loob ng study room ng yumaong ama niya.

Virgin at 30Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon